Chapter 7

6.3K 147 3
                                    

~Gun Shot~

Mae's POV

Kahit hindi ko gawain na magpunta ng library, ay ito ako ngayon nagmumukmok sa loob ng library. Tsk kung hindi lang sana nangungulit ang lobong yun eh.

Wala ba syang alam sa maaaring mangyari sa kanya dahil sa hinihiling nya? Damn that wolf. Hindi nya ata pinagtuunan nang pansin ang history nila at mas inatupag pa ang paglalandi.

Just like what I've seen kanina. Aba't ang kumag nakipagtorrid kiss pa. And guest kung kanino? Tsk.. Masakit na ngang malaman na ayaw nya ako maging mate dahil TAO ako. Mas masakit pa ata dahil ang kahalikan lang NAMAN niya kanina ay ang traidor na si Erin. Tsk.. Magsama sila.

(Phone vibrate)

Message
From: Blue
Cruz building ASAP

Hindi na ako nagabalang magreply at agad na nagtungo sa dark forest at tinahak ang daan pa loob. Patungo sa tagong lagusan doon. Pagpumasok ka doon ay makikita mo ang magandang tanawin.. May hindi kalakihang ilog doon at may mga puno at bulaklak. Hindi ko nga inakala na may ganto kagandang tanawin sa loob ng Maxwell University.

Pagpasok ko ay dumiretso ako sa likod ng maliit na kubo. At agad na sumakay sa big bike na regalo pa sa akin ni tanda. Para daw hindi na ko nakikisabay sa mga katrabaho ko na lagi ko daw nilalapit kay kamatayan...

Hindi ako maaaring dumaan sa main gate kaya mas minabuti ko nalang na dumaan likod ng kubo. Sa likod kasi ng kubo o nang secret place ko dito sa university ay may daan pa at mahaba-habang kakahuyan pa ang tatahakin para makarating sa sementadong daan.

Well hindi naman nakakaligaw dahil alam ko naman ang lugar na to.. At malapit lang ang building na sinabi ni Blue sa university namin.

Paghinto ko sa naturang building at saktong nagpuputukan ang baril ang magkabilang panig. Ang paning namin laban sa sindikatong may kinalaman sa pagkakawala ng mga bata at natatagpuan na malamang na walang buhay.

Natigilan ang mga nagbabarilan sa may entrance ng lumang building at tumingin sa gawi ko na nagtataka.

Tiningnan ko naman ang sarili ko.

'Shit' mura ko nalang sa sarili. Damn I'm dead.

Bakit ba nakalimutan ko magpalit ng damit. Nakauniform pa ako ng Maxwell University. Tsk.. Bahala na nga nandito na e.

Tuluyan na akong bumama at binunot ang baril na nasa lagayan na nakakabit sa hita ko. Well, kung hindi nyo naitatanong ay nakapalda po ako dahil iyun ang uniform kahit college na. Kulay black na palda na may touch ng brown, ganun din ang long sleeve na blazer namin na pinapalooban ng white long sleeve with black necktie.

Okay, enough with our uniform.
Agad kong pinaputukan ang isa sa mga kalaban kaya naging hudyat ito para ituloy nila ang kani- kanilang business.

"What do you think you're doing!?" Frustrated na sigaw sa akin ni Cross habang papalapit ako sa gawi nya. Isa sya sa mga kasamahan ko. Actually ay mag kateam kami. Ako, si Blue, si Cross at si Jess.

"I didn't mean to. Where's the target." Plain kong turan sa kanya.

"Sa loob, nandoon na rin sila Blue at Jess kasama ang team nila Jhonas at Khalil."

Hindi na ako nag dalawang isip at agad na pumasok sa building. Agad naman nahanap ng mata ko ang target kaya madali ko itong pinuntahan bago pa makatakas.

Pinagbabaril ko ang mga kasama nya na nagbabalak na tumakas. Dahil hindi naman ako super human ay iniiwasan ko ang mga bala na paparating sa akin. Kung may mapagtataguhan ay humihinto muna ako bago tumakbo ulit sa dereksyon nila.

Tumba na ang mga kasama ng target at kami nalang dalawa ang natitira sa floor na ito. Nagpalitan lang kami ng putok ng baril hanggang sa pareho kaming maubusan ng bala.

"Sumuko ka Mr. Crisostomo. Wala ka nang matatakbuhan." Cold kong sabi.

"D-don't use me that tone y-young lady. H-hindi mo ko matitinag." Him

"Oh? Really? That's not what I'm seeing." Nakangisi kong saad na kinainis nya naman.

Sinugod nya ako ng suntok ngunit iniwasan ko lamang ito at hinila upang lipipitin patalikod ngunit talagang matigas ang isang ito at nagawa akong sikuhin sa mukha na tumamasa cheekbone ko. Dahilan upang makawala sya sa hawak ko.

"Damn, masakit yun ah." Sinamaan ko sya ng tingin. Pero nakangisi lang sya habang nakatutok sa aking ang isang baril na marahil napulot nya malapit sa kanya.

-_- "Sumuko ka na lang masyado mong pinapahirapan ang sarili mo." Bored kong sabi. Sabay sugod sa kanya na kinabigla nya dahilan para maiputok nya ang baril.

Nang makalapit ako sa kanya ay inagaw ko ito at hinampas sya sa mukha dahilan upang matumba dya.

"Humanda ka. Hindi pa dito nagtatapos ang lahat." Huling sabi nya bago sya mawalan ng malay.

"Sa kulungan ka magtatapos kamo." Bored kong turan sa walang malay na si Mr. Crisostomo.

"Moon" sabay na tawag sa akin ng mga kasamahan ko. Lilingunin ko sana sila ngunit hindi ko na nagawa dahil naramdaman ko nalang ang sarili na natumba.

Everything went back.

Cross' POV

"F*ck" agad kong nilapitan si Mae na nawalan ng malay.

"Cross kailangan na natin syang dalhin sa baba." Wika ni Jess sa akin kaya binuhat ko na sya agad papuntang sa medic team.

Nang maiwan ko si Moon sa Medic Team ay sumakay na kami nang team sa sasakyan upang makabalik sa head quarter to report.

"Shit. Ang lupit talaga ni Moon. Nagawa nyang patumbahin yung Crismosong yun kahit may tama sya ng baril." Manghang wika ni Khalil.

"Yeah, hindi nya mararating ang posisyon nya kung wala siya kakayahan na patumbahin ang mga kalaban." Simpleng saad ni Jhonas. Kasama ko sa kotse ang dalawa.

"Sana okay lang sya."

"Holy shit. Ano ba blue. Bakit ka nananakot? Kanina ka pa jan?"- Khalil

"Diba may kotse ka?"- Jhonas

"Tsk. Hindi naman ako nananakot. Nerbyoso lang kayo. Wala yung kotse ko, kinarnap ni Mikaela.-_-" - Blue

"Si Jess?" Tanong ko.

"Ewan ko dun. Nauna na e."- Blue.

"Cross, sabi ni Venus. Natanggal na daw yung bala sa katawan ni Moon. Dalawa daw ang tama."- balita ni Jhonas. Malamang ka text nanaman nya ang GF nyang sa medical naka assign.

"Sana okay lang si Moon" nag aalalang sambit ni Blue.

Sana, sana nga okay lang siya at magising agad. Dahil hindi siya maaaring magtagal sa ospital.
Magtataka ang mama niya kapag hindi sya nakauwi ngayong araw. 

Rejected Mate - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon