"Titigil"
"Hindi titigil"
Andito ako ngayon sa paborito kong lugar (garden),Habang nakaupo sa bench at pinapanood ang city light,damang dama ko ang mga luha sa aking mga mata na walang balak tumigil.
Flashback
"Sorry anak" Sinisikap ko na pigilan ang umaagos na dugo sa dibdib ng aking ina.
"Ma!" Sigaw ko habang pinipilit na hindi s'ya makatulog dahil pag nangyari yun mamamatay sya.Hindi ko maiwasan na ilibot ang aking paningin at hanapin kung sino ang bumaril kay mama.
*Cough*cough*
"Ang papa mo-" Ngumiti ito sa akin bago niya marahang ipinikit ang mga mata at ang pag tigil ng kanyang paghinga.
"Maaaaa!!!!!" Niyugyug ko siya ng ilang beses umaasa na magising ito,ngunit para bang walang ni isa ang may balak na tumulong sa amin dahil anak ako ng isang killer.Nakatingin lang sila sa amin na may mapang husgang tingin.
End of flashback
Huminga ako ng malalim at patuloy na iniisip kung bakit ganito ang mga tao sa amin,alam namin ni mama na hindi yun magagawa ni papa ngunit hindi na iyon napatunayan dahil namatay din si papa na hindi man lang napaglalaban ang sarili niya.
Nanatali siyang mamamatay tao sa paningin ng maraming tao.
Tumingala ako at tinitigan ang mga bituwin sa langit.
"Mama at papa masaya na po ako na magkasama na kayo dyan" Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata . "Pero bakit nyo naman ako iniwan,ang daya daya nyo!" Lalong bumuhos ang aking mga luha na kanina pa walang tigil.
Wala na akong magagawa kundi lumisan sa lugar na ito at maghanap ng trabaho.
Someone POV
Habang tinitignan ko ang sinasabing anak ng isang killer na umiiyak,hindi ko maiwasan na malungkot hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang tunay na katotohanan.
Bilang isang pulis kailangan kong sabihin ang katotohanan pero ang ina na niya ang nagmakaawa sa akin na wag sabihin.Iniwan ko ang sobre na naglalaman ng pera at bag na puro pagkain ang laman,nag iwan din ako ng sulat na kung saan makikita niya pag umalis siya doon sa lugar na kinauupuan nya.
"Ito lang ang tulong na magagawa ko sayo aubrey,patawad." Kasabay ng mga huli kong salita ay nilisan ko na ang lugar na iyon.
*******
Aubrey POV
10:30 pm
Habang tinitignan ko ang sobre na naglalaman ng pera hindi ko maiwasan na magtaka kung kanino galing iyon.
Nasa bus na ako at nakita ko sa loob ng bag ang sulat na para sa akin.
Unang una ako nga pala ang kaibigan ng mama at papa mo,yang Pera at Pagkain lang ang maitutulong ko sa ngayon.Patawad sa lahat ng mga nangyari sa pamilya mo at hindi ko nagawa na tulungan kayo,pangako bibigyan ko ng katarungan ang pagkamatay nila at ang katotohanan ay malalaman mo din.Patawad muli Aubrey.
Pagtapos ko iyon mabasa ay tumulo nanaman ang mga luha ko,sa pag kakataon na ito lalo akong naguluhan sa mga nangyayari.Katotohanan?
*****
"Ale may bakante pa po ba sa inyo?"
"Hay nako mga bata nga naman oh,hindi mo ba alam na masama ang maglayas ineng?nako hala sige umuwi kana hindi kita papatirahin dito ipakulong pa ako ng mga magulang mo pag nalaman nilang pinayagan kita na tumira dito!!" Sabay tulak nya sa akin.
"Pero ale patay na po ang mga magulang ko,wala na po akong matitirahan"
"Nako bata ka laos na yan alis!" Sa sobrang lakas ng pagkatulak niya sa akin napadapa ako at isinarado na niya ang gate.
"P-pero" Huling sabi ko.Alam kong pag nagpaliwanag pa ako ay wala rin saysay,masyado akong mahina para lumaban.
Umalis na ako at nag hanap ng iba pang mauupahan na mura,ngunit imposible rin akong makahanap sa sitwasyon na ito dahil gabi na.
"Bata tara dito" Hindi ko pinansin ang mga lalaking naglalasing at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
"Sabing tara dito eh!" Sabi ng isang lalaki na malaki ang katawan at mabalbas.
"Bitawan nyo po ako mister" Sabi ko habang pumipiglas sa pagkakahawak niya sa aking braso.
"Aba lumalaban ka pa ah"
Napaubo ako ng makaramdam ako ng suntok sa tiyan.
"Mister Pakiusap" Sabi ko habang umiiyak at pumipiglas parin,mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking braso dahilan para makita ko na namumula na ito.
"Hoy!" Sigaw ng isang barangay tanod sa amin.
Nakahanap ako ng pagkakataon na sipain ang paa niya at nabitawan naman niya ang braso ko,doon na ako nag umpisang tumakbo.
Habang patuloy na umaagos ang luha sa aking mga mata,dama ko ang sakit ng aking tiyan dahil sa suntok na aking natamo.Natigilan ako sa pagtakbo ng makita ko ang kotse na paparating sa kinaroroonan ko.
Gusto ko man itong takasan ngunit para bang huli na ang lahat,doon ko naramdaman ang sakit ng braso ko at ang aking mga paa na sugat sugat dahil sa pagtakbo.Lumalabo na din ang paningin ko at unti uniting binabalot ng kadiliman,hanggang sa lahat ng inipon ko na lakas ay nawala.Hindi ko pa man din nararamdaman ang pagtama ng aking katawan sa kotse ay bumagsak na ako sa kalsada.
Huli na ba ang lahat para sa akin?mama at papa magkikita na ba tayo?
--------
YOU ARE READING
Her Sorrow (OnGoing)
Mystery / Thriller"Mahal ka" "Hindi ka mahal" Mga salita na sa bawat pagkumpas ng iyong bibig maaring may kahulugan sa oras na tumigil ka maari kang iwan. Sa kwento na ito masasalamin ang paghihirap, kalungkutan at kasakiman. I'm Aubrey vess Evonar and this is my sto...
