Chapter 18

4.2K 80 5
                                    

Michael's/Zeke's POV

Pinagmamasdan ko ang natutulog kung asawa ngayon.

Nawalan sya nang malay matapos nyang magpalit balat bilang tao.

Nagpapasalamat ako dahil wala ni isa sa Crescent Moon ang napahamak sa paglusob ng mga rogues. Sa kasamaang palad, ay nakatakas ang kasamihan sa kanila. Lalo na sila Vince at Donnie.

"Paumanhin Alpha Michael kung Hindi namin napigilan sa pagtakas ang 2 pinuno ng mga rouges sumalakay sa atin" wika ng warrior leader.

"Wala na tayong magagawa tungkol dyan. Ang nais kong gawin ninyong lahat ay maging mapagmatyag at alerto sa bawat oras. Dahil nararamdaman ko na babalik sila upang pabagsakin tayo."

"Masusunod Alpha."

"Maaari ka nang umalis."

Humiga na ako sa tabi ni Mae at niyakap sya.

"Hinding-hindi ko hahayaan na mapahamak kayo ng anak natin, Love."

Bulong ko sa kanya kahit natutulog sya.

At natulog na kayakap sya.


Mae's POV

Nagising akong nakayap kay Zeke. Ang bango nya, his smell is sweet hindi nakakasawang amoyin. Ano kayang pabango nitong asawa ko?

"Hihi, that's normal, Love. What you smell is my scent. Kaya nababanguhan ka sa akin is because I am your mate. That's a sign that we are mate." nakapikit nyang paliwanag.

"Alam ko ang tungkol dun, ngayon ay ako mismo ang nakakaamoy sa mate ko. Dati nababasa ko lang ang tungkol doon e." 

"Matulog pa tayo Love. Wag mo munang biglain ang katawan mo. Magpahinga ka muna." nag aalalang sabi nya sa akin.

"Okay na ako Love. Mag hahanda lang muna ako ng almusal natin. Nagugutom narin ako eh." pagkasabi ko nun ay tumayo na ako at naatungo sa banyo para magmumug at maghilamos.

Paglabas ko ng banyo ay wala na sya sa higaan namin,

"Ang akala ko ay gusto pa nyang magpahinga? saan naman kaya nagpunta yun." Tanong ko sa sarili.

Pagkarating ko sa kusina ay naroon sya at nagluluto.

"Ang akala ko ba ay gusto mo munang magpahinga?"  Lumapit ako sa kanya para makita kung anong lulutuin nya.

"Gusto kong ipagluta ka e. Kaya eto, Ipagluluto kita ng gulay, maganda para sa babies natin at gatas rin, syempre hindi mawawala ang vegetable salad na favorite mo rin." nakangiti nyang sabi. 

NApangiti naman ako sa effort na binibigay nya.


Habang kumakain...

"Love,  nahuli nyo ba ang mga sumugod sa atin kagabi?" tanong ko sa kanya.

"Nakatakas ang dalawang pinuno ng mga rogues. And I decided na mag assign ng magbabantay sayo sa tuwing wala ako dahil alam kung hindi magtatagal ay susugod ulit sila at hindi titigil hangga't hindi tayo natatalo. Kaya Love,  please always take care of yourself at dito ka lang sa bahay hanggat maari."

"I understand love. mag iingat kadin palagi." Sabi ko sa kanya at hinalikan sya sa labi. Smack lang naman.


Donnie's POV

"Vince, ihanda mo ang mga natirang mga rogues pati narin ang iba pang mga paparating. Bibigyan natin sila ng panahon hanggang sa araw ng kapanganakan ng Luna nila tsaka tayo muling susugod. doon madali lang natin mapapaslang ang mag-ina at ang alpha." utos ko kay Vince. Maswerte ka ngayon Maxwell dahil madami kayo, pero sa susunod ay mas madami na kami. Kaya magpakasaya ka ngayon at ang pack nyo. 

Rejected Mate - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon