Simula

71 12 8
                                    

Simula

"Psst! Hoy!" Habang naglalakad ako papuntang classroom ay may narinig akong sigaw.

"Hoy! Hoy! Lumingon ka nga tinatawag kita!" sigaw ng isang babae.

Sino ba kasi yang sigaw ng sigaw nayan? Bakit hindi niya na lang lapitan. Andaming taong naglalakad eh, hindi niya ba alam na ang lakas ng boses niya. Panira ng araw talaga.

"Ano bayan?! Hindi ka lilingon?" muli niyang sigaw. Napakatinis ng boses, ang sakit sa tainga!

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi na lang iyon pinansin. Tumingin ako sa aking wristwatch at napansing may ilang minuto na lang ako bago ako mahuli sa klase. Dapat hindi nalang ako naglakad papunta rito, nagmamarunong kapa kasi tch.

Nilingon ko ang paligid na puno ng mga nagtatakbuhang estudyante at ang kanilang maiingay na sapatos. Ang classroom ko ay nasa 3rd floor pa ng building, ang pinaka tuktok, napakalayo. Dumeretso ako sa hagdan at ilang hakbang palang ay hiningal na kaagad ako. Bat ba kasi ang taba ko?

Nagpatuloy ako sa pag-akyat hanggang sa makarating ako sa pinakataas. Hindi pa nangangalahati ang araw na ito at tagatak na ako ng pawis. Naglakad ako sa hallway hanggang sa makarating ako sa classroom naming. A8... A8...

Aha! Pumasok na ako at nilingon kung nandito na ang aming adviser. Mukhang wala pa at nag-iingay pa ang ilan kong mga kaklase. Umupo ako sa front row, kung nasaan ang upuan ko. Malas ako at napunta ako rito, kailangan kong making palagi dahil panigurado, kaming mga estudyanteng nasa unahan ang tatawagin tuwing may recitation. Tuwing gusto kong kumain tinitiis ko na lang at baka mapansin ako. Ganoon din kapag inaantok ako, hindi ko magawang ipikit ng saglit ang mga ito dahil nga, nasa harapan ako. Ang magaling pa doon ay nasa gitna rin ako. Ang malas ko talaga!

Ngunit, dahil wala pa ang aming adviser at may kaunting oras pa kami bago magsimula ang klase, napagdesisyonan kong umidlip muna. Gigisingin naman siguro ako ng mga katabi ko diba?

Nang ipipikit ko na ang aking mata ay bigla akong nagulat sa pagbukas ng pintuan, napangiwi ako sa inis. Akala ko naman si ma'am. Hindi ko iyon pinansin nang makita kong si Arin lang pala iyon. Ipipikit ko na sana muli ang aking mata ngunit niyugyog ni Arin ang aking balikat.

"Krissa!" tugon niya

"Krissa! Ano ba gumising ka!" Hindi niya parin ako tinitigilan tsk.

"Hoy! Anuba! May sasabihin ako sayo! Kanina pa kita tinatawag sa baba, hindi moko pinapansin? Artista ka girl?" Ah, ako pala yung tinatawag ng babae kanina?

"ano bayan! Bahala ka paakyat na si ma'am!" tinigil niya ang panggulo saakin at pumunta sa kanyang upuan, sa likod ko.

Gumising na ako at inayos ang sarili, tinignan ko ang aming schedule na nakalagay sa aking ID. Madalas ko kasing nakakalimutan ang mga subjects kaya kailangan kong tignan pa ito. Kahit na magtatatlong buwan na kaming nag-aaral dito. Paano kaya nila natatandaan ang schedule? Galing naman, magic?

"Hala guys! May quiz pala tayo sa Science ngayon! Nag-review ba kayo?" malakas na sigaw ng aming Presidente. Ayun, nagkagulo yung classroom. Parang mga hayop na nakalabas sa kulungan.

"Omygosh sis! Nagreview kaba? I totally forgot! Oh no, what should I do?!" naramdaman ko ang malakas na paghampas ng kamay ni Arin sa aking balikat. Napangiwi ako sa sakit. Napalingon ako sakanyang mukhang nababaliw na. Natatawa tuloy ako.

Hala siya, hindi siya nag-review... 50 items pa naman ata yun at Science pa! Alam niya naman kung paano magpa-exam si Ma'am eh.

"Huy! Bat ka tumatawa?! Tulungan moko huy!" natatawa ako sa itsura niya, kaunti nalang at maiiyak na siya.

"Nagreview kasi ako... minessage na kita kahapon na may quiz ah? Sineen mo pa nga eh.." ani ko

"Edi paano na 'to? Bagsak ako?" aniya. Hindi ba obvious? Duh!

"Kapag hindi ka nag-aral at nag-exam ka ano sa tingin moa ng mangyayari?" tanong ko sakanya.

"Ahm... babagsak... ako?" turo niya ang sarili.

"Oh? Alam mo naman pala eh, bat kapa nagtatanong?" ani ko habang tumatawa.

Tumigil na lamang ang ingay nang pumasok na si ma'am sa loob. Biglang nagbago ang atmosphere ng classroom, parang lumamig. Entrance palang ni ma'am ramdam ko na kaagad yung kaba ng mga kaklase ko. Napangisi ako sa aking iniisip. Hindi ako kinakabahan, nag-aral ako eh, alam kong mapeperfect ko yan.

"Start answering"

"Ilan nasagutan mo?" ani Arin

"Lahat, Ikaw?" ani ko

"3 hahaha!" hindi ko alam kung bakit natutuwa pa siya kahit na tatlo lang nasagutan niya. Kung ako 'yon, maiiyak na lang ako. Buti nga natapos na at masyado itong madali para saakin, oo madali.

"Grabe, ang hirap!" sabi niya habang kinakain ang sandwich na binili niya sa canteen.

"Mabuti nga at recess pagkatapos kundi mahihimatay na talaga ako" dagdag niya

"Ayos lang naman yung exam, of course If you reviewed" I chuckled

"Eh hindi ako nagreview" tugon niya at tumawa.

Sa totoo lang, pati ako nahirapan, pero hindi ko iyon papahalatain dahil gusto ko maging cool. Minadali ko nga lang ang pag-aaral dahil ako nakalimutan ko rin, kahit na pinaalala ko si Arin parehas kami nakalimot.

"Ah siya nga pala, may sasabihin ako sa'yo" aniya at tumingin saakin.

Napatigil ako sa pag-kain at inilapat ang buong atensyon sa kanya.

"Ano 'yon?" ani ko

"Kanina ko pa to kinukulit sa'yo pero ayaw moko pansinin eh, pilitin moko!" pag-iinarte niya

"Ayoko" nagulat siya sa sinabi ko. Akala niya siguro pipilitin ko siya? Hindi ko iyon gagawin lalo na't masyado akong maganda para doon.

"Dali na"

"A-yo-ko"

"Luh! Please"

"No"

"Please?"

"No"

Saglit siyang tumigil at bumuntong hininga. Sumuko na ata

"Sige, sasabihin ko na" Bago siya magsalita ay may kinuha siyang envelope galing sa bulsa ng kanyang palda.

"Napulot ko ito kanina... sa harap ng school gate..." aniya at binigay ang envelope saakin. Isa itong kulay pastel purple na may maliit na bulaklak na nakadikit sa wax seal sa may bukasan. Tinalikod ko ang envelope ngunit walang indikayson kung kanino man ito at kung saan galing.

Tinignan ko si Arin na nakatitig sa envelope. Bubuksan ko ba ito? Bakit niya pinulot kung hindi naman ito sakanya?

"Bakit mo bibigay saakin eh hindi mo rin naman pala alam kung kanino, malay mo bomba pala ito?" ani ko

"Buksan nalang natin" aniya

Namilog ang aking mata ng makitang letra ang laman nito. Binuklat ko ang papel at ipinakita kay Arin. Nagulat din ata siya dahil nanlaki ang kanyang mga mata.

"Ah, ikaw nalang kaya ang magbasa?" bakas ang pilit na ngiti sa kanyang mukha. Tumango ako at nagsimulang magbasa.

To my dearest friend, Krissa Veltariego,

I have written this letter to thoroughly express my feelings towards you. As you know, we have been friends ever since we were born. Although, not in my case. I see you as my future wife, whom I will marry and build a family with. Every time I see you, I just can't help but feel my heart flutter. I have a lot of things in mind, a lot of words and sentences I want to put. But I'll just shorten it out, I'll summarize my feelings in three words. I think you know what these are.

I Like you.

Iori dela Marco

Blues and RosesWhere stories live. Discover now