Chapter 8: The Wedding

13 1 0
                                    

Three months after the heart-stopping wedding proposal of Francis to yeng, nakapag-prepare na ang lahat. Actually, araw na lang ng wedding ang hininintay ng lahat.

The friendships among the three couples is a proof of a true friendship which everybody is wishing for. Hindi ito isang ordinaryong pagkakaibigan na maituturing. Batid ng bawat isa, na nagsimula ang bawat relasyon at connection sa isang hindi magandang sitwasyon subalit naghatid naman sa kanila sa matibay na pundasyon.

Ika-21 ng ikawalong buwan sa taong kasalukuyan, maagang naghahanda ang lahat para sa isang special day sa isa sa mga tatlong couple.

"TARA, LET'S WAKE them up with this kind of surprise," sabi ni Mikmik, ang nakababatang kapatid nina Yeng at Sherly sa mga kausap nito sa isang kubo sa may tabing dagat. Hatinggabi iyon.

"So, paano ang set up mamaya? Sino ang unang lalapit? tanong ni Shane. "Sissy, puwede bang ikaw na lang kunwari ang kumatok sa room nila at tawagin si Francis saka dadalhin ni Patrick si Sherly sa room kung saan naroon si Yeng," detalye niya kay Mikmik.

"Okay iyon! Sige, mukhang mas effective iyon para hindi makahalata sina Yeng at She. Papapuntahin natin doon 'yong ibang relatives nila."

"Okay! Ready na ba? All set na tayo," sabi ni Patrick.

THE PLANS RUN well and wala naman nakakalimot.

"Na na naa na na na na na na.. Sing, sing a song," paulit-ulit na naririnig nila mula sa isang bahagi ng isla, na inukupa nila para sa isang beach wedding.

"Ten, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1... surprise!" sabay-sabay na sigaw ng magkakaibigan pagpasok nila sa isang silid kung saan natitipon ang lahat, kabilang ang sosorpresahing special na tao sa buhay nilang magkakaibigan. "Happy birthday to you.... happy birthday, happy birthday... Happy birthday to you... Happy birthday, Francis!"

Ang alam ng lahat, iyon ay surprise para kina Yeng at She. Iyon ang pinag-usapan nila bago pa ang mga eksenang iyon. Nagulat na lang ang lahat nang si Francis ang inawitan ng birthday song.

Naluha si Francis ng mga oras na iyon dahil ang katotohanan ay hindi niya nakasanayang ipagdiwang ang tunay na araw ng kanyang kapanganakan sapagkat pinalitan iyon noong bata pa siya para hindi maalala ang masamang pangyayari ng mga panahong siya ay ipinanganak.

Alam ng lahat na nagsi-celebrate ng birthday si Francis every sixth of March pero ang totoo ay ipinanganak siya noong August 22. Iyon ay para makalimutan na iyon din ang araw kung saan nalaman ng kanyang ina, na pangalawang pamilya lang sila ng kanyang amang Chinese.

Naaksidente ang ina at ama niya sa sasakyan at binawian ng buhay ang kanyang biological father matapos maubusan ng dugo dahil sa kagustuhang maisalba ang mag-ina niya. Nailuwal muna si Francis bago tuluyang pumanaw ang kanyang biological mother.

Lumaki si Francis sa puder ng kanyang lola at lolo. Ipinakilala sa kanya bilang ina ang tunay na asawa ng kanyang ama. Tanging ang kanyang kinagisnang ina ang nakaaalam ng mga bagay na ito. Naisiwalat lamang ang katotohanan noong siya ay nagdesisyong iwan ang buhay-pagpapari dahil kay Yeng. Nagulat si Francis nang makita ang inang kinilala niya na kasama ang kanyang lola at lolo sa side ng papa niya. Nakapag-asawa rin naman kasi ang mama niya nang kunin siya ng kanyang lola at lolo upang tumira sa pilipinas matapos ang trahedyang kinasangkutan nila sa China.

Dahil kinabukasan na rin ang kasal nina Sherly at Patrick, kasabay ang kay Francis at Yeng, double wedding para sa magkapatid na Yeng at Sherly iyon. Kaya naman, ang lahat ng mga malalapit na kamag-anak, kaibigan, kakilala, at katrabaho nila ay naroon para makiisa sa special day nila.

Magtatakip-silim na nang inumpisahan ang pagpasok ng mga ikakasal sa lugar kung saan inihanda ang seremonya. Nagtataka ang lahat kung bakit anim ang upuan na nasa unahan. May nakapansin ngang na hindi lang daw isa ang mag-iisang-dibdib.

Nauna nang pumasok ang mga batang kasama sa entourage. Naroon ang mga anak nina Shane at Patrick, na ikakasal kay Sherly. Sinundan iyon ng mga abay, ninong, at ninang.

Sabik ang lahat na makita ang magkapatid na lalakad patungong altar. Nagulat pa ang lahat nang Makita nilang tatlo ang naka-bridal gown, pag-alis ng tabing.

Nakangiti si Russel habang naghihintay sa mga ikakasal niya sa dapithapong iyon. Napakasayang tagpo iyon para sa magkakapatid. Ang makitang naglalakad patungong altar ang dalawa sa mga successful na sa kanilang pamilya sa kabila ng lahat ng hirap nila ay isang pambihirang pagkakataon.

Sina Yeng, Shane, at Sherly ang pagkakasunod-sunod ng mga ikakasal sa pagpasok. Sinalubong naman sila ng mga magiging kabiyak nila.

Tumagal ng tatlong oras ang seremonya dahil na rin sa iba't ibang eksena sa kasal nila. May natalisod na abay na babae sa pagmamadaling magsindi ng kandila. May nasakal na bride dahil nasabit ang cord sa bracelet ng isa sa mga lalaking abay. At ang pinakanagpatagal ng seremonya ay ang pagbibigay ng mensahe ng bawat kinasal sa kani-kanilang kabiyak. Naroon Iang may natawa, naiyak, natensyon, at may naging rebelasyon pa sa bandang huli. Iyon na yata ang pinakamatagal na kasalang naganap.

Pagkatapos, sabay-sabay na inawitan ng mga grooms ang kanilang mga kabiyak.

Ang picture-taking naman ay umabot ng isang oras. Naging dahilan iyon ng pagkakapagod nang husto ng bawat isa.

Samantala, sa kalapit na function hall ng beach, inilatag ang mga samu't saring seafoods na paborito nina Shane, Sherly, at Francis. Lahat ng mga paborito ng bawat couple ay nakahain.

The wedding of these three lovely couples tightened the string attaching them and their families. It opened the new chapter of thier lives.

After the wedding ceremony ang reception that lasted for almost ten hours, everybody were tired. They all need time to rest, but the new married couples are still with high power energy... they can even play together at shore after. Hinintay talaga nila ang bukang-liwayway at sila'y sabay-sabay na nangakong kailanman sila'y magiging matatalik na magkakaibigan, magkalayo-layo man sila ng mga landas.

Makalipas ang tatlong araw, pagkabalik nila sa Manila, lumipad na pa-Canada sina Shane at ang asawa nitong dockor. Sina Sherly at Patrick naman ay kasama ang dalawang batang anak ni Shane. Bumiyahe sila sa America, kung saan na sila maninirahan. Tanging sina Francis at Yeng lang ang hindi nawiling mangibambansa. Si Francis na kasi ang nangangasiwa ng pagpapatakbo ng iniwang negosyo ng kanyang magulang.

Isang buwan matapos ang kasal nila, saka lang nakita nina Yeng at Francis ang kabuuang wedding video coverage. Ikinagulat nila ang nakita sa isang eksena. Iyon ay ang pagkakataong nagpa-picture sina Shane, Patrick at kanilang dalawang anak habang nasa sulok si Sherly at nakatingin sa mag-anak.

May katulad ding eksena ang nakita ang dalawa. Iyon ay ang nang nagpakuha ng picture si Shane at Francis na parang sila ang ikinasal. May isang picture sa album na ang caption ay "The craziest, wildest, and boldest wedding of the year."

"The ex, the present, and the future,"

Shane, sherly, and yeng: the girls of yesterday, today, and tomorrow.

Every man's dream....

The girls that deserve the wedding.

Iyan ang ilan lamang sa mga kalokang mga tagline nila.

HorizonWhere stories live. Discover now