CHAPTER 4

1.6K 46 6
                                    

Queen bee

KIM'S P.O.V

2 DAYS LATER

Humingi sila ng tawad pagkatapos ng aksidenteng yoon.At pinatawad ko sila.Hindi naman talaga ako galit sa kanila talagang habit ko na talagang magdabog kapag naiirita.

Hindi ko na rin naman sila ganoon nakita dahil kailangan nilang magtraining para sa leveling contest mamaya.Well,Hindi ko rin naman silang gustong makita kaya ayos lang sa akin.

Mag-isa akong lumabas dahil sinabi ko sa dalawang mauna na sila.Hindi ko naman kasi kailangan ng pag-alalay ng iba.Ngunit ang mga mapanghusgang mata agad ang sumalubong sa akin pagdating ko sa hallway.God knows how much I want to burn their eyes.

..

Combat class na namin kaya kasalukuyan kaming nasa Arena.Mag lalaban daw gamit ang mga summon weapon namin.

"Okay class,i-summon niyo na ang mga sandata sandata ninyo."Utos ni Sir.I don't know his name.Sabay sabay naman silang nagsabi ng 'summon weapon' at lumabas na ang mga sanda nila.May mga baril, katana, espada, spear,bow atbp.

"Sir Clein, wala pa pong weapon si Kim"sulpot ni Ashley sa tabi ko.Napansin ko namang kasama na naman niya ang mga barkada niya.Akala ko nagtra-training sila?

"Mahal na prinsesa,Ganoon ba? Siya sumunod ka na sa akin.Tinuro ako ni Sir at nauna ng maglakad kaya sumunod na ako sa kanya. Hmmm,Kamukha niya si Aga,don't know his surname.

Pumunta kami sa isang silid na may nakalagay na different weapons.Merong sword,Guns,katana etc.

Humawak ako ng isang weapon pero nakuryente lang ako.What's wrong with this?

Mukhang napansin naman ni Sir ang pagtataka ko."Kapag humawak ka sa weapon at nakuryente ka ibigsabihin may nagmamay ari nito.''

Hawak lang ako ng hawak pero na kukuryente lang ako.God,My patience.

Pumunta kami sa isa pang silid mas high-quality ang mga sandata dito.At ang nasa gitna noon ang isang espada.I can sense the energy na nanggagaling sa sword na ito.

"Yan ang P sword ang legendary weapon.Maaari itong mag transform sa kahit anong weapon maliban sa baril kaya din nitong higupin ang kapangyarihan ng kalaban." pagpapaliwang ni Sir nakita niya yatang tutok masyado ang atensyon ko sa espada.

That's cool.

Lumapit ako at hinawakan ito. Natuwa naman ako ng hindi ako nakuryente kasi malapit na talaga at susunugin ko na ang buong kwartong 'to sa irita.

"Wow!Wait, you can touch that?Akala ko ba para kay Princess Hope ang espadang 'yan?"Tanong ni sir.Medyo kinabahan ako pero itinago ko ang kaba ko.

"Maybe I'm the temporary owner of this sword.Hangga't wala pa si Princess hope"I said with my straight face.Mukha namang nakumbinsi siya dahil tumango siya at sinabing lumabas na kami.

Bago lumabas ay isineal ko ang sandata at inilagay sa likod ko.Baka kasi basta basta nalang manhigop ng kapangyarihan ang espadang ito kapag nakaexpose siya sa tao.

(Kapag i-sineal ang sandata magiging invisible ito)

"Okay students,Let's start now.Maghanda na kayo at magsisimula na ang laban.Bawal gumamit ng kapangyarihan ha?Tanging weapon lang dapat."

"Yes sir!"

Bumunot naman kami at isa isang tinawag na ng professor namin ang mga kaklase ko.

Dahil sa nakakabagot na laban ng mga kaklase ko ay naagaw ang atrnsyon ko ang paglalaban ng iba sa mas malaking stage.

CELESTIA'S KINGDOM THE LONG LOST POWERFUL PRINCESSWhere stories live. Discover now