CHAPTER 16- SIGNS

265 13 4
                                    

ARIANNE POV

Time check: 11:30 pm

“Saan naman tayo?” tanong ko habang naglalakad na kami palabas ng Hotel.

“Hindi pa ako kumakain. Saan ba mayroon masarap na pagkain dito?”

“Nagugutom na rin ako. Let’s grab some pizza”

“Masarap naman ba ang pizza dito?” tanong niya na mukhang hindi satisfy.

“Hindi mo ba alam na sa Venice, Italy mo lang matitikman ang iba’t ibang klase ng pizza? Pizza is their specialty here kaya huwag ka ng magdalawang isip pa,” pangungumbinsi ko sa kanya.

Yes! Totoong Pizza ang kanilang specialty rito. Pizza Parlor is everywhere.

“Oo na. Talagang pinaghandaan mo ang mga kasagutahan sa mga tanong ko, ah”

“Saan mo ba gustong kunain?”tanong ko.

“Anywhere.”

“Okay.”

Tumawid lang kami sa pedestrian lane para makarating sa isang sign na nagsasabing: PIZZARO’S DELICIOUS PIZZA. Kung hindi pizza ang tinda rito eh ewan ko na lang.

“Order ka na. Tatawag lang ako,” Sabi ko kay Ivy nang nasa tapat na kami ng entrance. May nakita kasi akong payphone, yung may pinto.

“Okay.”

Pumasok na siya sa Pizza Parlor, ako naman ay pumasok na sa Payphone. May sign na nakakapit sa pinto na hindi ko naman maintindihan.

(SPANISH: No vaya dentro, la puerta se bloquee automáticamente. El personal de mantenimiento reparar esta mañana. Gracias por su cooperación. Que tengas un gran día

TRANSLATION: Don’t go inside, the door automatically lock. Maintenance Personnel will repair this tomorrow. Thank you for your cooperation. Have a great day.)

Bakit kaya parang Latin ang salitang nakasulat rito? Hindi ko tuloy maintindihan kung ano bang ibig sabihin nito. Ang alam ko lang kasi basic na Spanish kaya medyo na-gets ko ang huling salita, ‘Have a great day.’

Pumasok na lang ako. Pinapahirapan ko pa ang sarili ko eh sigurado namang ‘FREE PHONE CALL’ ang translation niyan. Uunahin ko munang tawagan ang calling card na nakita ko baka kasi hinahanap na ito ng may-ari. Naghanap ako kanina ng iba pang palatandaan para makakita ako ng information at napansin ko na sa pinakalikod nito ay mayroong phone number. Iyon ang ita-try kong tawagan.

Free phone call naman kaya hindi mababawasan ang pera ko.

098--------

*tooot*

Bakit hindi naman gumagana? Nag-try pa ulit ako ng isa pa pero ganoon pa rin.

“Niloloko mo yata akong sign ka ah. Sabi mo libre,” Bulong ko. Naglabas na ako ng penny. Basta ko na lang inihulog ang barya dahil may panibago na namang Spanish sign akong nakita na nakakapit sa mismong telepono. Ano bang malay ko kung magkano ang hinihingi nito para makatawag ako kaya hinulog ko na lang lahat ng baryang mayroon ako.

098--------

Bakit wala yatang sumasagot, tumutunog naman. Sinubukan ko ulit and after more than 15 tries, finally may sumagot na rin.

[Yes? Who’s this please?] may accent magsalita ang kausap ko sa kabilang linya.

“This is Kylee Arianne Aevan……………..”

I'm In Love with My Best Friend's Best Friend (The Tragic Ladies) (Jadine Fanfic)Where stories live. Discover now