Chapter 5

540 23 2
                                    

Chapter 5: The Usurper

Third Person

"Totoo nga ang balita. Nag balik ka."

Natigil sa tawanan ang grupo ni Yohan ng dumating ang isang grupo na hindi nila kilala. Sa gitna nito na siyang nag salita ay matangkad at kulay pula ang buhok.

The crowd went silent after. Ilan ay nakaramdam ng takot pero karamihan naman ay na excite. Ngayon lang mangyayari na kakalabanin ng lower ang higher rank ng top 10. Hindi alam ng mga tao kung bobo ba sila o sadyang nahihibang lang.

Ilang segundo ang lumipas pero walang nag salita. Nag balik sa pagkukwentuhan ang grupo ni Yohan kaya naman parang napahiya ang mga bagong dating.

"Racliff Adamovich. Kinakausap kita."

Hindi na natago ni Aleksander ang galit na nararamdaman. Bukod sa napahiya siya, alam niyang mawawalan ng saysay ang mga pinaghirapan sa Frontier sa oras na mamuno ulit ang mga ito.

Racliff finally look at him. Isang matalim na tingin pa lang ay nakapag dulot na ito ng matinding kaba. Alam ng mga lumang studyante ang kakayahan ng isang Racliff Adamovich. Sino lang ba si Aleksander? Kung si Takeo Sato na binansagang pinaka malakas noon ay tinalo niya lamang ng ilang segundo.

"Do I know you?"

"Of course you don't! Sa tagal niyong nawala—"

"Exactly. Now go away. Isama mo na rin yang mga kalaro mo at doon kayo sa football field mag habulan."

Yohan tried to stop herself pero hindi napigilan kaya lumabas ang mahinang halakhak nito, ganon din sa ibang nakarinig.

Mas lalo naman lumala ang galit ni Aleksander, pati na rin ang mga kasama nito.

Racliff Adamovich

"You had your birthday two months ago and you didn't invite me?"

"Sayang lang ang invitation kung nasa malayo ka naman."

"Pupunta ako kahit gaano ako kalayo."

"That's exactly the reason why I avoided you. Rycass and I talked and he explained na kaylangan mo mag focus sa negosyo. May natutunan ka naman ba?"

Bumuntong hininga ako.

"Meron. Konti."

Pero mas lamang yata ang wala dahil literal na wala na akong maalala. Bakit kaylangan ko pa pagaralan 'yon?

"Racliff Adamovich. Kinakausap kita."

I clenched my jaw. Ayoko na sanang pansinin pero ayaw tumigil. Tinignan ko kung sino ang tumawag sa akin pero hindi ko maalala kung sino siya. The nerve of this worm to interrupt me when I'm with Yohan? Sa pagkakaalam ko e aware ang lahat na ayokong ginugulo ako.

"Dude, gusto yata magpakamatay." rinig kong bulong ni Kaizen.

Hindi ko sila pinansin at binalik ko na lang ang mata ko kay Yohan. Madami ang nagtanong kung nag hiwalay daw ba kami dahil ilang taon kaming hindi nagkita. Instead of giving them an answer, I ignore and I let them think of what's really going on between us.

But of course, none of it was easy. Pero sapat na yung mga balitang naririnig namin sa isa't isa para malaman na okay kami parehas. We both understand that we have our own responsibilities to our family. Hindi naman iyon pwedeng talikuran dahil lang mahal namin ang isa't isa.

Her family and their clan needs her and the Greco's needed me too. I helped my grandfather on his business as an executioner while on my free time, my brother teaches me on how to handle the business.

His Last VengeanceWhere stories live. Discover now