Nang dahil sa paghahanap niya ng hustisya sa pagkamatay ng kanyang kapatid ay napadpad siya sa isang malayong pook sa labas ng siyudad dahil may nakapagsabi sa kanyang doon niya makikita ang kanyang hinahanap, sa Heronsville. Gusto niyang makamit ang hustisya para sa kanyang kapatid, gusto niyang hanapin at paslangin ang nilalang na sumipsip sa dugo ng kanyang pinakamamahal na kapatid hanggang sa mabawian ito ng buhay. Makikita kaya niya ang kanyang hinahanap sa Heronsville at makuha ang hustisyang nais niyang makamit? Siya si Demia Argelique Navis, isang vampire hunter.