Part 1: Siyam Na Buwan

49 0 0
                                    

Dala ng kahirapan ng buhay sa Probinsya napilitang iwan ni Martha ang kanyang butihing asawa na si Nestor at ang mga mahal nya sa buhay bagama't anim na bwan na syang nagdadalang tao sa panganay nila di ito naging hadlang sakanya.napaluha sya sa paglisan sa probinsya.lumuwas sya ng Maynila at dun Naghanap ng trabaho si Martha.Umaga na ng nakarating sya sa Manila Terminal.

Pagbaba nya ng bus nakaramdam sya ng pagkahilo sabay suka

"Ayos lang ho kayo ginang?" Tanong ng isang nagmamagandang loob na babae

"Ah opo ayos lang po ako dala lang ng pagkahilo sa byahe kaya nakaramdam ako ng ganito.salamat ho pala sa concern" sabay ngiti si Martha

"Ah buti naman kung ganun akala ko kung napano ka na" ako nga pala si Eden.sabay abot kamay kay Martha.

"Ako din po pala si Martha" sabay abot din ng kanyang kamay kay Eden.Probinsyana po ako nagbabakasakaling may mapasukan dito sa Maynila ng Trabaho dala na din ng hirap ng Buhay dun sa Probinsya.

"Ayyy tamang tama naghahanap din ako ng makakasama sa bahay kasi kaka alis lang nung Kasambahay ko medyo malikot lang kasi ang kamay kaya napilitan nalang akong paalisin" sabay tawa ng buntis ding si Eden

Tra magusap nga tayo dun sa may upuan sa sulok.....tara? Pagyaya ni Eden kay Martha

"O ano gusto mo bang sumama na sa akin? Di ko pala naikwento sa iyo byuda na ako limang bwan lang ang nakakalipas naaksidente kasi ang asawa ko sa barko.lumubog ang sinasakyan nilang barko" sabay patak ng luha ni Eden.kaya mag isa lang ako sa bahay sa kabilang bahay din ang driver ko na si Mang Ben at si manong guard na si Mang Berto mababait at katiwala ko na sila.

"Tahan na,Lakasan mo lang ang loob mo ganyan talaga ang mga pagsubok ng buhay paiba iba may masaya,madali,mahirap at mayroon ding masaya.ilang buwan na nga pala ang dinadala mo? Tanong ni Martha

"Anim na buwan na" Salamat Martha sa word of Encouragement mo ah pagsagot ni Eden

Ha? parehas lang pala tayo anim na bwan din tong dinadala ko,panganay" sabi naman ni Martha

"Whatta coincidence hahaha! Anim na bwan din ako at panganay din to" patawang sagot ni Eden

"Tara sumabay kana sa akin.asan na mga bagahe mo? Para tawagan ko na si Mang Ben upang maisakay na sa kotse

"Ahhh ahhh mmmm" ang nag dadalawang isip na si Martha.hindi nya kasi alam kung sasama ba sya o hindi kahit papano may takot parin sya kasi di pa nya lubos na kakilala si Eden

"Wag na magdalawang isip welcome ka sa bahay ko unang tingin ko palang as iyo alam ko ng mabuting tao ka at ramdam ko iyon" tugon ni Eden Ki Martha

Dala ng pangangailangan agad agad na tinanggap na ni Martha ang alok ni Eden

Riiiiiiiiiing! Riiiiiiiing! Riiiiiiiing! Hello maam ang sagot ng driver ni Eden na si Mang Ben."ah Mang Ben pakisundo na po kami dito sa sulok ng Terminal sa may kahoy na upuan may kasama ako" sagot naman ni Eden. " Sige po maam. Dali dali na pumunta si Mang Ben kila Martha at Eden

Ipinakilala nya ang Bagong kasambahay na si Martha sa Driver na si Mang Ben...

Ng makuha at maisakay na sa kotse ni Eden ang mga bagahe ni Martha nagyaya si Eden na kumain muna bago umuwi ng bahay at hindi rin naman nakatanggi ang gutom na gutom ng si Martha.

"Maaaaam Eden maraming maraming salamat po sa kabutihan nyo hindi ko po inaasahan na ganito sa unang pag apak ko dito sa Manila Trabaho agad ang lumapit sa akin.maraming maraming salamat po ulit hulog kayo ng langit" ang sabi ni Martha kay Eden.

"Ahh walang anuman Martha" sabay ngiti si Eden.

Nang makarating na sila ng bahay agad agad na ipinakilala ni Eden si Martha kay Mang Berto ang security guard ng bahay.

"Hello po, pangiti na medyo nahihiyang pagsagot ni Martha.

Napanga-nga si Martha sa Mala palasyong lawak at ganda ng bahay ni Eden "Sobrang ganda po at lakiiiii ng bahay nyo po maaaam Eden

"Pinag ipunan kasi namin yan ng asawa ko Captain of the sea kasi sya" patawang sagot ni Eden. Eden nalang,Eden nalang ang itawag mo sa akin wag na maam baka magkailangan tayo nyan

HAHAHAHAHAHAHHAHAHA!

Malakas na tawanan ng dalawa..

Lumipas na ng isang bwan ang pananatili ni Martha sa Bahay ng butihing si Eden.habang naglalaba siya tinawag sya ni Eden sa kwarto at inabutan ng 45k

"Hooo? Parang sobrang laki naman po nto ang gulat na gulat na si Martha

"Ok lang yan kulang pa nga yan sa kagandahan ng trabahong ginagawa mo dito sa bahay,ang pagsama sa akin kung saan saan.pahinga kana muna" ang nakangiting pagsagot ni Eden.

Mmmmmaraming salamat po ulit Eden

Agad agad na tinawagan ni Martha ang butihing asawang si Nestor at pinadalhan nya ng pera panggastos sa araw araw medyo may kalakihan ang ipinadal ni Martha.lubos na pasasalamat din ni Nestor kay Martha at sa among si Eden.

Kinagabihan nakaramdam na si Martha ng pangingirot ng tiyan medyo may kaskitan din.at agad agad namang pina suri ni Eden sa kaibigang doktor na si Amelie. "ok ka naman Martha rest ka lang dala lang yan ng pagod" bilin ng doktor.

Salamat po! Pasasalamat ni Martha

Pag uwi nila sabay na namili ng mga vitamins sina Eden at Martha sa botika sinabayan na din ng Mga masusustansyang gulay at prutas.lahat yun ay libre lang ni Eden

"Maraming maraming maraming salamat po maaam Eden sobrang pasasalamat ko po sa iyo,kung wala po kayo di ko po alam kung saan o ano na po ako ngayon" lubos na pasasalamat ni Martha sa among si Eden.

"Eden nalang ang itawag mo sa akin" nakangiting sagot ni Eden "walang anuman Martha"

Ika 9 na ng bwan, Agosto kabuwanan na ni Martha habang naghahain nakaramdam na ng kirot na tila may sumisipa at may puputok na sa tiyan ni Martha.

Ahhhhhhhhhhhhh! Ahhhhhhhhhhh! Ahhhhhhhh!

Agad agad na narinig ni Eden ang malakas na pagsigaw ni Martha kaya dali dali nyang pinapunta ang Driver na si Mang Ben "Manganganak na ako,aaaaaaaah!"

Naidala pa si Martha sa malapi na ospital alas Onse ng gabi taong 1987 ng Agosto bente syete,isinilang ni Martha ang malusog na sanggol na lalake na di kalaunan ay bininyagan at pinangalanang nyang FRED.

Agad agad na tumawag si Martha at ipinaalam sa mga mahal nya sa buhay sa probinsya ang pagsilang.lubos namang natuwa at nagpasalamat ang asawang si Nestor

Sa magkasunod na buwan isinilang na din ni Eden ang anak nila ng yumaong asawa isa ring malusog na batang lalake na pinangalanan ding LUTHER.

Tuwang tuwa ang mga bagong ina sa malulusog nilang panganay.....

LOVE POISON #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon