1.1 My Inspiration

40 0 0
                                        

"The more you hate, the more you love."

Madalas mong marinig yan sa mga alaskador mong mga kaklase. Para kasi kayong aso't pusa ng lalaking may 'precious gem' ang pangalan. Inaasar ka niya palagi. At naaasar ka naman. Pero hindi ka nagpapatalo sa kanya. Lagi ka ring may bala. Gwapo siya, tulad ng inaasahan. Hindi naman siya ganun ka talino. Isa lang din siyang ordinaryong estudyanteng katulad mo. Pero magaling siyang sumayaw at mag drawing. Given na yun. Siya na talentado. Madaming babae ang may gusto sa kanya at sinabi mo pang hinding hindi ka magiging isa duon.

***

Birthday mo. Nakaugalian mo nang pumasok ng maaga kasi masipag ka. Maglilinis ka pa ng room niyo. Top 1 ka pagdating sa pagiging "Most Diligent". Pagkapasok mo sa room, kinorner ka ng mga kaklase mo. Hindi mo alam ang kalokohang nasa isip nila at medyo kinakabahan ka na. Birthday na birthday mo, pagtitripan ka??

"Hoy, anung ginagawa niyo? Mga baliw kayo." Nasambit mo nang natatawa na naiiyak na parang ikaw na yung baliw. Malakas ang pintig ng pulso mo, damang dama mo ang panginginig ng mga buto mo, at ang panlalamig ng mga kamay mo. Hanggang bumukas ang pinto at nagsigawan ang mga kaklase mo na wari'y kinikilig sa pagdating ng lalaking inaasahan mo nang sisira sa mahalagang araw mo. Palapit na siya ng palapit sayo at ang mga kaklase mo ay hindi magkandatuto sa pang aasar at pagsigaw at panunukso sa inyong dalawa. Pulang pula na ang iyong mukha. Hindi mo alam kung naiinis ka pa din sa ginagawa nila o nahihiya ka dahil kinikilig ka na din habang palapit siya sayo. Wala ka nang nagawa kundi tumayo dun at yumuko. Sa sahig, ngumiti ka nang wagas at nagtataka at kinakabahan hanggang sa naramdaman mong nakayakap na siya sayo! At dinig na dinig mo na lalo ang sigawan ng mga kaklaseng nagkanulo sayo. Masaya sila. Kinapa mo ang puso mo. Masaya ka din. Umaapaw na hindi mo mawari kung paano nagsimula. Kung kailan pa. Na sana hindi na matapos yung mga sandaling nararamdaman mo ang mga braso niyang nakaprotekta sayo. Ang amoy niyang mabango kahit pinagpapawisan palagi. At ang hininga niyang nagpapataas ng balahibo sa batok mo. Para kang tuod na hindi na makagalaw. Tumigil sandali ang oras. Humihina ang sigawan nila, at tibok ng puso niya ang tanging tunog na naririning mo. Alam mong hindi ito totoo. Na anumang pagkakataon, may sasampal sayo para gumising ka na sa katotohanan. Inantay mo yun. Pero wala. Nakayakap pa din siya sayo. At narinig mo ang boses niya.

"Happy Birthday. Sorry kung palagi kitang inaasar. Gusto ko yun. Ang cute mo pag nagtataray ka na. Gusto kong makita yung kahit nakasimangot ka na, ang ganda mo pa ding pagmasdan. Gusto kitang paiyakin pero hindi kita mapaiyak. Ang tapang tapang mo. Gusto kitang makitang umiyak. Gusto kitang makitang mahina. Dahil gusto ko, ako ang magpupunas nang luha mo. Ako ang magpapatahan sayo. Ako ang magpapalakas sayo. Gusto kong maging totoo ka sa akin. Hayaan mo rin sana akong ipakita ang totoong nararamdaman ko sayo."

Nalaglag ang mga luhang matagal mo nang pinipigilang tumulo. Totoong ayaw mong magpakita ng kahinaan kaya naging palaban ka. Tinaasan mo ang pader mo para walang makagalaw sayo. Naglagay ka ng tulay palayo sa mga taong akala mong hindi makakabuti sayo. Pero eto, may isang taong gustong gibain lahat ng pundasyon na ginawa mo para protektahan mag isa ang sarili mo. Para siya na daw ang gumawa ng lahat ng iyon para sayo. Imposible. Ayaw mong paniwalaan. Gusto mo nang mag walk out. Pero tinatalo ka ng sarili mong damdamin. Matagal mo na din siyang gusto pero ayaw mong pansinin ang sinasabi ng puso mo. Masasaktan ka lang. Masasaktan ka lang.

"Guys, flag ceremony na."

Nagsialisan isa- isa ang mga kaklase mo at kayong dalawa na lang ang natira. Kumalas na siya sa pagkakayakap sayo. Hinawakan niya ang kamay mo at hinila palabas ng room. Hindi mo napaniwalaan ang sarili mo nang nagpadala ka na lang sa kanya. Binitawan mo ang kamay niya ng malapit na kayo sa pila. Lumipas ang mga araw at nagbago kayo sa isa't isa. Lalo na siya. Hindi ka na niya inaasar tulad ng dati. Tahimik na pinagmamasdan ka na lang niya sa malayo. Minsan, namimilit siyang ihatid ka pauwi ngunit hindi mo yun pinayagan. Nananatili kang matigas. Hinawakan mong mabuti ang puso mo para hindi mabasag sa harapan niya. Hindi mo siya binigyan ng pagkakataon. Gusto mo lang mag aral. Yun lang. Ang mga usaping damdamin ay ayaw mong pag aksayahan ng panahon. Hindi ka pa rin naman handa. Masaya sana ang may kasama. Ngunit alam mong mas ligtas ka kung ikaw lang muna mag isa. Pinanindigan mo na lang ang gusto mong panindigan. Hindi mo siya kailangan.

***

Hindi nga siguro totoong pag ibig yun. Ilang buwan lang ang lumipas, nalaman mong sila na pala nung bagong transferee. Ngumiti ka ng mapait, sabay tulo ng luha sa sahig.

My LAB storiesWhere stories live. Discover now