Kabanata 2

81 11 2
                                    

Kabanata 2

"We're here!" masiyang sigaw ni Arin. Sa sobrang lakas, napalingon ang mga ilang staff na nasa lobby.

Buti si Tito Rowell Enriquez, Papa ni Arin, ang may-ari neto, kung hindi, baka palabasin 'tong si kasama ko.

Tumingin siya saakin at hinawakan ng mahigpit ang aking braso. Napaka-ganda ng hotel nila, kapag pumunta ka rito, feeling mo artista kana. Mala-fairytale ang datingan eh! Suwabe!

Tiningala ko ang mataas na glass roof at nakita ko ang mga napakagandang mga bituin. A smile crept on my face.

"Nagniningning ang mata mo, iniimagine mo siguro si Iori" humalakhak siya ngunit umiling ako.

"Awts, baka si Ken naman yan? Pogi insan ko bes, maganda lahi naming mga Enriquez" I unconsciously nodded at tumingin kay Ken na papasok ng lobby. 

Mukhang nagpalit siya dahil iba na ang suot niya ngayon. Bilis naman, speed lang? Naka-tuxedo si kuya! Gwapo! Pagpasok niya palang may pagka-Prince Charming vibes na kaagad eh. Para siyang member ng Boys Over Flowers, tapos may tumutugtog na background music. Kung pwede ko lang siya videohan, ginawa ko na!

"Oo?! Crush mo pinsan ko? Seryoso ka? Akala ko ba loyal ka kay Iori?!" gulat niyang tugon. Namilog ang mata ko nang mapagtanto ko na tumango ako sa tanong niya! Nako hindi!

"Hehe, alam ko naman yan, kanina ko pa nga napapansin yang moves mo sa kotse eh" tukso niya at tinusok-tusok ang aking bewang.

Umiling ako at pinakita ang dalawang palad para ipakita na hindi iyon totoo. Ngunit inapir niya lang iyon at saka tumawa nang parang balyena.

"Hindi! Ano ka ba! Hindi 'no! Hindi ko crush pinsan mo! Kadiri ka! Iori lang ako! Iori! Loyal ako!" depensa ko, ngunit sa kasamaang palad, 'di kalayuan saamin ay nakita ko si Ken na nakapameywang habang nakangisi! Shit lang! Narinig niya 'yon? Arin naman eh!

Nilingon ko si Arin na nagpupunas ng luha at nagpapaypay gamit ang kamay. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko ay sinuntok ko nalang sa tiyan si Arin para patigilan siya. Napaupo siya sa sakit at ngumuso.

"Ano ba, pinsan mo nakatingin! Hayop ka!" bulong ko sakanya. Tumayo siya at binilog ang kanyang bibig. Mukhang hindi siya mapakaniwala na nakatayo sa harap namin yung pinsan niya. Pero dahil si Arin yan ay hindi siya tumigil, mas lalo pa siyang tumawa at pinuntahan ang pinsan. Bumulong siya sa tenga niya at bumaba nang kaunti si Ken upang marinig siya. Ano binubulong mo diyan? Bruha ka!

Isinawalang bahala ko nalang iyon at naunang tumungo papunta sa aming hotel room. Doon kami aayusan ng aming mga stylist. Sosyal, stylist. Iniwanan ko na silang dalawa, dahil naiinis ako at natalo nanaman ako sa mga asar niya.

Bumukas na ang elevator at nakita ko si kuya Jun, ang isa sa mga janitor ng hotel, at isa sa mga tropa ko rito. Kinawayan ko siya at masaya kong binati.

"Good evening kuya! Pogi natin ngayon ah?" tumawa ako at pumasok na sa loob.

"Good pm den sayo! Blooming ka ngayon ah?" Tumawa ako ng malakas at pinindot ang '12', kung saan nandoon ang aming room. Sumara na ang elevator doors.

"Nako, kuya, alam ko yan, matagal na!" nagtawanan kaming dalawa.

"Oh si Arin asaan na?" aniya

"Bayaan mo 'yun kuya, di ko kilala yun!" ngumisi ako at nilabas ang aking phone mula sa aking bag.

Pumunta ako sa camera at pinindot ang selfie. Pumwesto ako at inayos ang sarili. Click! Tinignan ko si kuya at niyayang sumama sa aking picture, ngunit, umiling siya. Kaya naman hinila ko si kuya at kinuhanan ng magandang picture!

Blues and RosesWhere stories live. Discover now