Chapter 1: Haven

78 3 1
                                    


Everyday is a day when the sky meets the sea on its horizon. Sunday, ito ang pinakamasayang araw sa isang linggo. Madalas, ito rin ang pagkakataon kung saan ang lahat ay abalang nakikipagpalitan ng kani-kanilang angking kagalingan sa iba't ibang larangan lalo ang kabataan ng San Jose, sa lalawigan ng Rizal.

Pana-panahon ng pagkakataon. Maibabalik ba ang kahapon?

Iyon ang bahagi ng isang awiting malimit marinig doon na kinakanta ng mga kabataan.

"Ecis, would you come here for awhile and check the light and sounds," malambing na pakiusap ni Yeng habang hinihinaan ang sound system sa loob ng control room.

Si Ecis ang isa sa mga talented at well-rounded na seminarians ng isang religious congregasion na na-assign sa lugar kung saan si Yeng lumaki at nagkaisip.

"Ms. Yeng, okay na po 'yan," nakangiting sagot ng lalaking nakatayo sa gilid ng altar na malapit sa sacristy ng simbahan.

"OMG! Nakakakilig naman," maharot na bati ng isa sa mga dalagang nasa unahang upuan sa choir loop.
Iyan ang malimit na eksena sa umaga ng bawat linggo.
"Bro, sino po ang magsasalmo ngayon?" tanong ng isang matandang babae na may hawak ng lisyunaryo habang naglalakad palapit sa mga tumpukan ng kabataan sa ilalim ng malaking puno ng acacia.
"Si Ate Yeng po 'ata," agad na tugon ng isang binatang nakaupo sa dulong upuan ng simbahan.
Samu't saring tanawin ang masasaksihan sa lumang simbahan ng San Jose, lalo na kapag maaga kang makakarating doon upang magsimba. Ang simbahan ay puno ng iba't ibang larawan ng pakikipag-ugnayan ng kalikasan at mamamayan, na naukit na rin sa kasaysayan. Maraming mga paslit ang nagkalat at nag tatakbuhan sa loob at labas ng pook dalanginan. Luma na ang mga batong naging pundasyon, naglalakihang puno ng acacia ang nagsisilbing lilong ng lahat ng may buhay na doon ay bumubulong. Sanktuwaryo kung maihahaintulad ang dakong yaon. Iyan din ang dahilan kung bakit ang karamihan ay nawiwiling magsimba sa lugar na iyon kahit na may kalayuan.
Alas-diyes na ng umaga natatapos ang unang misa sa bawat linggo. Hudyat na rin iyon na maaari nang makapagbagong-anyo si Yeng.  Si Yeng, buhat sa isang masunurin, tahimik, at palangiting dalaga sa loob ng simbahan ay magiging isang babaeng walang pagod sa kasasalita o kakagala, maubos lamang ang baong enerhiyang inipon sa buong linggo. Balingkinitan ang pangangatwan, may mahabang itim at tuwid na buhok, maliit na mukha na bagay sa maliliit na matang nawawala tuwing sya'y ngumimiti. May manipis at makipot na mga labi. Malilit na beloy sa magkabilang pisngi.Dalagang misteryosa kung ilarawan ng mga nakakakilala sa kanya.
"Lahat po ng mga magpapabinyag ay mangyari lang na pumasok sa simbahan para sa ating maikling prebap talk," pakiusap ng isa sa mga katekistang nasa unahan ng altar.
"Yeng, puwede ba tayong mag-usap saglit" pabulong na sabi ni Ecis habang humahakbang patungo sa kabilang bahagi ng choirloop.
Bahagyang umiwas ng tingin si Yeng na kunwari'y hindi niya nakita at narinig ang sinambit ni Ecis. Ilang dangkal lang naman ang layo nito sa mesang kanyang kinatatayuan. "Ah, sige! Ngayon na ba?" mabilis niyang tugon. Medyo may pag-alala siya sa mukha.
SA ILALIM NG punong acacia, sa isang bahagi ng gilid ng patio ng simbahan, doon nadatnan ni Yeng ang isang pamilyar na mukha. Nakatagilid ito habang tumitipa sa gitara, kasabay ang mahinang pagbanggit ng mga titik ng isang awiting matagal na rin niyang 'di narinig.
Dahan-dahan siyang lumapit at naupo sa kabilang banda ng batong kinauupuan ng naggigitara. Nakita niyang nakapikit pa ito kaya hindi nito namalayang nakaupo na siya.
"O, nandiyan ka na pala," nakangiting bati ng binata. Mapungay ang kanyang mga mata.
"Kauupo ko lang," matipid niyang sagot habang nagpapagpag ng unahang bahagi ng rubber shoes, na nadikit sa isang tuyong sangang nakahapay sa kaliwang bahagi ng kinauupuan niyang bato. "So, ano ba'ng atin?" marahan niyang tanong
Iyon na yata ang pinaka-tensed nilang pag-uusap matapos magtapat ni Francis ng mga plano niya para sa mga susunod na buwan niyang pamamalagi sa lugar na iyon.
"I should have told you this before... Sorry." Malungkot ang tono ng kanyang boses. Nakayakap siya sa gitara.
"Okay! I'm happy for you. May you find the true happiness in your endeavors," nakangiting sagot ni Yeng pero gumaralgal ang boses niya, na tila ba kampanang basag ang timbre.
"Salamat sa pang-unawa! Alam mong pangarap ko talaga ang maglingkod sa Diyos sa pamamagitan ng bokasyong pinili ko." Nakatingin siya sa dalaga habang binibitawan ang mga katagang iyon.
Alam ni Yeng ang bigat ng bawat salitang iyon. Ramdam niya sa mga titig ng binata, na halos tumatagos sa kanya. "Wow! So happy na?" malakas na bulalas niya, sabay tayo at tapik sa braso nito.
"Yeng," malambing niyang sabi sabay lapag sa gitara. "Yeng, Yeng, Yeng!" Papalakas na ang boses niya sa ilang ulit niyang pagbanggit ng pangalan niya.
"Ano? Adik lang?" taas-kilay niyang tanong.
Umakma siyang yayapusin ang dalaga.
"Oooops!" Mabilis na nakaiwas si Yeng. "Para kang tanga, Francis." Naiilang siya.
"Bakit ba? Masama bang tawagin ka sa pangalan mo? Sige, 'di na kita tatawaging Yeng," may pang-aasar na sabi niya.
Natigalgal si Yeng.
"Alam mo, Yengpot, may ibibigay ako sa 'yo," aniya sabay abot ng isang maliit na supot na asul.
"Ano naman ito? Dami mong drama. May paganito-ganito ka pa." Agad niyang binuksan ang iniabot nitong lalagyan.
Sa isang maliit na papel na may nakasulat na, "Ikaw ang liwanag ko sa dilim, lakas sa tuwing nanghihina, taga-akay sa tuwing nadadapa, araw sa bukang-liwayway, at apoy sa malamig na magdamag. Hintayin mo ako sa aking pagbabalik. Doon, ikaw ang nais kong unang bahaginan ng aking tagumpay sa pagtuklas at laban ng buhay." Kalakip niyon ang isang maliit na krus na may nakasulat na "Love never fails."
"Ang lugar na ito ang kanlungan ng ating mga pangarap," nakangiting sabi ni Francis, sabay akbay at dampi ng labi sa nakalugay na buhok ni Yeng.
"Weeeee!" pambubuska niyang sabi, sabay tanggal ng brasong nakapatong sa balikat niya.

HorizonWhere stories live. Discover now