He Lied in April

2 1 0
                                    


◾◾◾◾


Lahat naman siguro ng mag kakaibigan pangarap magkaroon ng sama samang paglalakbay. Yung tipong pupunta kayo sa malayong lugar para gumawa ng maraming alaala. Alaalang dadalhin sa usad ng panahon. Kaya nga lang, may mga pangyayaring hindi maiiwasan.

Nakatingin lang ako sa kaniya. Kaharap sa upuan ng aming sinasakyan. Ano kayang na sa isip niya?

Sinubukan kong hulihin ang kanyang tingin. Nang magtama ang aming mata,bigla akong nahiya, naramdaman kong biglang uminit ang aking magkabilang pisngi. Shemay nakakahiya, baka isipin niyang tinititigan ko sya.

Siguro kung may tapang lang akong labanan ang tingin niya ay magkakaroon ng pag-asa.

Nasa dalawampu kaming nasa sasakyan, ang katabi ko sa kanan ay ang bakla sa tropa,Isa sa mga may alam ng aking lihim. Sa tapat naman niya ay ang kursunada niyang tropa din namin. Kaso lang may syota na. Sa tingin ko bagay pa naman silang dalawa, mabait tong si beks pero parang walang pag-asa gaya ko. Hindi talaga patas ang mundo para sa gaya niya. Kawawang bakla.

Sa kaliwa ko naman ay ang babaeng palaban sa tropa, isa din sa nakakaalam ng sikreto ko. Inaasar nga ako.

Napatingin ulit ako sa aking harapan. Ang semi kalbo niyang buhok na bumagay sa kanyang mukha, ang tangos ng ilong, ang labing namumula, bakit ko kaya siya nagustuhan?

Naalala ko tuloy ang nangyare nitong nakalipas na dalawang araw...

Kakakarating lang namin sa probinsya na isa sa aming tropa. Siguro mga alasonse na ng gabi. Napagusapn kasi namin na sa malayong lugar mag samasama para mas matagal maalala.

Sobrang saya dahil nakasama ako. Kaya nga lang pagkarating palang namin ay natulog ka agad ako kaya hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyare.

Kinabukasan ang busy ang aming tropa sa paghahanda dahil pupunta kaming dagat upang maligo.

Ako naman ay tumulong sa pagluluto, mula sa pag aasikaso ng lutuing manok,pati na din sa paggawa ng panghimagas.

Kung pwede lang lagyan ng pampainlab to ay ginawa ko na.

hindi rin naman nagtagal ay nakaalis na kami sa bahay. Siguro mga dalawampung minuto ay nakarating nakmi sa dagat. Sobrang nakakakaba at nakakaeksayt. Parang gusto ko ng tumalon sa dagat at damdamin ang alon nito.

Kaya lang, sobrang mahal ng bayad sa cottage. Pero oks lang daw. May tent at mga banig naman kaming dala.

Habang nagaayos kaming mga babaeng banig at ng mga dalang pagkain, ang mga lalake naman ay inaasikaso ang tent.

Napatingin ako sa kanya, ang pag galaw ng kanyang panga na simbolo ng pagkainis, siguro dahil sa mahirap itayo yung tent. Pero sa simpleng ganoon ay napapasaya niya nako. Tamang nakaw nga lang ng tingin.

Ang daming mga senaryong tumatakbo sa aking isipan na posibleng mangyare mamaya.

Hindi rin nagtagal ay nagsimula na kaming lumusong sa tubig. Sobrang saya. Malamig ang tubig dagat, kaya nga lang maalat.

Ginugul namin ang oras sa pagsasaya, dumaying ang gabi, unti-inting bumabaw ang dagat, himas kung tawagin, low tide sa englis.

Napagusapan ng grupo na maghamap ng mga lamng dagat tulad ng komang, alimangong maliliit. Sobrang saya.

Yung tipong hahabulin mo yung maliit na alimango tapos sobrang bilis non. Minsan may nakakatakas. Nakakaloka pag malaki na yung alimango, naninipit na.

Nakakatuwa pa dahil mukhang masaya si beks dahil nawala ang short ng katropa naming gusto niya. Tuwang tuwa.

Ako naman ay pasulyap sulyap lang sa kaniya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He Lied in April. Where stories live. Discover now