Kabanata 1

86 13 10
                                    

Kabanata 1

"Really? I don't recall writing a letter for you" ani Iori habang kinakamot ang batok

"Eh bakit nakalagay yung pangalan mo kung ganoon?" ani ko

"That, I don't know" aniya

Medyo kumirot ang puso ko sa sinabi niya, sayang! Akala ko pa naman may pag-asa na ako. Mukhang hindi pa ako nakaka-move on ah.

"Tss, ang lokong iyon! Hindi daw siya nagsulat? Kapareho nga ng sulat-kamay niya eh! Halika samahan mo ako at susugurin natin siya!" Malakas niyang hinampas ang lamesa sa canteen. Akmang tatayo na siya ay hinawakan ko sa braso si Arin para pigilan. Bakas sa kanyang mukha ang inis at galit, hindi ko na mapipigilan yun, kaibigan din kasi namin si Iori.

"Tahan na, naiinis din ako sakanya 'no." sabi ko habang pinapakalma siya.

Aaminin ko na gusto ko siya, actually matagal-tagal na. Siguro dahil matagal na kaming magkaibigan at nasanay na akong palagi siyang kasama. Pero siyempre, secret ko lang yun. Char, si Arin lang nakakaalam, pero secret pa ba ang tawag dun?

"Gusto ko rin siya pero sis, grabe naman ata yun!" aniya

May gusto rin si Arin kay Iori, siguro last year lang nagsimula...hindi ko matandaan. Basta, nagsimula siyang magkagusto kay Iori nang maging magkaclub sila. Instruments ata yun, nakalimutan ko na.

Kaming tatlo, simula bata ay magkakaibigan na, kapatid ang turing naming sa isa't-isa. Pero hindi kapatid ang turing ko kay Iori, si Arin ang unang nakaalam. Sabi niya saakin noon ay ayos lang at susuportahan niya ako.

Akala ko nga hindi magkakagusto iyong si Arin sakanya dahil kaibigan lang talaga pero bumigay din pala. Ayos lang naman saming dalawa na may pareho kaming gusto kay Iori, tutal crush lang naman iyon at wala nang iba pa. Hindi ba pang inspirasyon lang ang paghanga? I mean, sa ganitong edad, masasabi kong inspirasyon lang yun. Highschool pa lang naman kami eh.

"Umuwi na nga tayo, ma-" Naputol ang kanyang sasabihin nang magring ang kanyang cellphone. Sinenyasan kong sagutin niya iyon at hihintayin ko na lamang siya.

Kinuha ko muna ang aking cellphone sa bag at nag-iscroll sa aking social media. Drawing at painting ang makikita sa aking account. Hilig ko kasi ang arts, at balak kong maging arkitekto sa susunod. At dahil matagal pa bago matapos si Arin sa kanyang kinakausap ay napagdesisyonan ko munang manuod ng painting tutorials.

"Yes Tita, sabay po kaming uuwi ngayon" narinig kong bumuntong hininga si Arin pagkatapos ibaba ang tawag

Pumunta siya sa aking gawi at ngumuso.

"Bat?" ani ko

"May pupuntahan tayong event, sabi ng mama mo" aniya at umupo uli.

"Event? Anong event?"

"Ewan ko, basta event"

"Details?"

"Magsusuot daw kamo ng gowns, tapos makikipag-sayaw, tapos makikipag-kamay, tapos ma-"

"Okay, okay I get it. Sino nagpasimuno?" putol ko

"Si mama" matamlay niyang tugon

"No offense ha, pero si Tita, ang daming kemeru you know? Daming event palagi, prinsesa ba tayo?"

Minsan na akong nainis sa mga event nayan. Tuwing may event sina Mommy and Tita ay kailangan imbitado kami palagi. Magbestfriend daw kasi sila, Alam naming yun simula pagkabata namin pero anong connect ng pag-attend ng event? Eh ang ginagawa lang naman nila ay pinagyayabang kami ni Arin sa mga anak ng kanilang bisita. Ni minsan ay kaming dalawa mismo ang nag-host ng event dahil tinatamad daw sina Mommy.

Blues and RosesWhere stories live. Discover now