'Yun lang naman pala. Akala ko kung ano na.
"Cute," napatingin naman kami kung sino ang nagsalita.
Pati si Yojan ay gulat ring napatingin. Si Melina, na parang kilig na kilig pa habang na kay Yojan ang kaniyang mga mata. Nang mapansin niyang nakatingin kami sa kaniya, namilog ang kaniyang mga mata dahil sa hiya.
"K−k−ko. Ang cute ko! Bakit?" palusot niya.
Siniringan niya rin kami saka muling binaling ang tingin sa harap. Nangangamoy.
Parang matatawa naman si Professor Slouch sa kaniyang inasal. Bumungisngis rin sina Nero, Percival at Luca at tinukso pa si Melina. Melina just rolled her eyes.
Parang wala namang pakielam si Yojan sa reaksyon ng mga kasamahan namin dahil tahimik lamang siyang umupo habang nakatingin sa direksiyon ni Professor Slouch.
"Thank you Mister Darke," sabi ni Professor Slouch na medyo natatawa. "So last, for you Mister Scamander?" ako naman ang tinanong ni Professor Slouch.
Mabagal akong tumayo, nag-iisip kung ano ang isasagot ko. Sasabihin ko ba kung ano ang pinaniniwalaan ko sa lahat?
"None of the three," seryoso kong sagot.
"And what do you mean by that?" mabagal na pagtanong sa akin ni Professor Slouch habang naninigkit pa ang dalawang mata.
"Because I believe in another theory," napatingin naman silang lahat sa akin. Nagtataka. Lalong-lalo na si Vitani. Parang babalatan na niya ako nang buhay. Nagbabasakaling may makuhang sagot sa loob at laman ko. That thought is a bit creepy.
"Another theory? There's another theory about the origin of magic?" mas lalong naningkit ang mga mata ni Professor Slouch.
"The Wisest Theory," Ayaw ko mang sabihin dahil alam kong paghihinalaan na naman ako ni Vitani pero gusto ko pa ring iparating sa kanila kung ano ang sinasabi ng The Wisest Theory.
"And what does The Wisest Theory states?" pati si Professor Slouch ay nawiwirduhan sa mga pinagsasabi ko.
Nakatuon lamang ang mga mata nila sa akin. Hinihintay na magsalita ako. Napansin ko rin na hindi sila pumipikit sa kahihintay.
"The Wisest Theory states that..." pambibitin ko sa kanila.
Tiningnan ko sila isa-isa. Kumunot naman ang mga noo nila samantalang tumaas naman ang kaliwang kilay ni Vitani.
Sasagot na sana ako nang biglang tumunog ang kampana. Ayon sa patakaran dito, kapag tumunog ang kampana, ibig sabihin ay kailangan na naming lumipat sa susunod naming klase.
"Okay. Let's just end here. We'll continue all of this tomorrow. Masyado kayong late kaya mabilis naubos ang oras natin. Good bye Reapers. See you around," pamamaalam ni Professor Slouch saka lumabas ng silid.
Nanatili naman akong nakatayo.
"Drape," tawag naman sa akin ni Melina at napatingin din ako sa kaniya. "Ano na ang The Wisest Theory?"
"Tomorrow," sabi ko at inalis ang paningin sa kaniya.
Nahagip naman ng aking mata na nakatingin pa rin sa akin si Vitani. Binigyan ko lang siya ng tingin na parang nagtatanong ng "ano" at saka binaling na lang ang paningin sa bag ko. Kinuha ko ito at sinuot saka naunang lumabas.
Nauna na rin akong naglakad papunta sa susunod na klase. Ngayon alam kong hindi ako tatantanan ng mga kasama ko sa pagtanong tungkol sa theory na sinabi ko. Pero hindi naman ganun ka-big deal ang sinasabi ng The Wisest Theory.
Naging mabilis ang paghakbang ko sa pasilyo ng kastilyo nang biglang may sumabay sa aking paglalakad. Si Vitani. Nagulat man ay hindi ko ito pinahalata sa kaniya. At alam kong naguguluhan na naman 'to sa akin. Sa tingin ko nga iniimbestigahan na ako nito.
"I never heard about that Theory. Nobody did, except you," seryoso niyang sabi sa akin. Diretso lamang ang kaniyang mga mata sa daan habang naglalakad. Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.
Tiningnan ko muna siya nang matagal bago ako sumagot. "And what are you trying to say?" tanong ko naman.
"You're slowly getting into my nerves Scamander," sabi niya pa sa akin sabay tingin ng kaniyang naniningkit pang mga mata.
This is the first time she called me by my surname. Napapatingin na rin sa amin ang mga taong nakakasalubong namin dito sa hallway. Binilisan ko pa ang paglalakad upang sana iwasan siya ngunit binibilisan niya rin upang makasabay sa'kin.
Maybe I need to give her a hint that will lead her to a too-good-to-be-true conclusion. "Scamander?" sabi pa niya na parang napagtanto niya na ganun ang apelyido ko. "Where did you get that surname?" tanong na naman niya.
"From my foster dad," sagot ko nang diretso.
Napansin kong medyo nagulat siya sa sinagot ko.
"Foster dad? Ampon ka lang pala," pang-iinsulto niya sa'kin ngunit hindi naman ako nasaktan.
Bumalik na ang kaniyang mga mata sa daan.
"Sino ka ba? Bakit wala kang tunay na pamilya?" sunod pa niyang tanong.
Nagpatuloy lamang kami sa paglalakad.
"And who do you think you are? You don't have the right to meddle with my personal life!" singhal ko sa kaniya.
"Stop pretending. Makikilala ko rin kung sino ka," huli niyang sinabi saka tumingin nang seryoso sa akin at naunang umalis.
***
AUTHOR'S NOTE: YOU ARE ALL FREE TO COMMENT DOWN YOUR THOUGHTS, THEORIES, AND CONCLUSIONS REGARDING THE STORY GUYS. DON'T ALSO FORGET TO VOTE AND TO FOLLOW ME.
THANK YOU FOR READING THIS STORY.
A BLESSED EASTER SUNDAY TO EACH AND EVERYONE OF YOU.
P.S. FOR THOSE WHO ARE CONFUSED, DRAPE IS A GUY.
AND GUYS I TOLD YOU NA DALAWANG CHAPTERS NGAYON ANG IPOPOST KO. BUT SOMETHING HAPPENED, NABURA PO ANG DRAFT KO PARA SA CHAPTER NINE KANINA LANG. HINDI KO PO PWEDENG MA-UNDO SO WALA AKONG CHOICE KUNDI ANG CHAPTER 8 NA LANG MUNA.
BUKAS KO NA LANG IPOPOST ANG CHAPTER. MARAMING SALAMAT AT PASENSYA NA RIN. HOPE YOU WILL UNDERSTAND.
YOU ARE READING
He Who Must Not Lie
Fantasy"Liars go to hell." Almost every living person believes in this notion - but not Drape Scamander. He didn't have a normal childhood because at the age of ten, he already experienced hell even without muttering a single lie. As he entered Grim Academ...
Chapter 8: Class in Magic History
Start from the beginning
