Next Chapter

54 0 0
                                    

Sábado ngayon at tambak na naman ang assignments. May quiz pa! Oh my brain! Ganito ba talaga pag college?

Kalalabas ko nga lang pala ng kwarto na ipinagamit sakin ng mama ni Riel ng makasalubong ko ang isang maid.

“Miss Aiene mabuti naman at gising na kayo. Pinapasabi nga pala ni Riel na magbihis daw po kayo at may pupuntahan kayo.” Yun lang at umalis na ito.

Saan naman kaya kami pupunta ni Riel? Ang dami dami kong gagawin eh! Pero hindi naman ako pwedeng makitanggi. Eh nakakahiya naman kasi sila na nga nag-papaaral sakin saka pinapatira ako sa bahay nila eh tapos ako pa tong mag-iinarte eh magpapasama lang naman.

Pumasok na uli ako sa may kwarto ko at gumayak. Isang simpleng white te lang ang isinuot ko at kupas na jeans tapos sneakers. Mukha akong t-bird. Alam niyo yun? Yung ibon na shape T? hahaha ang sagwa! xDDDDDDD

Bumaba na ako at nakita kong nakaupo si Riel dun sa may sofa na may frame na gold. Alam niyo bang kinagat ko pa yun dati para lang matiyak kung tunay nag into yun? Hahaha! ang laking kahihiyan!

Tumayo na si Riel habang titig na titig sakin. Ako naman eh nagyuko ng tingin dahil nakakahiya. Hindi dahil sa nagandahan siguro sakin kundi dahil nakakunot ang noo nito at siguro ay napangitan sakin dahil sa suot ko. At tama nga ang huli kong naisip?

“Ano ba yang suot mo? Parang basahan.” Sabi ni Riel.

Basahan? Grabe naman to! Hindi ba nito alam na ang mahal ng pants ko na to? Levi’s kaya to! Kaso sa ukay-ukay ko lang nabili. Hehehe. Eh walang pera eh!

[Riel’s POV]

Napailing ako sa nakita kong itsura ng damit ni Aiene. Ganito ba talaga magdamit tong babae na to? Akala ko pa naman eh ganun lang ang suot nito dati dahil namatay ang mga magulang nito kaya nakaputi lagi at maong. Mali pala ako. Paano ko ito aayain kumain at maglibot sa labas kung magmumukha lang itong alalay ko? Ayoko ng ganun. Ang gusto makita nila kung gaano kaganda ang babaeng balak kong pormahan.

Pero ayos lang kaya yun? Kasi naman eh! Kamamatay lang ng parents nito.

“Pasensya na. ito lang kasi ang damit ko eh. Yung iba ganito din yung itsura.” Narinig kong sabi ni Aiene.

Tinalikuran ko na ito at sinabing: Let’s go!

Narinig ko namang naglakad din ito kasunod ko.

“Saan ba tayo pupunta?”-Aiene

“Wag ka na magtanong. Sumunod ka na lang.”

Sumakay na ko sa kotse ko. Ilang Segundo na din ang nakalipas pero hindi pad in sumasakay si Aiene kahit na kanina pa ito nakatayo sa labas ng passenger’s seat.

Ibinaba ko yung bintana.

“Ano pang ginagawa mo diyan? Sumakay ka na kaya?”-ako

“Eh kasi Riel…… paano ba buksan to?” nahihiyang tanong ni Aiene.

“Tsk!” ako na ang nagbukas ng pinto mula sa loob. Pataas kasi yung pagbukas ng pinto ng kotse ko.

“Astig talaga kayong mayayaman no?!”

“Regalo lang sakin to.”

“Totoo?! Ang mahal naman ng regalo n ato! Kung ako reregaluhan mas gusto ko ng bahay. Yun kasi ang pangarap namin nun nila nanay. Ang magkaroon ng sariling bahay. Pero hindi na nangyari yun.” Nilingon ko ito at nakita kong nangingilid na ang luha nito. Pero ng mapansin nitong nakatingin ako dito ay inilihis nito ang tingin nito.

“Tara na para maaga tayong makabalik. Marami pa kasi akong gagawin mamaya.”-Aiene

Kahit na gusto ko itong ikulong sa mga bisig ko at icomfort ay hindi ko na nagawa. Dahil sa tingin ko ay ayaw nitong malaman ng iba ang tunay na nararamdaman niya.

This Old Heart Of Mine [My Campus Crush'Series]Where stories live. Discover now