1| The Doll of Dulls

17K 455 53
                                    

May napulot akong isang salamin sa isang tindahan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May napulot akong isang salamin sa isang tindahan. Wala lang, nagandahan kasi ako sa mga nakaukit na design sa salamin at ewan ko ba kung anong pumasok sa akin at hinawakan ko ito. Hinawakan ko pa lang pero kinakabahan na akong tumingin sa salamin.

"Ilang taon na ba simula nung tinigilan ko ang pagharap sa salamin? Pito o sampu?" loko-loko kong tanong sa sarili.

Nang inangat ko ang salamin ay deretsong tumama ang mga mata ko sa itsura ko. At kusang gumalaw ang kamay ko papunta sa malaking peklat mula sentido ko hanggang baba ko. Ano pa bang inaasahan ko na after pito o sampung taon ay kusa na lang 'yan matatanggal? 'Di ko alam pero may nasilabang galit sa akin at naibato ko ang salamin. Nagulat din ang tindero at napatayo. Nagulat ako sa sarili ko. Kumaripas ako ng takbo nang sumigaw na ang tindero.

"Bayaran mo ang binasag mo! Dios por Santo! Hoy, tumigil ka!" At nagbingi-bingihan lang ako at nagpatuloy lang tumakbo. Kung sana hindi ako pinanganak na mukha ang basehan sa lahat ng bagay.

"Shilo, hindi ko gagawin!" Nakabusangot na ang mukha ni Shilo nang sinabi ko iyon. Hinatak niya ako sa kamay at lumapit pa kami sa target niya. Nagpatangay rin ako sa hila niya at hinayaan na siya pero buo ang desisyon ko na hindi ko gagawin. Wala kasing magawa sa buhay ang loko.

"Velvet, tandaan mong wala tayong makakain bukas kapag 'di mo ginawa. I promise na safe ka."

"Talaga, Shilo? Nung huling sinabi mo 'yan ay agad akong naaresto tatlong segundo matapos kong gawin 'yung sinabi mo." Natawa naman siya sa sinabi ko.

Napatingin ako sa Skull Guards na nakapwesto sa may barrier ng City of Beauty. May mga traders na nasa gitnang barrier ng City of Beauty, City of Ruins at sa City of Commons, kung saan kami nakatira at kung saan lang kami nabibilang. Ang tawag sa meeting point ng tatlong cities ay Hall of Middle. D'yan din kasi ang bagsakan ng mga produktong pwedeng itrade.

"Saglit lang naman please, Vel. Alam mong mas mabilis ang kamay mo kaysa sa akin. At kakatanggal ko lang sa trabaho." Nag-pout pa si Shilo na lalong nagpakonsensya sa akin.

Naglakad na nga ako palayo mula sa City of Commons kung saan lang nabibilang ang mukha ko at lumapit sa lalaking may ginto sa bulsa niya. He is indeed a Pure, a person from the City of Beauty. The perfect face and the gold pin that signifies the life us Dulls and Savages don't have. Napangiti si Shilo at napa-fist bump sa ere nang makitang nasa harapan na ako ng lalaki. Inusog ko pa ang itim kong buhok para itago ang kalahati ng mukha at ngumiti sa lalaki. Isa na namang perpektong mukha na kabilang sa City of Beauty. Masyadong nakamamangha. Napairap ako sa ere.

"Ikaw na ba 'yon?" panimula ko sa lalaking nasa harapan. Kita ko ang pagtataka sa mukha niya.

"Huh? Ang alin, miss?" Ipinungay ko pa ang mata ko at ngumiti, napangiti rin ang lakaki. "Hindi ko alam na dito ko lang pala makikita ang biyaya ng Diyos, at ikaw 'yon." Ang bantot naman nung pagkakasabi ko! At dumampi nga ang kamay ko sa mukha niya at ang isa sa bulsa niya with a sudden and gentle force. Nakatitig siya sa nakakaakit kong mata at sa kakaibang ganda ng mukha ko. Yung kalahati nga lang.

City of Beauty [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon