CHAPTER 15- CALLING CARD?

264 16 5
                                    

ARIANNE POV

Hay. Alam ko na ang totoong dahilan kung bakit wala sa sarili si Ivy.

Kinuwento niya sa akin kung bakit siya napadpad sa bus. Ang sabi niya may bibilhin lang siya sa Mall kaya siya nagmamadali at nakalimutan na niyang mag-ayos ng sarili. Nang tinanong ko naman siya kung ano yung importante niyang bibilhin, ang sagot lang niya “Nutella”. Naubusan daw kasi siya ng stock.

Ikinuwento rin niya ‘yung pagiging banlag daw niya. Natawa tuloy ako dahil nag-assume raw siya na beautiful eyes ang sasabihin noong lalaki. Hahahaha. Her face is so priceless right now and I can’t help myself not to laugh.

 “Wahahahahahahahahahahahahhahahahaha… ha….. ha” napahinto ako sa pagtawa. Hala! Kanina pa nga pala ako tumatawa!

 Oh gosh!

“Bakit ka tumigil sa pagtawa? Ituloy mo!”naiinis na sabi niya.

-_-++

“Waaaahhhh!! Tabi ka diyan! Tabi!” sigaw ko sa kanya. Nandito kasi ako sa may bintana at hindi ako makadadaan ng maayos dahil nakaharang siya.

“Bakit ba?” Iniharang niya pa ang paa niya para hindi lalo ako makadaan. >__<

“Naiihi ako! Alis na! Tabi!” nagsipag-lingunan naman halos lahat ng pasahero sa akin. Hmp! Napahiya na ako, edi lubos lubusin ko na rin! Lumusot ako sa paa ni Ivy na nakaharang sa daraanan ko. Narinig ko pa ang nang-aasar na tawa ni Ivy bago ako tuluyang tumakbo papunta sa rest room.

Aish! Ganito ako lagi kapag nasosobrahan sa tawa. Bigla-bigla na lang napapaihi kaya as much as possible, nagco-control ako ng pag-tawa, kahit na mahirap gawin ginagawa ko pa rin. Kita mo na ang nagiging resulta. 3 months ago kasi nanuod kami ni Ivy ng funny videos sa kuwarto niya. Utas na utas ako sa kakatawa kaya hayon, sumabog ang ihi ko. Simula noon, hindi na ulit kami nanuod ng katatawanan. Puro love story at horror lang. Nadala na siguro siya, eh.

Palabas na ako ng rest room ng maalala kong hindi pa pala ako nakakapag-hugas ng kamay. Lumapit ako sa sink at naghugas ng kamay. Patalikod na sana ako ng may mahagilap na bagay ang aking mga mata. Isa siyang papel na parang calling card na ewan.

Kukunin ko ba o hindi?

Paano kung balikan ng may-ari kapag na-realize nitong may nawawala pala siyang gamit?

Sa bandang huli, kinuha ko na rin at plano kong ibigay sa flight attendant mamaya. Inilagay ko na muna ito sa bulsa ko at tuluyan ng lumabas ng banyo. May narinig akong kumakanta sa loob ng men’s comfort room nang mapadaan ako.

You’re all that matters to me……

You’re all that matters to me……

Oh freak! Ang ganda ng boses niya. *o* Napapikit na lang ako habang todo sa pagnamnam ng magandang musikang naririnig ko.

Hala! Bakit siya huminto? Sisigaw pa sana ako ng ‘I want more’ ng may marinig akong familiar na tawa. Napadilat ako bigla. O__O Tumawa pa siya lalo ng magtama ang paningin namin. Nyah! Nakakahiya.

“A-ah……..eh.” hindi magkandaugagang sabi ko na lalo namang nakapagpatawa sa kanya. Hala! Mukha ba akong clown? Nakakainis ah! Hmp! Tinalikuran ko na siya at nagmamadaling bumalik sa inuupuan ko.

Crush pa naman kita pero pinagtatawanan mo lang ako!

 Nadatnan ko si Ivy na nakapikit na. Gaano ba ako katagal sa loob ng CR at tinulugan ako nitong kasama ko?

I'm In Love with My Best Friend's Best Friend (The Tragic Ladies) (Jadine Fanfic)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora