Chapter 2: Red Code

40 3 0
                                    

Ilang linggo, buwan, at halos mag-iisang taon din ang dumaan. Kapuna-puna ang mga pagbabagong naganap sa simbahan. Mula sa mga bahaging naisaayos na, ang bubong at kisame, lugar kumpisalan at higit sa lahat ang choirloop ng mga kabataan.
Nagdaan ang mga lingo na walang soloistang nagsasalmo sa misa. Sa bahaging gilid ng patio ng simbahan, wala na ring tinig na maririnig, na karaniwang nakaaaliw pakinggan pagsapit ng tanghalian. Wala ng mga kabataang madalas na nanginginain ng kung anu sa may gilid nito.

'Nay, 'asan na po 'yong kumakanta sa misa? Parang 'di ko na siya nakikita rito," usisa ng lalaking moreno, matangkad, at may matipunong pangangatawan, na tila manlalaro ng basketball sa kakisigan.

"Ah, si Yeng ba kamo? Nag-aaral kasi siya medyo abala yata sa school kaya hindi makapag-serve dito lately... Graduating kasi siya, e," paliwanag ng isang matandang babae na nakasuot ng brown at kadalasang nakaupo sa likurang bahagi ng simbahan tuwing may misa. Parang tiyak na tiyak siya sa kanyang tinutukoy na tao.

"Ah, gano'n po ba? Sige po, salamat! Pakisabi naman po, kinukumusta ko siya," nakangiting habilin ni Francis bago tahimik na lumayo.

"Tol, pan'o 'yan? Wala talaga... Cannot be found," pang-aasar na sabi ng maliit at maputing lalaki sa kausap nitong nakatayo sa gilid ng isang motor.

"Busy nga raw. Hindi ba, sabi, narinig mo naman, 'di ba? 'Di ba?" iritadong giit ni Russel.
Si Russel ang bestfriend ni Francis sa seminaryo simula pa ng unang pagpasok nito. Siya rin ang naging partner niya sa immersion nila sa iba't ibang assignment. Ang partner in crime sa eskwelahan , taga pag ingat ng kanyang mga sekreto sa buhay seminary o maging pribado man ito. Nakababata ito ng tatlong taon kesa kay Francis.
"Oh, well, well, well... ano pa'ng ginagawa natin dito? Tara na!" sabi ng isa pang seminaristang kasama nila.
"Kuya Francis, tawag na raw kayo ni Father," sigaw ng isang sakristan na patakbong dumaan sa kinatatayuan nila.
"Cis, kayo na muna ang bahala rito... A-attend ako ng seminar before the Holy Week. Magpatulong na lang kayo kay Nanay Maily, ha?" bilin ni Father France, ang kura ng simbahang pinagseserban nina Russel at Francis.
Patangong sumagot ang tatlo.
"Padz, what time po kayo aalis?" usisa ni Mike, isa sa mga seminaristang alaga ng kura.
"Now na! As in, now na," nakangiting sagot ni Father France habang humahakbang papalayo sa mga kausap. Bakit sasama ka ba? Aniya.
MADALAS PAMPALIPAS-ORAS NG mga seminarista ang pagtugtog ng gitara ka jamming ang ilang kabataan sa gilid ng simbahan habang naghihintay ng oras ng pag-uwi nila.
"Kuya Francis, puwede mo ba akong tulungang itaas ang kahon sa choir loop? Pinalilipat kasi ni Padresito, e," pakiusap ng isang dalagitang kulot ang buhok at may mapupungay na mata, mga maninipis na labi, at biloy na sumisilip sa tuwing ito'y nangungusap.
"Sure, Kelay! Ikaw pa ba," dagling tugon ni Francis.
"Salamat, Kuya! Kaya sa 'yo ako, e," pambobolang sabi ni Kelay.
Marahang inangat ni Francis ang kahong itinuro ni Kelay sa kanya  at binuhat patungo sa choir loop ng parokya.
Sa parehas na lugar, kung saan madalas sila ni Yeng nagkukuwentuhan at kumakanta, saglit siyang natigilan at napaisip. "Nasaan na kaya siya?" bulong niya sa sarili habang pinipilit na iwasan ang parte ng choir loop na piping saksi ng lahat ng nakaraan ng kababatang hinahanap-hanap niya sa mga oras na yaon.
"Kuya, salamat uli, ha?! Una na 'ko. Aalis pa kasi kami ni Mama," paalam ng dalagitang muntik pang matalisod sa pagmamadali.
"Hala! Ingat ka baka madapa ka," may pag-aalalang wika ni Francis. Pagkatapos, dahan-dahan siyang bumalik sa upuang malimit nilang puwestuhan ni Yeng sa tuwing may practice ng choir.
Sa ilalim ng upuang kanyang kinauupuan, may kung anong sumabit sa laylayan ng kanyang pantalon. Kaya naman agad niya itong sinipat. "Ano 'to?" tanong niya sa sarili habang kinakapa ang babang bahagi ng kahoy na upuan. "Wow! Ayos 'to, ah!" nakangiting sabi niya sa sarili habang patuloy na inaangat ang nakausling bahagi ng upuan. "Ay, ang galing! May compartment." Namamanghang ipinagpatuloy niya ang pag-angat niyon, kaya tuluyan na nga niyang naiangat ang nakatakip na parte ng upuan sa isang maliit na compartment. Doon niya nakita ang pulang organizer na may ribbon, na nagsisilbing binder nito. Hindi niya napigilan ang sarili na usisain ang natuklasang talaarawan. Sa pagbuklat ng unang pahina, napansin na agad niya ang sulat-kamay. "Yeng? Oo, kay Yeng 'to... Sulat niya 'to," pabulong niyang sabi sa sarili. Na waring siguradong sigurado.
Nagpatuloy siya sa pagbuklat ng mga sumunod pang pahina at tuluyan na siyang nawili sa pagbabasa. Isa sa mga bahagi ng binabasa niya ang nagpatigil sa kanya at kasunod nito ang
malalalim na buntonghininga niya.
"Mahal ko na nga yata siya kasi sa tuwing magtatama ang aming mga paningin, may kung anong kaba akong nararamdamn at waring natatakot na iyo'y kanyang malaman..."
"Sino kaya ang tinutukoy niya?" Nakakunot na ang noo ni Francis na tila ba sumasakit na ang ulo sa pag-iisip sa mga nabasa niya.
"'Tol, nandiyan ka lang pala! Hanap na tayo ni Russel. Uuwi na raw tayo," nakatingalang sabi ng lalaking nasa baba ng choir loop.
"Sige, bababa na ako. Aayusin ko lang 'to," matamlay na sagot niya habang hindi mawari kung ibabalik ang hawak niyang pulang bagay.
Bumaba na si Francis at diretsong tumuloy sa sasakyang nakaparada sa gilid ng simbahan. Sa bandang likuran siya pumuwesto at bahagyang sumandal sa dulong bahagi ng L300.
"O, dito ka na pala. Akala ko, nagpunta ka pa kina Ate Lilith," humahangos na sabi ni Russel. Nakita niya ang kaibigan na halatang wala sa mood. "Anyare roon?" pabulong na tanong niya kay Mike na naakaupo sa passenger’s seat.
Kumibit-balikat lang si Mike.

HorizonWhere stories live. Discover now