Chapter 19

332 10 5
                                    

Khiert Ghil POV

Makalipas ang ilang taon ay patuloy ako sa paghahanap kay Ilarian. Pero kahit si Investigator Yu ay sumuko dahil narin sa sakit niya. Kasalukuyan siyang nakaconfine.

Konti lang ang nalaman ko sa pagiimbestiga si Investigator Yu. Wala sa loob ng Pilipinas si Ilarian, kung saang bansa ay hindi ko alam.

Sa nakalipas na ilang taon ay lumayo ang loob ko sa daddy ko. Natuloy ang Annulment Papers nila ni Tita Stella. Kasalukuyang nakabase si Tita Stella sa Italy.

Habang sina Mom and Dad naman ay nagkaroon ng oras sa isat isat. Si mom, dad at ate Hilarian. They always have that moment na nakakapagbonding sila. They always said I should come over but I insist. Ayokong makasama yung taong naging dahilan ng pagalis ng pinakamamahal ko.

I also take a DNA Test with dad. At dun naliwanagan hindi lang ang isip ko kundi pati narin ang puso ko. Nagkaroon ng pagasa ang puso ko para sa pagiibigan namin ni Ilarian. Mr. Jericho Ferreria is not my Biological Father.

Oo, hindi ko siya totoong ama. Hindi alam nina mommy at daddy na nagpakuha ako ng DNA Test. Hindi rin siguro nila napansin na kumuha ako ng DNA Samples ni Dad.

Hindi ko lang matanggap na sa nakalipas na mahigit sampung  taon, hindi ko parin nakikita at nakakasama ulit si Ilarian.

I am now a CEO of my Father's business. A Airline Business. Actually, Civil Engineering ang tinapos ko sa kolehiyo pero ang katotohanang nasa ibang bansa si Ilarian at malaki ang posibilidad na umuwi siya sa Pilipinas ay mas pinili ko ang maging CEO ng kompanyang ito.

Voice Recording...

Day 2, 280

       Hi, Baby. Hinihintay parin kita dito sa Airport. Hindi ako naalis hanggang sa hindi pa nagsasara ang paliparang ito. Baby, magaling ka na ba? Magaling ba ang doctor diyan? Baby, Miss na miss na kita. Ako ba, namimiss mo na? Baby, pinagpalit mo na ba ako? Kasi ako, baby, hindi kita pinagpapalit kahit maraming babaeng nagkakagusto saakin. Baby, uwi ka na. Anim na taon na kitang hindi nakikita, baby. Anim na taon na akong sabik sayo. But dont worry, Im not mad. Dahil kahit wala ka sa tabi ko, I always feel your presence by my side. I always feel that your with me all this time. Baby, please, uwi ka na. Mahal na mahal kita, baby. Uwi ka na, ha?

Voice Recording end.

“Sir” wika ng isang empleyadong pumasok sa opisina ko “May flight pong galing sa US papunta dito sa Pilipinas”

Naexcite naman ako sa kung ano ang ibabalita niya. Shit! “So, what's with that flight?”

“Meron daw pong paseherong US Citizen na ang pangalan is Ilarian Davien Montenegro”

Hindi na ako nakapaghintay pa. Lumabas ako ng opisina ko at pumunta sa Arrival.

Shit! She's here!

Mula sa kinatatayuan ko ay nakikita ko ang isang pigura ng babaeng may blonde at kulot na buhok. Nakafloral na damit at sa paglagay ko ay 3 inches na sapatos.

“Ilariaaaaaaaan!” walang pagaalinlangang sigaw ko.

Naagaw ko ang atensyon ng mga tao lalo na ni Ilarian. Nakita ko kung paano ito nagulat lalo na nung tumakbo ako papalit sakanya.

Nang makalapit ay tinabig ko ang mga bagahe niyang nakaharang sa unahan niya na agad namang nasambot ng lalaki kong empleyado tsaka ko siya niyakap.

Naramdaman ko kung paanong nagulat si Ilarian.

“Khiert...”

“Ilarian, nakauwi ka na nga. Baby” hindi ko napigilan ang paglandas ng luha ko. “I missed you!”

Naramdaman ko ang pagsagot niya sa mga yakap ko. “I missed you too”

“Promise me, baby. Dont ever leave me again, dont ever leave me again, baby. Promise me, please”

Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa at tsaka niya inihilig ang ulo sa balikat ko “I promise... Baby”

Chasing MontenegroWhere stories live. Discover now