Luminous 1

52 10 3
                                    


"Erika, hindi ka pa ba tapos sa pamimili mo diyan? Grabe, dalawang oras na tayo dito oh at dalawa pa lang din 'tong napipili mo. Ano 'yon? Isang damit, isang oras?" Hindi ko mapigilang magreklamo dahil sa kaartehan netong kaibigan ko.

Kung hindi lang talaga 'to manglilibre ay hindi ko na 'to sinamahan! Nakakasakit ng ulo ang pag-iikot namin dito sa mall.

"Hehe. Naiinip ka na? Wait lang ah? Meron kasi akong nakita rito last time. Ang ganda! Trip ko 'yong style tsaka color." Bumaling siya sakin saka nakangiting itinaas-baba ang kilay. Ibinalik niya ang atensiyon sa paghahanap. "Nandito lang 'yon eh--- Oh! Heto ka lang pala! Pinaghanap mo pa ako!"

Napairap na lang ako. Trip niya 'yong style? Eh parang hindi na 'yan tinapos ng mananahi dahil kinulang sa tela eh! It's a hanging beige sleeveless top.

"The hell? Trip mo 'yan? 'Di kaya magmukha kang pokpok niyan? Tss." Nakangiwi kong komento.

"Ano ka ba naman, MJ! Summer na kaya ngayon! Alangan namang magsweat shirt ako 'no! Nevah! Ang init kaya!" Maarteng tugon nito. Hindi ko na siya pinatulan at baka magbago ang isip niyang ilibre ako.

Matapos sa pagwi-window shopping ay dumiretso kami sa malapit na restaurant. Nang makahanap ng table at makaupo, ay agad na tinawag ni Erika ang waiter.

"Geh. Pumili ka na." Nakataas ang kilay ko habang binabasa ang mga pangalan ng pagkain sa menu. Duh! Hindi naman ako ignorante pero-- hindi ako pamilyar sa mga 'to!

Sa sobrang pagkainip ay kunot noo akong bumaling sa waiter na nakangiti. "Wala ba kayong tuyo tsaka bagoong dito?"

"Ah eh, a-ano kasi ma'am.." napakamot pa sa batok 'tong waiter. Halatang hindi alam kung anong isasagot na hindi ako mao-offend.

"A-Ako na muna ang o-order, hehe. Mukhang nahihirapan pang pumili 'tong kasama ko." Biglang singit ni Erika. "Hmm. Itong mutton, beef steak, Chicken Mac&.Cheese..."

Marami pang pinagsasasabing pagkain si Erika sa waiter ngunit hindi na ako nakinig pa nang mahagip ng mata ko ang isang pusa na kulay puti sa labas ng restaurant.

That cat is creepy. Nakaupo lang ito malapit sa glass at tanging buntot niya lang ang gumagalaw. Diretso ang kulay asul na mga mata nitong nakatingin sa'kin. Mas lalo pang nanindig ang mga balahibo ko nang bigla itong ngumiti.

Waaaaah! Bigla akong napatayo kaya naman nagulat itong waiter at si Erika.

"A-Anong nangyari sa'yo?!" Natutulirong tanong ni Erika na napatayo na rin. Hindi ako agad nakasagot sa halip ay agad kong tinuro ang pwesto ng pusa kaya nilingon din nila ito. Kaso...

bigla itong nawala!

Bored akong nilingon ni Erika. "Anong meron?"

"M-May puting pusa diyan kanina!" Parang batang sagot ko habang nakaturo pa rin. Napailing si Erika.

"Baka naman kinuha na 'yon ng amo niya. Ano ka ba naman! Ngayon ka lang ba nakakita ng puting pusa?" Mahinang tanong niya ngunit halatang nahihiya na sa mga tao dito sa restaurant na nasa amin na rin ang atensyon.

"Hindi naman ganun, Erika! E-Eh kasi..."

"Eh kasi ano?" Erika.

"Eh kasi.."

"Kasi ano nga?" Erika.

"Eh kasi bigla akong nginitian nung puting pusa!" Sigaw ko kaya umalingawngaw sa buong restaurant ang tawanan ng lahat.

"Pfft. Baliw! Umayos ka nga! Nakasinghot ka ba ng katol?! Adik 'to. Haha." Natatawang usal ni Erika saka umupo at kinausap na niya ulit ang waiter.

Luminous High: Light Center Of The World [ON HOLD]Where stories live. Discover now