Taas noo padin kaming dalawa habang nakatingin kay sir mala hilda.
" Tapos na po!!!" sabi ni bornok na may pataas pa ng dalawang kamay.
Ng dahil kay bornok napatawa ng mahihina ang mga kaklase namin kaya medyo magaan na ang atmosphere.
" Sit down" dali dali kaming umupo ni bornok habang si pebabo naman ay parang pagong padin kung makalakad. Pero bago ako makadating sa aking upuan ay di nakatakas ang pag ngiti ni sir malahilda di ko nalang pinansin baka guni guni lang.
"Ako si Shontey Malahilda kayo na ang bahala kung anong gusto ninyong itawag, kung sir, mr etc." pagpapakilala ni Sir sa kanyang sarili habang palibot libot sa unahan.
Pero nagulat din ako dahil di ko akalaing malahilda talaga apelyedo nya.
" Dahil late kayong tatlo... Pumunta kayo dito sa unahan at magpakilala isa isa". Sabay turo sa aming tatlo gamit ang kanyang dos por dos kaya kinabahan ako ng bahagya.
Pumunta na kaming tatlo sa unahan at unang nagpakilala si bornok na halatang kabado dahil kay sir malahilda.
"I'm Vaughn Leandro, nice to meet you again classmates".. Oh pakk pakabog ba ang lola mo. Ganda pangalan ni bornok noh.. Ayy oo nga pala kaklase nya ang mga ito dati.
Pagkatapos ni bornok ay ako naman agad ang tinawag ni sir.
"I'm Vesta Ceres, thankyou" pinasimple ko nalang para hindi mahaba usapan. Nangangalay na akong tumayo eh.
Sunod na si pebabo pero di pa siya tinatawag ni sir ay nagsalita na siya agad. Mahaba-habang sermonan na naman to!
"Icarus Petracious" para siyang lantang gulay. Wala bang takot sa katawan ito at ganito ito maka asta. Tsk tsk.
"Take your seat." pumunta na siya sa may blackboard at magsusulat na ng equation yata. Ano bayan unang araw palang klase agad.
Dali daling umupo si bornok sa upuan nya ng wala sa sarili. Iniisip siguro yung kanina.
Tatabi na sana ako sa kanya ng upo dito sa likod dahil wala na namang choice ng bigla nalang syang tumayo at nakipag palitan sa babae naming kaklase. Bali ang ending katabi ko yung babae naming kaklase at si pebabo. Pag minamalas ka nga naman.
Galit ata si bornok kanina kasi sinumbong ko, eh alangan namang mamatay ako kakabahing dito.
Pebabo|Ako| Kaklase|Bornok
Ganyan ang arrangement ng upuan namin. Eh wala naman ding choice kaya katabi nya talaga si pebabo. Bakit kasi walang ibang bakanteng upuan eh.
"Huy anong problema mo at parang diring-diri ka?" sabay pitik sa tainga ko. Kailangan pag magatanong may pa pitik!?
"Awan sayo! Wag mo kong kausapin!" syempre pabulong yan mahirap na.
Mayamaya pa habang seryoso akong nakikinig kay Sir. Malahilda ay pinitik na naman ako nitong pebabong ito, sa noo pa.
Sinapak ko nga. Ano ka ngayon kala mo di ako lalaban ha!?.
"Isa pa... pautang*na mo" pabulong kong sabi sa kanya at nag f*you pa ako para alam nyang naiinis na talaga ako.
Bakas ang pagkagulat sa kanyang mga mata pero mayamaya pa ay unti unting lumilitaw ang kanyang ngiti.
Sh**t na malupet. Kyah kyah! (gwapo/pogi)
Muka na siguro akong tanga kakatitig sa ngiti nya pero ang gwapo talaga eh.
"Wag mo ako masyadong titigan, halikan kita dyan" lumaki ang mata ko dahil seryosong seryoso talaga siya sa sinabi nya.
At ngayon titig na titig padin ako sa kanya dahil di ako makapaniwala.
"Isa pa, I'm not a saint Vesta" sinasabi niya yon habang nakatingin sa blackboard dahil don natauhan ako. Bobo ko naman.
______
Nandito ako sa canteen pagkatapos ng napakaboring na klase habang hinihintay si bornok. Sabi nya may pustahan daw eh.
"Oyyy!" sheyytt. Halos malaglag na puso ko dun. At sino naman yung hangal na yun. Sa amoy palang parang alam ko na kung sino to ahh. Si Bornok to!.
"Eh Bor---" sheyytt ulit.. Ilang hibla nalang ang layo ng napakagwapong muka ni Icarus at konti nalang talaga at maglalapat na ang aming mga labi.
Tinitigan ko ang kanyang muka na para bang sinasaulo ang bawat kasuluksulukan nito. Sheyt wala man lng nadaplis-daplis. Tumingin ako sa kanyang mga mata na parang tsokolate tila ba hinihigop ang aking kaluluwa. Pababa sa kanyang napakaperpektong ilong. Pababa sa kanyang la--
"Hmmpp!" naputol ang aking pagsasamba sa kanyang muka ng bigla nya akong halikan.
"Sabi ko sayo diba? Wag mo akong titigan" kitang kita ko ang pagtaas ng sulok ng kanyang labi na kinairita ko naman.
Ilang segundo pa akong natahimik at prinoseso ang nangyari.
Sheyt! Hinalikan nya ako! First kiss ko yun!
" Eh bakit ba nanghahalik na lang!?" maiyak iyak ko ng sabi. Ganto kasi ako pagnaiinis. Pag naiinis na todo.
" Inaano ba kita dyan? Wala naman akong ginagawa sayo ahh? Suntukin kita diyan eh. Wahhhh." at yun na nga. Napahagulgol na ako. Eh nakakainis naman talaga kanina pa to.
" Heyy. Bat kaba umiiyak dyan? Sinabi ko na naman sayo diba? Hoy." habang tinatapik nya ako at pinapaupo.
Hindi ako sumagot sa kanya. Eh naiinis talaga ako. Tas hindi pa romantic yung first kiss ko. Eh mortal ko na atang kaaway to eh.
" Hoyy. Sorry na. Hababuba sorry naaa" pabulong nyang sabi sa akin.
At sheyt dami ng nanunuod
"Asuntukin talaga kita dyan" habang umiiyak pa din. Pero nabawasan dahil nagulat ako sakanya ng suyuin nya ako.
" Wag ka na ngang umiyak... Hahalikan kita ulit dyan. Sige ka?"
Kumikinang kinang na ang kanyang mga mata habang nakangiti pa. Ano sya chicks!
"Ma ninja moves kalang dyan eh?" para akong loka. Umiiyak habang tumatawa. Mamaya halikan pa ako nito. Kinuha na nga nya first kiss ko pati ba naman yung pangalwa.
" Yann. Wag ka na kasing umiyak. Bat hindi ka pa nga pala umuuwi?" nakuu po. Parang may iniisip tong pebabong to ahh.
" Hinihintay mo boyfriend mo ano?" Boyfriend?? Sabagay lalaki naman yung kaibigan kong si bornok.
"Ahh oo. Tagal nga eh. Nay apuntahan pa kami nun eh" kinuha ko yung panyo ko sa bag dahil pawis na pawis na ako, siguro dahil din sa pagiyak.
Kakausapin ko sana ulit sya, pero pag harap ko eh wala na akong nakitang tao doon. Anong problema non? May pa walkout?.
______________
nyekek_ nyekek
Sorry po sa slow update at sa mga typos. Please vote na po kayo. Xoxo
YOU ARE READING
Defeated by my Ml Player
Teen FictionA girl who doesn't even know what word lose is, was defeated in the game by an ml player who doesn't even know who she is. By the use of ss of love, she's been slain and never respawned again. "Yesterday has become the past, the future is not yet...
