CHAPTER 17- AT THE BAR

241 15 2
                                    

IVORY POV

Time check: 12:43 am

“Tequila!” Sigaw ko sa bar tender.

Mahigit 2 oras na rin pala ako rito. Nararamdaman ko na ang pag-ikot ng paningin ko. Nasapo ko bigla ang ulo ko ng bigla itong kumirot. First time ko lang gawin ang bagay na ito tapos wala pa akong kasama.

Nangingilid na ang luhang kanina ko pa pinipigilang pumatak.Ganito pala kahirap kapag may dinadala kang malaking problema, noh? Kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari kapag nalaman ko ang katotohanan edi sana hindi na lang ako nagpursigeng alamin kung ano ba iyon. Edi wala sana ako sa pesteng lugar na ito!

Kapag nalaman na ni Aevan ang lahat-lahat, alam kong malaking pagbabago ang magaganap. Hindi ko man ito gustuhin pero………May magagawa pa ba ako? Wala naman, di ba?!

Ang hirap palang maipit sa isang sitwasyon na hindi mo naman ginusto. Kung may choice lang talaga ako, sasabihin ko talaga kay Aevan lahat ng nalaman ko. Kaso wala. Sinabi ni Justin na hindi pa raw ito ang tamang panahon para malaman ito ni Aevan.

Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang tama. Ang makinig sa utak ko na puro logic at rational thinking lang ang alam o makinig sa puso ko na ang sinasabi’y magsabi ako ng katotohanan……

“Sasabihin ko kay Aevan lahat! Ayokong maglihim sa kanya!” sigaw ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng luha ko. Katatapos lang niyang ikuwento kung ano ba talaga niya si Aevan.

“You can’t tell her anything! Dammit!”

“Wala ng makakapigil sa akin sa pagsasabi sa kanya ng katotohan even if-----“ pinutol niya ang sana’y sasabihin ko.

“Even if it cause her her life?!”

“What do you mean?” napatigil ako sa paghikbi at tumitig sa kanya.

“Kapag sinabi mo ang tungkol sa mga bagay na nalaman mo tungkol sa kanya, puwede niya itong ikamatay. Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman niya ang lahat.”

“Puwede niya itong ikamatay”

“Puwede niya itong ikamatay”

“Puwede niya itong ikamatay”

Hindi ako puwedeng magsalita sa kanya ng kahit ano dahil isang maling galaw ko lang baka tuluyan na siyang mawala sa akin. Hindi ako makakapayag na mangyari ang bagay na iyon! Ayokong mawala si Aevan sa akin. I never imagine my life without her. Hindi ko kakayanin na mawala ang isang taong nagturo sa akin kung paano ba magpahalaga sa mga bagay na nakapaligid sa akin.

Ang taong nagturo sa akin na lahat ng mga imposibleng bagay ay magiging posible kapag naniwala ako sa Kanya.

Ang taong nagturo sa akin na maging kuntento at pahalagahan ang mga bagay na mayroon ako.

At higit sa lahat, ang taong wala ng ginawa kundi gawing makulay at masaya ang mundo ko kahit sa simpleng bagay lang na ginagawa niya.

I can’t afford to lose her. Kung kinakailangang buhay ko ang maging kapalit para makita siyang masaya, gagawin ko. I can do anything for her. Anything. Because that’s what friends are for, right? Hindi ko kailanman gagawin na iwan siya lalo pa’t sa panahon na kinakailangan niya ng isang taong magiging kaagapay niya sa oras na malaman na niya ang totoo.

I LOVE MY BEST FRIEND; NO GUY WILL EVER CHANGE THAT.

Hindi ko na napigilang hindi mapaiyak. Isinubsob ko ang mukha ko sa counter at doon umiyak ng umiiyak.

I'm In Love with My Best Friend's Best Friend (The Tragic Ladies) (Jadine Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon