"Si Captain America lang kilala ko. Kayo nalang!" kj masyado?

"Oy! Walang iwanan dito! Manonood ka! Kilalanin mo na lahat ng heroes!" sigaw ni unnie kaya pinagtinginan kami. Wow.

"Oo nga! Outdated ka na, gurang!" pang aasar ko at tumakbo na para makapila agad.

"SINONG GURANG!?" rinig ko sa likuran ko. Atleast, mission accomplished! Napasama ko siya!

"Akin na mga bayad niyo!" paghingi ko ng mga bayad nila habang nasa pila pa ko.

"Libre niyo ko, ayaw ko naman talaga dito, pinipilit niyo lang ako!" ay wow!

"Unnie! May number ka ni Kendrixx---" naputol ang sasabihin ko nang bigla akong abutan ng 1k ni Ari.

"Ito naman, joke lang. Gusto ko kayang manood niyan, atsaka, libre ko na kayo. Mabait kaya ako. Bilisan niyo na!" pagmamadali niya. Ayaw talagang makita si Kendrixx eh?

"Libre mo na din popcorn and drinks?" nakangising tanong ni Airy unnie sakanya.

"Ano kayo? Sineswer---" naputol na naman ang sasabihin niya nang biglang nagsalita si Airy unnie.

"Ito na number ni---" naputol din ang sasabihin ni unnie nang biglang kumaripas ng takbo si Ari para bumili ng popcorn.

"...Angel, bago. Diba kailangan mo toh kanina pa?" pagtutuloy ni unnie sa sinasabi niya habang tumatawa.

"Di kasi pinapatapos yung mga sasabihin eh! HAHAHAHAHA. Thank you, unnie." pagtawa ko naman.

Saktong pagkabili ko ng tickets ay dumating na si Ari with 3 popcorns in her hands at 3 small drinks. Jusq, sineryoso nga!

"Happy?" ansama ng tingin niya sa amin.

"Super!" sigaw naman namin ni unnie at kinuha na sa mga kamay niya yung kanya kanya naming popcorns and drinks. After nun, pumasok na kami sa Cinema.

-After 2 and a half hours-

"Huhuhuhuhu! Bakit kailangang mamatay ni Black Widow!? Soul for a Soul!? T*ng*n* ako nalang sana tumalon dun! Tapos si Nebula! Bwisit na Nebula ng past yan! Kampi pa sa bwisit na tatay niya, ampangit naman! Kainis ka Thanos, namatay si Iron Man dahil sayo pisti! I LOVE AVENGERS 3000! BAKIT ENDING NA!?" pagdadrama ko.

"Sayang yung pera ko, di ko na enjoy. ML lang sapat na." Ari said while frowning.

"Kasalan namin na di ka nag enjoy?" sarkastikong tanong ni unnie.

"Oo, pinilit niyo ko diba?" ansama ng tingin niya sa amin.

"Oyy! Tili ka nga ng tili kay Captain America tas sasabihin mong di ka nag enjoy? Heck, kahit nga si Iron Man eh, di mo pinalampas." taas kilay na pahayag ni unnie.

"Pero ang wafuuu din ni Doctor Strange oh gawd. Lalabs ko si Captain America pero si Doctor Strange... Arghhh!" kinikilig ako mygawdd. Ang wafu kasi talaga ni Doctor Strange.

"Pangit naman nun!" pagbelat niya sakin sabay takbo.

Bwisit na babae yun ah!

"Itext mo nalang yang si Ari, uwi na tayo, nagtatatakbo kasi ang loko. Baka hinahanap na ko eh. Hindi ako nakapag paalam ng maayos." utos sa akin ni Unnie.

Pretty Ari ♡

Teh! Wer na u? Uwi
na daw tayo sabi ni
unnie. Baka daw
hinahanap na siya.

𝓗𝓸𝔀 𝓽𝓸  𝐋𝐎𝐕𝐄 𝔂𝓸𝓾 𝐁𝐀𝐂𝐊?Where stories live. Discover now