"Saan ka pupunta?" Pigil niya sakin. Nginitian ko naman siya.

"Bibili lang ako ng pagkain. Ginutom ako, e. Ituloy niyo na ang pag-uusap niyo, okay?" Gamit ang isang kamay ay pinunasan ko ang mata ko dahil sa luha. Napabitaw naman sa pagkakahawak sakin si Bella kaya nagawa kong tumalikod sakanila at umalis papuntang cafeteria.

Sana naman ay magkaintindihan na ang dalawang 'yon. Mas lalo siguro akong sasaya kung malalaman ko na si Axel at Bella ang magkakatuluyan. Alam ko kasing aalagaan at mamahalin ng tunay at buo ni Axel si Bella at ganoon rin naman si Bella kay Axel.

Para lang akong naglalakad sa buwan sa sobrang bagal ko sa paglalakad. Gusto ko kasing namnamin ang paligid dahil alam kong matatagalan pa ako bago muling makabalik dito. Doon narin kasi ako sa State magse-Senior High at College. Kaya ilang years rin ako mananatili doon. Pero sana pumayag si Daddy na doon ako papasok ng Senior High sa ibang bansa at dito naman ako mag co-college sa pilipinas.

Most of our relatives are living in States. Kaya hindi kami mahihirapan sa pakikisalamuha roon. Karamahin sa mga cousin ko ay doon nag-aaral.

Naisipan kong kuhanin muna ang mga gamit ko sa locker bago pumunta ng cafeteria. Last day ko na rito kaya lilinisin ko na rin ang locker ko.

Nang makita ang eksaktong number ng locker ko ay lumapit ako doon para buksan.
Tumambad sa akin ang patong patong na papel. O sabihin na lang natin na love letter ko para kay Andrew. Hindi ko kasi mabigay sakanya ito dahil sa takot ko, pero nung nagkaroon naman akon ng time na makasama siya ay napanghihinaan ako ng loob ibigay ito. Isinilid ko ito sa bag. Siguro ang gagawin ko na lang dito ay ilalagay sa isang maliit na kahon at ibibigay ko ito sa kanya bukas bago kami umalis.

Napatango naman ako sa naisip. Ang mga hindi na nagagamit na bagay sa locker ko ay itinapon ko na. Pagkatapos malinis ang locker ay napagdesisyunan ko ng umalis.

Nagsimula na akong maglakad sa kahabaan ng hallway. Kakaunti na lamang ang mga estudyante narito dahil ang karamihan ay nakatambay sa bench at cafeteria.

Dire-diretso lang ang lakad ko ng maramdaman kong may humawak sa braso ko at hinila ako kung saan. Nakatalikod ito sa akin dahil nauuna siya sa paglakad.

Pero base sa pagbilis ng pagpintig ng puso ko ay alam ko na agad kung sino ito.

Nang makarating kami sa likod ng isang silid ay saka lamang niya ako binitawan. Humarap ito saakin at napakurap kurap ako ng tama ang pagkakahula ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming naging tahimik habang pinapakiramdaman ang isa't isa. Nakatitig lamang ako sakanya habang siya naman ay seryosong nakatanaw sa malayo.

"Totoo ba na aalis na kayo bukas?" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Si Axel at Bella lang ang alam kong nasabihan ko ng impormasyong iyon kaya paano niya nalaman iyon? Napalanghap ako ng hangin. Parang kakapusin ako ng hininga sa lakas ng tibok ng puso ko.

Tumango lang ako bilang tugon. Muli na namang naghari ang katahimikan sa pagitan namin.

"May gusto akong sabihin sa'yo." Paninimula muli ni Andrew. Tumango muli ako. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko.
Kanina gusto kong magpasalamat sakanya at humingi ng tawad pero ngayong nasa harapan ko na siya ay bigla akong naduwag.

Gusto ko rin ibigay ang love letter ko para sakanya pero nahihiya ako baka kas–
"I like you, Aaliyah." Gulat naman akong napatingin sa kanya habang napakurap-kurap. My jaw dropped, literally. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko lalo na ng bigla na lamang itong tumingin saakin at hinapit ang aking beywang.

"I know it's hard to believe. Kahit ako hindi ko na alam ang pinagsasabi ko. Kaya bago ka man lang umalis gusto kong malaman mo ang nararamdaman ko, Aaliyah. Kasi mababaliw na ako kung hindi ko masasabi sa'yo 'to. I like you. Narealize ko lang iyon ng umalis ka sa pagkaka-slave ko sayo. Palagi kong hinahanap ang presensya mo tuwing dadating ako sa condo at wala ka do'n. Namimiss ko yung mga panahong nag-aasaran tayo. I missed those times... I missed you." Tuluyan ng lumambot ang tuhod ko sa narinig mula sakanya. Buti na lang ay nakahawak siya sa bewang ko kaya hindi ako napaupo sa sahig.

Nakatitig lang kami sa mata ng isa't isa walang kumukurap. Gusto kong maiyak sa tuwa dahil sa nalaman mula sakanya. May pag-asa pala talaga ako kahit isang akong nerd dati, kahit na slave at stalker lang niya ako dati. Nanlaki ang mata ko ng mas lalong lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Ilang inches na lang ang layo ng labi namin sa isa't isa. Para na akong hihimatayin sa sobrang kilig.

"What are you two doing?!" Mabilis akong napahiwalay sa pagkakadikit kay Andrew ng marinig ang galit na galit na tinig na iyon.

Nakita ko si Xylene with her friends at halatang gulat rin sa nasaksihan nila.

"You slut! Ang kapal ng mukha mong lumapit kay Andrew! Slutty bitch, Walang hiya ka!" Sigaw ni Xylene saka patakbong lumapit sakin. Sasampalin na sana niya ako pero buti na lang at nahawakan agad ni Andrew ang kamay ni Xylene para pigilan ito.

"Stop it, Xylene." Seryosong sambit ni Andrew. Natigilan naman si Xylene at gulat na napabaling ng tingin kay Andrew na nasa gilid ko.

"Are you cheating on me, Andrew?" Maluha luhang tanong ni Xylene.

Gulat naman akong napatingin kay Andrew. Sila pa pala? E, anong ibig sabihin ng pagconfess niya sakin? Lokohan? May girlfriend pa siya tapos sasabihan niya akong gusto niya ako?

Lumayo ako sa pagkakahawak sakin ni Andrew kaya nagkatinginan kami ng ilang segundo bago ako tumalikod sakanila at mabilis na tumakbo palayo.

Narinig ko pang tinawag ako ni Andrew na hindi ko pinansin.

My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora