10| Combat Test

4.8K 293 5
                                    

Umalis muna sila Sadam nang dinala ako ng mga tauhan nila sa isang silid. Tinulak nila ako papasok at kamuntikan ko pang sugurin yung isang tumulak sa akin. Humampas agad sa akin ang pinto nang sinubukan kong habulin iyon. Iniwan nila ako. Kaya wala akong nagawa kundi ang harapin ang silid.

Madilim dito at parang may laman. Napatingala ako sa itaas na banda ng silid at nakita kong may ilaw na pula na sobrang liit sa taas. Nanonood sila. May narinig akong kalampag sa bandang kanan ko kaya napalingon agad ako. I guard myself up kung ano man ang nasa loob nito.

They put me in here to test me. Hindi naman ako tanga. Pero sana ipinaliwanag muna nila sa akin kung anong balak nila sa akin, kung anong plano ba ang pinagsasasabi nila. Nang makapunta ako sa bandang gitna ng silid ay bigla akong may naramdaman na presensya. Wala pa ring ilaw kaya nang maramdaman kong aatakihin ako ay umiwas muna ako at nagpagulong pabaliktad. Then medyo kumislap ang ilaw. Mabagal ang pagsara at pagbalik ng ilaw kaya may nakikita na akong imahe. Mas mabuti na ito kaysa wala talaga.

Hindi ko alam kung tao ba ang kalaban ko pero bigla niya akong inatake uli. Umiwas ako at sinipa siya nang malakas sa leeg, pero sa laki niya ay tagiliran lang ata tumama. Tapos kumuha ako ng lakas mula sa dingding tapos siniko ko siya nang malakas sa dibdib. Walang epekto. Para lang siyang hinampas ng papel. The lights kept blinking. Measuring their height because of their presence I can say they are at least 7 to 8 feet. They were that tall.

Nakita kong may isa pang nilalang ang lumabas. Malaking bulto rin ito ng kung ano. May takip ng sako ang mukha kaya hindi ko alam kung paano ito nakakakita. Napalingon ako sa buong paligid at nakita kong may mga hagdan na metal na malawak ang pagitan sa isa't-isa, sing laki siguro ng isang tao ang pagitan no'n.

Nagulat ako nang sabay na umatake sa akin ang dalawang nilalang na may takip ng sako sa mukha. Iniwasan ko yung una pero hindi ko naiwasan ang atake ng isa. Halos tumalsik ako sa gilid nang tumama sa akin ang kamao nun. Sumikdo ang sakit sa ulo ko nang tumama ito sa kahoy na haligi.

Bigla akong nagka ideya. Mabagal nila akong nilapitan. Kaya nanghihina ang katawan kong siniko ang dingding tapos siniko ang kabila no'n. Tapos dinakot ko ang kahoy at ginamit na armas. Pahiga akong dumulas sa sahig para mapunta sa likod nila at nang hinanap nila ako ay ginamit ko iyon para isaksak ang nagawa kong armas gamit ang kahoy.

Naisaksak ko iyon sa tagiliran ng isa nang madiin. Napatingin sila doon tapos hinugot niya lang iyon na parang walang naramdamang sakit. Kaya napaatras ako. Sa natitira kong lakas ay inatake ko na lang silang parehas. Tumakbo ako papunta sa kanila, umikot ako sa ere at sabay na sinipa sila bandang leeg. Tumunog ang buto ng dalawa sa leeg sa ginawa kong impact, tumumba ang isa ngunit nakuha ng isa ang paa ko.

Agad niya akong hinagis kaya napasigaw ako sa ere. Nakaramdam muli ako ng sakit sa katawan pero sinubukan kong lumanding mula sa ere nang hindi nababalian ng buto. Pero humampas pa rin ako sa metal na hagdan The lights stopped blinking for a while pero alam ko kung saan pa rin nakapwesto ang kalaban. I stilled for a second, guarding myself from another attack. Nakita ko kung gaano kabilis ang naging galaw ng kalaban ko sa dilim, nagpanggap akong hindi ko siya nakitang pumunta sa bandang likod ko kaya habang ginagawa niya iyon, mabilis din akong humakbang sa mataas na hagdan at nang sumaktong bumukas ang ilaw ay mula sa likod ay hinarap ko siya. Tumalon ako mula roon kaya naabot ko na ang bandang uluhan niya. Nagulat din siya nang makita akong nasa ere na.

Malakas na tumama ang magkabilang braso ko sa kanya at mula sa ere ay binali ko ang leeg niya. Naramdaman kong babagsak na ito kaya tumalon ako paalis sa kanya, ginamit ko ang dibdib niya para maka-landing nang maayos, tapos paikot akong bumaliktad sa ere, namatay ulit ang ilaw. Lumapag ang dalawang paa ko sa sahig at naramdaman ko ulit ang solid na lupa. Then there was silence.

City of Beauty [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon