1

183 1 0
                                        

"I, Amadeo Consunji, give, devise and bequeath all of the remaining and residual property I have ownership in at the time of my death, whether real property, personal property or both, of whatever kind and wherever situated to Almira Nicolas Consunji absolutely and entirely given that she will sign a five year contract with a modeling agency. Should Almira Nicolas Consunji not be living or have not complied to my will, then I give, devise and bequeath all of the remaining and residual property I have ownership in at the time of my death, whether real property, personal property or both, of whatever kind and wherever situated to Esmeralda Ynarez Consunji absolutely and entirely."

Nanlumo ako sa narinig. Sa lahat ng pwedeng ilagay sa last will and testament, modeling pa talaga? Alam naman ni lolo kung gaano ako kawalang interes sa mga ganyang bagay. Alam kong di rin lingid sa kaalaman nya na sobrang baba ng self-esteem ko. I also overthink a lot kaya hindi ko alam kung bakit pagmomodel pa talaga ang ninais nya para sakin.

"Mira, wala na tayong magagawa. Yan ang nakasaad sa last will and testament ng lolo mo. If you won't comply to what was written, then I have no choice but to contact your closest relatives."

Napatingin ako kay Atty. Mattias. He's on his late 50s just like my late dad. Yep, ulila na ako. Both of my parents died on a car accident when I was 15. My grandfather became my confidant since then.

"Modeling. So that's it? Wala namang nakasaad na kailangan kong tumigil sa trabaho ko diba?"

Ngumiti lang ang abogado.

"You can do anything you want as long as you'll enter modeling. You can get half of your grandfather's assets upon signing a 5-year contract with a modeling agency. The other half will be given upon the expiration of your contract."

5 years? Ganun katagal? May sinabi ba sa will ni lolo?

"Assessing from your reaction, yes. Ganun katagal."

I mentally rolled my eyes on my grandfather's lawyer. Nagpaalam na rin ako matapos ng ilan pang diskusyon. Di muna ako tumuloy sa mansion. Isang buwan pa lamang mula nang ilibing si lolo at hindi makakatulong sa pagmumove on ko kung dun pa rin ako mananatili.

Pansamantala muna akong tumuloy sa condo na nabili ko noong nakaraang taon. My place has dark indigo hued glass exterior. In terms of its interior, i designed it with minimalistic features, white and grey as the dominant color. I chose the top floor for it's unobstructed view and its quietness.

I have passion for arts. I love crafts and decorating my things kaya ganyan ang ayos ng condo ko. Kumuha muna ako ng chips bago tumungo sa living area at maghanap ng listahan ng modeling agency na pwedeng kumupkop sakin.

Akalain mo nga naman ano, sa buong 23 years ko sa mundong ito hindi ko sukat akalain na mag aapply ako sa ganitong klaseng trabaho. Sino lang naman ako diba. Simpleng babae lang. Napaka plain. Hindi mo papansinin kung makasalubong mo man sa daan. Baka tawanan lang ako ng mga tao pag nakita nila ako na mag aapply sa modeling agency diba.

Ang dami kong nakikita sa searches pero wala akong magustuhan. Kaya naman lumipat muna ako sa ibang social networking sites na meron ako. Sinabi ko lang na di ako pang model level, pero di naman ako anti social.

I wear eyeglasses. My height? 5'3. Pretty cute, right? I seldom wear heels. And if I say seldom, once to twice a year lang. Depende pa sa occassion. Im not fat nor thin. Nasa gitna lang, same goes with my skin. Not too white nor too dark.

I mostly rant on my twitter account. Actually, my SNS accounts got three stages in terms of my privacy.

1st stage is on Facebook. This is where everyone can access me easily. My relatives, friends, colleagues, new acquaintances. Nevertheless, my account's on private (for privacy purposes)

The second stage would be my instagram account. Since my remaining relatives aren't really artistic (sorry for being judgemental but that's really it lol) Anyway, ang may instagram account na lang kasi sa mga kakilala ko ay mga kabataan. So my cousins and friends can access my instagram account. I can even post my secrets in IG such as drinking (i'm really prohibited at any alcoholic drinks) and relationships (my lolo ain't a fan of gays but I have lots of gay friends so I usually post my kabaklaan sa instagram with my lgbt friends)

And lastly, twitter!!! The most convenient for me. I can rant anything I want, anytime I want. And explicit contents aren't prohibited in twitter also (Again, sinabi ko lang na di ako pang model level, pero normal pa rin naman akong tao na may SNS accounts at may pagnanasa but don't mind what I just said).

Speaking of modeling, I tried searching agencies on SNS accounts until I landed on a certain post. And it's an underground society for models!

Nakasaad sa description ng grupo na samahan ito ng mga modelo na ayaw makilala sa totoo nilang pagkakakilanlan and this is exactly what im looking for!

It's called 'The Underworld'. Napaka unusual because the name itself looks like a place with hidden agenda. Di rin ito samahan ng mga mamamatay tao at nagbebenta ng ilegal na droga.

I checked if The Underworld is legit and true enough, ang dami na nitong miyembro!

Sabi nga there's no harm in trying kaya gumawa na ako ng account. Akala ko para itong isang agency ngunit grupo pala ito ng mga agencies! Kailangan mong magpost ng larawan sa site at kung may agency na gusto kang kunin bilang modelo ay magkakaroon ng bidding. Ang may pinakamataas na bid ang siyang magiging modeling agency mo.

Tumingin muna ako ng larawan at nakita kong ang sesexy ng mga naroon. May mga takip sa mukha dahil isa nga itong discreet society. Halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita. Kung eestimahin, mas marami ang mga kumukuhang ahensya sa halos hubo't hubad ang larawan. Meron ring hubad talaga. Nanlumo ako agad. Hindi pala ito magiging madali.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tinignan ang repleksyon sa salamin na nasa tabi ko. Hindi ako perpekto. Boobs lang ata pwede kong ipagmalaki. Feeling ko ang taba taba ko pa. May bilbil kasi ako. I also have a fair share of stretch marks. Flat rin ang pwet ko. At kahit minsan di pa ako nagsuot ng two piece sa tanang buhay ko.

Sinubukan kong gayahin ang mga pose ng modelo sa Underground. Bakit pag sa akin ang awkward?

Naghanap pa ako ng ibang pose na gagayahin. Yung medyo simple lang. Hindi ko kaya yung nakatuwad o nakahawak sa bo*bs kaya yung nakaupo yung pinili ko.

Simple lang. Nakaupo ang modelo na parang nakaliyad gamit ang kaliwang kamay bilang suporta habang ang kanan naman ay nakahawak sa puting twalya na nakatakip sa hubad nitong katawan. Ito na ang mukhang pinakadisente na kaya kong gawin kumpara sa ibang mga modelo na kita na ang di dapat makita.

Mahilig ako sa photography at photo editing. Sabi ko nga diba, i love arts. Isa pa, requirement yon para sa isang magandang instagram feed.

Inihanda ko na ang mga kakailanganin maging ang sarili ko. Nagbasa pa ako ng tubig para magmukhang sexy kahit hindi naman talaga. Wet look kumbaga.

Akalain mo nga naman ano, nakakasexy pala ang pagtatakip ng twalya. Natakpan kasi ang bilbil ko. Magandang anggulo rin ang kuha. Di ko ginaya yung nakaliyad dahil hindi bagay sakin ang ganung pose kaya gumawa na lamang ako ng sarili kong version.

Sinimulan ko nang iedit ang kuha kong litrato. Mas nagmukhang maganda ang kalidad ng imahe dahil sa contrast at shadows.

Ipinasa ko na ang imahe pagkatapos. Base kasi sa mga nababasa ko, isa hanggang tatlong linggo ang inaabot ng confirmation sa underground society.

Wala namang mawawala sa akin kung hindi ako matanggap. Hindi rin naman nila ako makikilala.

Wrong UnitHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin