Next Chapter

51 0 0
                                    

[Riel's POV]

Sa wakas ay napapayag ko din si Aiene na puntahan si Tita Marianella. Nasa ospital namin pinuntahan si tita dahil ito ang nagbabantay kay lola na hanggang ngayon ay nasa ICU pa din.

Nadatnan namin si tita Marianella at ang papa ni Aiene na nag-uusap sa hallway. Si tita ay umiiyak habang yakap siya ng papa ni Aiene. mukhang sa itsura ng mga ito ay nagkaayos na ang mga ito.

"Tita..." tinawag ko si tita at tumingin naman agad ito sa amin ni Aiene.

dahan-dahang lumapit sa amin si Tita ngunit ang mga mata nito ay nakay Aiene lamang. umiiyak pa din ito hanggang ngayon.

"Aiene..." nakalapit na ito samin pero hindi sobrang lapit dahil mukhang nag-aalangan ito. "Pwede ba kitang mayakap?" tanong ni tita kay Aiene habang umiiyak.

tinignan ko si Aiene at pinisil ang palad nito na kanina ko pa hawak.

tumango si Aiene na ngayon ay umiiyak na din. niyakap na ito ni tita.

"I'm so sorry for not letting you explain evertyhing to me."-Aiene

"It's okay, honey... It's not your fault."

naghiwalay ang dalawa ng may mapansin silang nurse na lumabas sa ICU at tumatakbo na pumunta sa nurse station.

di nagtagal dumating din ang doktor ni Lola.

[Ralph's POV]

"Nagising na po ang pasyente at gusto po kayong makausap. Sa ngayon ay di pa sya dapat ma-stress pero mapilit talaga ang pasyente.. " sabi ng doktor.

tinanguan ko lang yung doktor at inalalayan si Marianella.

"M-mama..."-Marianella

inilahad ng matandang babae ang kamay nito na siya namna agad na hinawakan ni Marianella.

"M-marianella... P-patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko."

"M-mama...kalimutan na lang po natin yun. Wag na po kayo magsalita pa. Magpahinga na po muna kayo."

"Hindi. H-hindi ko na maaari pang patagalin ang pagsasabi nito sayo. H-Hindi ko alam kung mabubuhay pa ko bukas o sa susunod na araw..." sabi ng mama ni Marianella na halatang hirap dahil hinahabol pa nito ang hininga.

"Mama wag mong sabihin yan!"

"Limang taon na kaming kasal ng papa mo noon. Pero kahit kaylan ay hindi pa kami nagkakaroon ng anak.ng mga panahon na yun ay nagiging problema na namin yun na syang dahilan ng mga away namin---"

"Mama hindi ko po maintindihan kung bakit nyo sinasabi ito pero---"

"Hija... hayaan mo kong ipaliwanag sayo ito ng maayos."

pinagmasdan ko ang mag-ina na nag-uusap.

"Ng mga panahong ding yun ay nagkaroon ng relasyon ang papa mo sa kanyang sekretarya. Si Margaret..."

"Mama... alam ko na po ang tungkol sa kanila. Matagal na. Nakalimutan nyo na bang sumugod siya noon sa mansion. Sinasabi niyang isoli nyo ang nararapat na sa kanya. Pero hindi nyo ibinigay sa kanya si papa dahil alam nyong kayo ang legal na asawa at dahil mahal nyo si papa."

"H-hindi ang papa mo ang tinutukoy niya Marianella...kundi ikaw."

nabitawan bigla ni Marianella ang kamay ng donya at napaatras na para bang nawalan ng balanse.

nilapitan ko sya agad at inalalayan.

________________

Hello people! ngayon lang nag-update..pasensya na sa mga nagbabasa.. kung meron man..hahaha!pero binabasa to ng kapatid ko eh!ang bad pa mamatay na daw si Donya Estrella..hahahaha! eh ayun!nakakatamad kasi mag-update..nilalamig kasi ko eh..naninigas ung ano ko..ung ano...ung aking...sampong mga daliri..anyways sisibat na ko! Cheerio!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 02, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

This Old Heart Of Mine [My Campus Crush'Series]Where stories live. Discover now