Chapter 5

580 16 3
                                    

“What happened?”

Ilarian Davien POV

“Susmiyo, Ilarian. Tara na sa ospital, hija” wika ni Manang habang hinihimas ang likod ko.

“Ayos lang ako, Ma---” hindi ko rin natapos ang sariling sasabihin nang masuka na naman ako.

“Mukha ka bang ayos niyan, hija?” tanong pa niya “Pupunta tayong ospital!”

“Manang...”

“Kahit ngayon lang, Ilarian, ako muna ang sundin mo...” natigilan ako at tumango nalang.

Khiert Ghil POV

“Bro, sa tingin mo, pumasok si Ilarian?” tanong ko kay John

“Aba'y kinamalayan ko! Hindi naman kami close ni Montenegro, eh!” sagot niya

Nginiwian ko lang siya. Kanina pa ako nagaabang sa hallway kung may dadaan bang Ilarian. Pero wala, walang Ilarian na dumaan. Nagaalala ako. Bakit kaya hindi siya pumasok?

“Teka, Unice!” pigil ko sa isa sa mga kaibigan ni Ilarian “Pumasok ba si Ilarian?”

“Hindi, Khiert, eh” sagot niya

“Bakit daw?” usisa ko

“Hindi ko rin alam. Wala naman kaseng pasabi” wika niya at tinanguan ko siya “Sige, mauna na ako”

“Sige, salamat”

Matapos ang klase ay nagdesisyon akong pumunta sa bahay ni Ilarian. Binigay niya kase ang address niya saakin.

Nang marating ko ang bahay ay agad akong nagdoorbell.

Nakailang beses akong pindot sa doorbell bago may lumabas.

“Sandali lang...” wika ng isang matandang babae “Anong kaylangan, hijo?” tanong nito

“Dito po ba nakatira si Ilarian?” tanong ko

Nahalata ko ang magkabigla sa mukha ng matanda na pinilit niyang hindi ipahalata “Anong kaylangan, hijo?” paguulit niya sa tanong pero sa pagkakataong ito, seryoso na siya

“Ahmm, hindi po kase siya pumasok. So, itatanong ko lang po kung baki----” hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may biglang sumigaw. Sabay kaming napalingon ng matanda sa loob ng bahay.

“Manaaaaaaaaaaaaaaang!!” sigaw ng isang babae.

“Juskoo, hija, nariyan na ako!” ang kaninang seryosong matanda ay biglang nagalala. Hindi na ako nagdalawang isip pang pumasok sa bahay.

“Manaaaang! Masakit, manang!” sigaw ni Ilarian habang nakahawak sa mga tiyan niya. Nakaupo rin siya sa wheelchair.

Hindi agad ako nakakilos sa nakita ko. Sobrang nanghihina si Ilarian habang dinadaing ang sakit sa tiyan. Nakaalalay naman sakanya ang matanda.

“Ilarian? Anong nangyayari, Ilarian?” tanong ko nang makabawi

“Khiert? A-anong.... Ahh, anong g-ginagawa mo d-dito?” nahihirapan niyang wika

“Ilarian, its not important. I'll bring you to the hospital” wika ko

“No, ayokong m-maconfine...” sagot niya

“Pero, Ilarian!” hindi ko na napigilan pa ang sigawan siya.

Tinulak ko ang wheelchair palabas ng bahay at binuhat si Ilarian papasok sa kotse ko. Si manang naman ay kinuha ang mga gamit na sa tingin koy kanina pa nila inayos.

“K-khiert! Ahhh--- I dont want to fucking go!” sigaw niya

Hindi ko siya pinansin at pinaandar na ang sasakyan nang makapasok si manang

“Stop t-this goddamn c-car!” sigaw muli ni Ilarian

“No, Ilarian!” sigaw ko pabalik “You're too weak to argue for that anymore! Stop it!”

“Who the hell are you?!” biglang sigaw niya. Natigilan ako. Habang si manang naman ay hindi mapigilan ang pagiyak sa tabi ni Ilarian “You're j-just a s-stranger... Dont a-act as if you c-care!”

“This is not about the strange anymore, Ms. Montenegro” siya naman ang natigilan. Ang kaninang sumisigaw kong boses ay naging malumanay at nagkaroon ng awtoridad. “This is a life and death situation. Don't argue with me”

“P-pero...”

“No more buts, Ms. Montenegro”

What happened, Ilarian? Anong nangyari? Nagaalala ako para sayo, hindi ko alam kung kaylan naging ganito, hindi normal ito. Nagaalala ako sa maling paraan. Maling mali.

Chasing MontenegroWhere stories live. Discover now