Epilogue

7.1K 119 10
                                    


Epilogue

Third Person's POV

"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, ang lunang kapapanganak lang ay sumabak agad sa labana. Masyado mong pinapadali para sa amin ang paslangin ka Mahal na Luna." Nakangising sabi ni Vince sa kaharap na Luna.

Bakas sa mukha ni Mae ang pagod buhat sa panganganak at pakikipaglaban sa mga rouges. Kaya sa isip nya ay mahihirapan syang pabagsakin ang kalaban na nasa harapan nya. Nilingon nya ang asawa at kita nyang kaharap din nito at nakikipaglaban na sa isa sa pinuno ng rouges.

"Ang dami mo pang satsat, bakit hindi ka nalang makipaglaban nang matapos na kahibangan na ito." Blanko ang mukha ni Mae habang sinasabi ang mga katagang iyon kay Vince.

Sa inis ni Vince dahil hindi manlang nasindak ang Luna ay nagpalit balat ito bilang isang itim na lobo na may nanllilisik na pulang mata. Tska inatake si Mae. Iwas lang ang ginawa ni Mae hanggang sa makakuha sya ng tyempo upang atakihin ito gamit ang sandata. Side step sabay Slice pataas ng sword nangtumalon paitaas ang lobo papunta sana sa pwesto nya kanina.

Napadaing naman ito at natumba sa lupa ngunit ilang sandal lang ay muli itong bumangon at masamang nakatingin kay Mae.

Kahit madalas ay puro iwas lang ang ginagawa ni Mae, ay hindi maipagkakaila na nanghihina na sya dahil bukod sa pakikipaglaban ay kakasilang nya lang ng kambal. Sa pagkakataong ito ay nagpalit anyo na sya bilang Legendary Blue wolf.

Sabay na sumugod ang dalawang lobo sa isa't isa. Walang sino sa kanila ang nais magpatalo. Ang isa ay para maghasik ng lagim at maghari sa lahat ng lobo, ang isa naman ay para sa kaligtasan ng pamilya at lahat ng nasasakupan.

Nang magkahiwalay mula sa pagkagat sa bawat isa ay agad tinungo ni Mae ang sandatang hindi kalayuan sa kanya. Ang kanyang pagtakbo ang naging hudyat sa kalaban upang atakihin itong muli.

Nahawakan na ni Mae ang sandata at handa nang dumepensa sa kalaban ngunit huli na dahil sa kanyang pagharap dito ay tagos sa kanyang tyan ang ginawang ataki ni Vince. Itinarak nito sa tyan ni Mae ang kanyang kamay na may matutulis na kuko habang naka anyong tao.

Sa pagkagulat ay hindi nakakilos agad ang babae. Nang maramdaman nyang igagalaw ni Vince ang kamay nito tska nya naman ito sinaksak deretso sa puso. Dahilan upang manigas din sa kanyang kinatatayuan ang pinuno ng rouges.

"Mapaslang mo man ako ngayon, hindi ko hahayaan na mabuhay ka pa dito sa mundo." Madiin na bigkas ni Mae tska binunot ang sword at pinugutan ito ng ulo. Nanghihinang napaluhod si Mae at napatingin sa paligid. Kakaunti na lamang ang nakikita nyang naglalaban.

Sa sitwasyong nakikita ay panalo na ang kanilang panig. Kaya agad hinanap ng kanyang mata ang kanyang asawa. Nakita nyang sakal sakal na nito ang kalaban ngunit may mali.

~

Handa na si Michael na kitlin ang buhay ng kalaban. Ngunit natigilan ito sa winika nito. Na nagdulot ng pangamba sa kanya.

"Sa tingin mo ba ay maililigtas mo ang inyong mga anak sa oras na mapaslang mo ako? Patay na si Vince. Ako na lamang ang natatanging nakakaalam ng lokasyon nila. Nakakasiguro ako na sa oras na ito ay hawak na ng mga mapagkakatiwalaang kong lobo ang mga tagapagmana mo." Panguudyok nya rito.

Sinamantala nito ang kahinaan ng alpha at kinalmot ito upang makawala sa pagkakasakal. Mabuti nalang at kahit papaano ay naramdaman ng alpha ang ginawa at agad na umatras upang hindi matamaan ng ataki. Ngunit hindi ito nakaligtas pagkat nakatamo parin sya ng kalmot nito hindi nga lang malalim.

Pero ang pagkalmot na iyon ay may kasunod pang atake at iyon ang hindi nya inaasahan. Pabaon itong kakalmutin kaya napapikit nalamang sya pagkat alam nyang huli na para umiwas.

Rejected Mate - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon