Chapter Thirty-Four

ابدأ من البداية
                                    

After tucking him to bed, he went to Kaylee's. Nakapatay na ang ilaw sa silid nito at tanging ang bedside lampshade na lamang ang nakasindi. He knew she was still sulking about something. "Good night, sweetheart. I love you." Kanyang turan sa may pintuan. HInayaan na lamang niya ito. Isinara niya ang pinto't pumanaog nang pababa ng hagdan.

Tiningnan niya ang orasan sa may sala, quarter to eight na. Muling kumabog ang kanyang dibdib. Mabilis ang mga hakbang na pinuntahan niya ang study room, dinaklot ang car key, pitaka at jacket. Hindi na siya nakapagpaalam pa sa katiwala at basta na lang lumabas ng mansiyon, umangkas sa jeep at pinaandar papunta sa pakay na lugar.



ISANG oras na ang lumipas magmula nang dumating si Erina sa kubo. Tiningnan niya ang oras sa hawak na cellphone, ika-walo na ng gabi. Madilim na, ngunit nanatili pa rin siya sa pagkakatayo sa labas ng kubo. Hindi niya pag-aari ang lugar kaya naman ayaw niyang pumasok sa loob ng walang pahintulot sa may-ari.

Tumingala siya sa kalangitan, kalahati lamang ang hugis ng buwan, hindi rin kaliwanagan, ngunit maraming mga bituin ang nakasilip. Sapat na ang mga 'yon upang maliwanagan nang kaunti ang creek na hindi nalililiman ng mga matataas na punong kahoy. Bumaba siya roon at umupo sa ibabaw ng malaking bato. Sumilay ang kanyang ngiti nang maalala kung paanong naging bahagi ang batong ito sa kanyang nakaraan.

Nakarinig siya ng mga kaluskos palapit sa kubo. Napatayo siya sa bato, inaninag ang inaasahang paparating na si Caleb. Mabilis ang mga hakbang nito, halos patakbo. Nasanay na sa dilim ang kanyang paningin kaya naman nakikita niya ang bawat kilos nito. Tumigil si Caleb sa harapan ng kubo, kinalma ang sarili.

Her heart started beating loudly. She bit her lip to calm herself down.

"Fuck!" narinig niyang mura ni Caleb, bago mabilis na binuksan ang pinto ng kubo at pumasok roon. "Erina?" sa mahina ngunit mariin nitong tinig.

Bago pa siya nakasagot, lumiwanag sa loob ng kubo, nagsindi ng ilaw si Caleb. Nakita niya mula sa pinto ang pagsabit nito ng kerosene lamp sa gitna ng kubo. Sinaliksik nito ang loob, bago lumabas nang hindi siya makita. "Erina?" he repeated.

"C-Caleb." Sa mahina niyang pagtawag.

Natigilan naman ito, bumaling sa kanyang gawi, tiniyak kung naroon nga siya.

Kumilos naman siya, tinunton ang kinaroroonan nito, bawat hakbang ay may kaakibat na kaba, hanggang sa huminto siya sa may tarangkahan ng kubo.

Walang reaksiyon ang mukha ni Caleb, matiim lamang na nakatitig sa kanya. Hindi niya malaman kung ngingiti ba siya, babati, o mananahimik na lamang. At ano nga ba ang dapat niyang asahan sa pagpunta rito? Ano ang naghihintay sa kanya sa mga gagawin ni Caleb? Her heart was now drumming rapidly, her breathing couldn't catch up she felt like drowning.

Tumalikod si Caleb, pumasok sa loob ng kubo. Susunod na ba siya? O maghihintay sa sasabihin nito? Ngunit kusa na lamang kumilos ang kanyang mga paa at pumasok na rin sa loob. She saw him adjusting the brightness of the lamp until it became dim, enough to see the reactions on their faces.

Napaigtad siya nang muli itong humarap sa kanya. Mataman siya nitong tinitigan na lalong nagpakaba sa bawat himaymay ng kanyang katawan. Nalulunod siya sa sobrang nerbiyos. Iniiwas niya ang paningin, iniikot sa kabuuan ng kubo.

The inside had been repaired and replaced by new and solid materials. Mayroon ng kama para sa pandalawahang katao, may kutson at mga unan. Mayroon ring cupboard na lagayan ng mga pangkusinang kagamitan, may lutuan, mesa at dalawang silya. Nang tingnan niya ang kabilang dulo, mayroon ding isang mahabang upuan.

Bawat makita niya'y tumatapik sa kanyang damdamin. How she missed this place. The first place she ever fell in love, where she met the boy and promised her everything. Muli siyang tumingin kay Caleb, nakatitig pa rin ito sa kanya. Hinihintay ba siya nitong kumilos? Kaya niyang muling ibigay ang sarili rito, ang lahat-lahat, kahit batid niyang walang pag-ibig na kapalit ang kanyang gagawin.

Once A Love Story - #Wattys2018 Winnerحيث تعيش القصص. اكتشف الآن