Next Chapter

44 0 0
                                    

Sa Tagaytay kami nakarating ni Riel. Sabi nito ay pag-aari daw ito ng kaibigan niyang si Kaz.

Habang nasa biyahe kanina ay ipinaliwanag nito sakin ang lahat lahat.

Na hindi nito ginusto na makipaghiwalay sakin at nakipaghiwalay lang ito dahil ayaw nitong masira ang kinabukasan ko.

Nung una ay ayokong maniwala. Pero ng tignan ko kung gaano kalungkot ang mga mata nito ay naniwala na ko.

“Anong gagawin natin Riel? Paano kung pagbalik natin ay tutulan pa din ng lola mo ang relasyon natin?”

“Ipaglalaban na kita ngayon Aiene. Kahit anong mangyari.” Iniharap ako nito dito at hinalikan sa noo.

“Magpakasal na kaya tayo? Para wala na silang magawa.”-Riel

“OA na masyado yan.”

“Seryoso ako.”

“Pero Riel…”

“Mahal kita Aiene.”

“mahal din nman kita… pero…”

“Kung mahal mo ko ay papayag kang magpakasal na tayo.”

“Pero Riel nag-aaral ka pa. Ako papasok pa ko ng Med---“ hndi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinalikan na ko nito sa mga labi.

Ang halik na yun ang nagbalik lahat ng masasayang alaala naming dalawa noon. Hanggang ngayon ay napakatamis pa din ng mga labi nito. Yun pa din ang labing nakakagulo sa sistema ko. Ang labing nagpaparamdam sakin kung gaano ako nito kamahal.

“Okay. Hihingin ko ang kamay mo sa papa mo. At ipapaalam natin sa lahat ang tungkol satin. Pero kahit anong mangyari ay magpapakasal tayo.”

”Riel… napakabilis ng mga nangyayari baka nabibigla ka lang at…”

“Aiene… napakatagal kong hinintay ang pagkakataon na ito at hindi ko na ito palalagpasin pa kahit kaylan. Mahal na mahal kita.”

“Mahal din kita. Pero sa tingin ko ay kaylangan na nating bumalik sa Manila.”

“Bukas na lang.”

“Pero…”

“Wag ka mag-alala. Basta bukas ay uuwi tayo.”

Inubos namin ni Riel ang oras namin sa pagkekwentuhan at di namin namalayan na gabi na pala.

“Tulog na tayo. Gabi na pala.”

“Oo nga eh.”

“Tabi tayo matulog Aiene.”

“Ano ka sineswerte?”

“Sige na please? Wala akong gagawing masama. Gusto lang talaga kitang makatabi at mayakap.”

“Sige na nga!”

[Riel’s POV]

Kinaumagahan ay antok na antok ako dahil hindi ako nakatulog kagabi dahil mas gusto kong panuodin matulog si Aiene.

Ng pabalik na kami sa Manila ay nagprisinta na si Aiene na ito na ang mag-drive dahil nahalata siguro nito na napuyat ako kagabi.

“Matulog ka na jan Riel. Para kapag dating natin ng Manila eh maipaglaban mo na ko sa Lola mo.”

“Ayoko matulog. Mas gusto kong pagmasdan yung buhay ko. Gusto kong pagmasdan ka ng pagmasdan kasi hindi ko to nagawa sa loob ng apat na taon. Miss na miss na kita.” Kinuha ko ang isang kamay nito at hinalikan yun.

“anong balak mo pagdating natin sa inyo?”

“Sasabihin kong magpapakasal na tayo.”

“sana pumayag sila,”

“Kahit hindi sila pumayag pakakasalan pa din kita.”

*******FORBES PARK*******

Sabay kaming pumasok ni Aiene sa mansion ni Lola.

At hindi nga ako nagkakamali. Nandun sila Lola, Daddy at si Mommy. May dalawang lalaki din doon na seryosong nakatingin sa amin ni Aiene.

“Papa… kuya Kirk….” Narinig kong sabi ni Aiene.

*******EARLIER*******

[Ralph Bracamontes’ POV]

Hindi umuwi si Aiene kagabi sa bahay at napag-alaman ko sa kaibigan nitong si Fire Imperial na kasama nitong umalis ng EU si Riel Paolo Salvador. Ang anak ng ng babaeng papakasalan ko dapat. Hindi natuloy ang kasal ko dito dati dahil may mahal na itong iba.

Sa nalaman ko ay sumugod agad ako sa mansión ni señora Estrella.

“Nasaan ang anak ko at ang magaling mong apo?!” sigaw ko sa matandang babae.

“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ng matanda.

“Tinangay ng magaling mong apo ang anak ko!”

“Anak mo?” napatingin ako sa nagsalita.

Patuya ko itong sinagot. “Oo. Anak ko. Anak natin. Bakit? siguro akala mo patay na siya no? Pagkatapos mo siyang iwan sa gitna ng daan. Buti na lang at may mabubuti ang loob na kumupkop sa kanya. Napakasama mong babae. Napakasama mong ina para gawin yun sa sarili mong anak! Lagi na lang ang sarili mo ang iniisip mo!” sigaw ko sa babaeng halos takasan na ng kulay sa mukha.

Si señora Estrella naman ay nahigit ang hininga.

“Sabi niyo sakin four years ago ay nagkaroon ng relasyon si Riel at Aiene. Pinagpapasalamat ko ng mariin niyong tinutulan iyon noon señora. Pero ngayon ay problema na naman ito!”

“R-ralph…” nilapitan ako ng mama ni Aiene. “A-anong ibig mong sabihin? Buhay ang anak natin? Buhay siya? At si Aiene ang anak natin?” basa na ng luha ang mga mata nito.

Naguguluhan ako sa reaksyon nito. Bakit parang natutuwa ito samantalang ito naman ang dahilan kung bakit nawala sa kanila ang anak namin?

“Oo. Buhay siya.”

“Mama… akala ko ba ay patay ang anak ko? Pero bakit buhay siya? Mama!” at humagulhol ito ng iyak. Di nagtagal ay nawalan ito ng malay.

*******PRESENT*******

[Riel’s POV]

Narinig kong tinawag ni Aiene na papa ang lalaki na kaharap nila Lola. So ito ang lalaking pakakasalan dapat ni mama?

Hinawakan ko ang kamay ni Aiene. Nanlalamig ito. Pinisil ko ang kamay nito para ipaalam dito na magiging okay din ang lahat.

“Magpapakasal na po kami ni Aiene.” Lakas ng loob kong sabi sa mga ito.

Halatang nagulat ang lahat sa sinabi ko.

“Riel… anak…” nag-aalalang pukaw sakin ni Mommy.

Nilapitan kami nito.

Pero ang mga mata nito ay na kay Aiene.

Ng makalapit ito kay Aiene ay hinawakan nito si Aiene sa pisngi.

“Napakaganda mo hija. Hindi ko akalain na---“ hindi na natapos ni mommy ang sasabihin dahil umiyak na ito.

“Honey…” nilapitan ito ni daddy at inalo.

“Hindi kayo pwedeng magpakasal Riel.” Maawtoridad na sabi ni Lola.

“Hindi na po ako papayag na hadlangan niyo kami ni Aiene Lola. Wala akong pakialam kung anak mahirap ba siya o mayaman. Basta mahal ko siya at pakakasalan ko siya sa ayaw niyo man at sa gusto.”

“Hindi mo naiintindihan apo.”

“May nangyari na po samin ni Aiene at maaaring buntis na siya.”

Sabay-sabay na napahugot ng malalim na hininga ang mga tao sa loob ng mansión.

This Old Heart Of Mine [My Campus Crush'Series]Where stories live. Discover now