Chapter 7: Reconnection

12 2 0
                                    

Lets welcome the Elite Group of Talented youth of today ... round of applause...

Celebrate Jesus Celebrate...

"Yeng, Yeng?" bati ng isang babae sa nakatalikod na mang-aawit.

Lumingon naman ang katabing bata ng babaeng nasa unahan at kumakanta rin sa pagkakataon iyon. Marahang kinalabit nito sa braso ang babae, sabay turo sa tumatawag kay Yeng.

"Oy, Shane, sino'ng kasama mo?" gulat na bati ni Yeng sa palapit na babae.

Mahigpit na yakap ang isinalubong ni Shane kay Yeng na akmang bebeso sa kanya. Pagkatapos, masayang nagkumustahan ang dalawa, na animo'y matalik na magkaibigang matagal na nawalay sa isa't isa at sabik sa muling pagkikita.

"Ano'ng balita sa 'yo? Nasaan si Francis?" usisang tanong ni Yeng kay Shane.

"Naku, mag-iisang buwan na kaming hindi nagkakausap at nagkikita n'on." Nakangiti si Shane. Umupo siya sa isang monobloc chair sa gilid ng activity area kung saan kasalukuyang may malaking Youth Ministry's Fun, Walk, and Prayer with my Bestfriend, Jesus 2019.

"Bakit naman?" Hindi makapaniwala si Yeng. "Hindi ba malapit na kayong ikasal no'n?" dugtong pa ni Yeng habang binubuksan ang isang bottled mineral water.

Bahagyang naibuga ni Shane ang tubig na nasa bibig nya. "Ano? Malapit ikasal? Nino?" natatawang tanong niya sa kausap.

"Bakit? Hindi ba nga ikakasal na kayo ni Ecis, kaya siya lumabas sa seminaryo?" paliwanag ni Yeng sa kaibigang hindi tumitigil sa pagtawa.

"Hindi, ah!" mariing tanggi ni Shane.

Sa pagkakataong iyon, naging seryoso na ang usapan ng dalawa. Nasabi na ni Shane ang lahat tungkol sa kung paano sila nagkita at nagkakila ni Francis at hanggang sa kung paanong biglaan ang pagkakapasyal nila sa Pangasinan. Nabanggit din niya ang eksena ng pag-uwi nila galing sa bahay ng lola niya sa Pangasinan.

"So, kaya 'di na kayo nagkita dahil nag-away kayo about me?" malungkot na tanong ni Yeng.

"Hindi, ah," mabilis na tanggi ni Shane. "Talagang naging busy lang ako lately... Maiba pala tayo, Sissy." She clears her throat first. "I would like to extend a helping hand to you para sa medical procedure mo." Ngumiti muna siya sa kaibigan. "I have these friends of mine sa US, na ready to help us. I will get your number to keep in touch for the details of this project, ha?"

"Talaga? Sige, sige! Thank you in advance, Sissy!" excited na sabi ni Yeng.

"God is stronger than any illness," turan ni Shane. "So, paano? I have to go now kasi may appointment pa ako kay Dra. Feb," masiglang pagpapaalam nito kay Yeng.

"Okay! Ingat ka, Sissy. Keep in touch na lang, ha?" habilin ni Yeng sa kaibigang naglalakad palayo. "Life is really full of surprises... Everything has a reason," naisaloob niya.

Napakasaya ni Yeng sa muli nilang pagkikita ni Shane. Isang pambihirang pagkakataon ang katulad niyon. Ang araw na iyon ang naging umpisa ng napakasaya at makabuluhang pakikipag-ugnayan at matatag na pagkakaibigan nila.

ISANG ORDINARYONG ARAW sa abalang buhay-paglilingkod ni Russel bilang bagong orden na reberendo ng parokya, bigla iyong naiba dahil sa isang bisita.

"Long time, no look, ah!" pabirong bati ni Francis sa kaibigang naghuhubad ng abito habang papasok ng sacristy ng seminaryo.

"Oh, ano'ng atin? Ano'ng masamang hangin ang nagtulak sa 'yo para dalawin ang hamak na lingkod na tulad ko?" napakalumanay na tanong ni Russel sa kaibigang nakatayo sa labas ng pinto ng chapel.

HorizonWhere stories live. Discover now