Prologue

21 4 2
                                    

Isa kaming pamilya ng mga vampire hunter, we have those so called ranks and our family holds the highest.

Kahit na kami ang may hawak ng pinakamataas na ranggo sa vampire hunter clan, hindi kami nakaligtas sa mga pangyayaring hindi inaasahan.

Kung tutuusin nga ay napakawalang kwenta namin, tinagurian kaming pinakamagaling at pinakamataas na vampire hunter ngunit hindi kami nakagawa nang paraan para maisalba ang isang miyembro ng aming pamilya mula sa mga salot na bampirang iyon.

Isang gabi ay natagpuan na lang naming nakahandusay ang malamig na bangkay ng kapatid kong lalaki sa sala ng bahay namin. Napakaputla nito at may bakas ng kagat sa leeg na tila gawa ng matatalim na pangil at isang nilalang lang ang alam naming kayang gumawa nito, bampira.

Kaya kahit anong mangyari ay gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para maipaghiganti at mabigyan ng hustisya ang nangyari sa aking kapatid. Hinding-hindi ako titigil sa paghahanap sa kung sino man ang may gawa noon sa kanya dahil ipinangako ko sa malamig niyang katawan bibigyan ko ng hustisya ang kanyang pagkamatay.

"Hindi ka na ba talaga namin mapipigilan?. Alam naman naming gusto mong makamit ang hustisya dahil ganon din ang gusto namin pero hindi dapat tayo nagpapadalos-dalos ng pasya. Kailangan nating gumawa ng plano.", simula ng malaman nilang aalis ako ay hindi na sila tumigil sa pangungumbinsi sa aking wag ng umalis.

Pagkagising ko kaninang umaga ay may natanggap akong liham mula sa tauhang inatasan kong maghanap sa bampirang pumatay sa kapatid ko. Nakasulat doon ang lugar kung saan ko matatagpuan ang bampirang yun kaya't hindi na ako nagdalawang isip na mag-impake para pumunta doon.

"I made a promise to my brother. I promised to give him justice and this is it. This is the time to give him what he deserves. No matter what it takes, I will go to that place and search for that vampire who killed him. Kahit na pigilan niyo kong lahat, pupunta at pupunta parin ako sa lugar na iyon.", patuloy ako sa pagliligpit ko nang aking gamit.

Narinig kong bumuntong-hininga ang aking ina sa aking likuran. Maya-maya'y may pumasok na tagasilbi para sabihing nakahanda na ang sasakyang gagamitin ko sa aking pag-alis.

"Mom, Dad , I'm doing this for our family, for Kuya. Don't worry, kapag natapos ko na ang ipinunta ko doon, uuwi rin ako kaagad.", may ngiti sa labing sabi ko sa kanila. Unti-unting nawala ang pag-aalala sa mukha ng aking ina.

Niyakap nila akong dalawa at walang nagawa kung hindi ang payagan na lamang akong umalis. Ilang minuto pa ay sakay na ako ng aking sasakyan at binabagtas ang daan patungo sa lugar na 'yon.

Nasisiguro kong maibibigay ko rin ang hustisya para sayo Kuya Von.
Susuguraduhin kong mauubos ang lahi ng mga bampirang nakatira sa Heronsville.

_________________________________________

(A/N): Hehe I actually don't know how to write stories. Kayo na magjudge ng prologue. Kung nagustuhan niyo then continue reading, kung hindi then read Possessive Series instead HAHAHA. Ipupublish ko ang chapter 1 kapag umabot na nang 150 reads ang prologue so assume na next 5 years pa ang chapter 1 dejwk lang. Thank you!

Heronsville (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon