T h i r t y ㅡ s i x

13 2 1
                                    

"T-teka kala ko ba ako ang manlilibre? Pero bakit parang mas marami kang binili kesa sakin?" tinignan ko ang pizza, chicken, ice cream, lasagna at pasta sa harap ko.

Oo yung pizza ako bumili pero yung iba? Tanungin niyo siya

"Thank you gift ko yan. Kasi kung hindi dahil sayo di kami magiging close ni Ryujin." usal niya habang nakangiti.

Mukha nga siyang sincere. He must really like my sister.

"gano mo kagusto si unnie?" bigla ko nalang natanong. I was also curious din naman... Kung kakayanin ko

"Well.. After namin magkausap kagabi at kanina. Di lang pala siya maganda at talented. She's also sweet and cute in her actions. Ang hinhin niya" he spoke as his eyes glisten.

"you admire her that much?"

"i just don't admire her. I like her." aniya.

Oh. I put up a smile for a second bago umiwas ng tingin at kumain nalang. Ganun din ang ginawa niya

Nagkwentuhan pa kami ng kung ano pero siya ang madalas nag oopen ng topic. First because i wasn't on the mood. Second kasi tinatamad lang talaga ako.

"alam mo ba. Nung junior high ako i love going to arcade"

"syempre lalaki ka. Most of the boys naman talaga loves arcade."

"hindii.. Kasi para sakin that's my way of relieving stress. Bata pa lang ako trainee na ako and hindi talaga madali. Sleepless kang papasok sa class mo or minsan matutolog ka nga 1 oras lang dahil sa kakapractice. Nanjan din yung kala mo mag dedebut ka na pero palagi nalang nareresechedule hanggang sa dito. Napunta nalang kami dito sa Mixnine." kwento niya. "pero kahit na ganun. Masaya pa rin naman. Knowing na unti unti ko nang naabot yung pangarap ko."

"Buti ka pa nga may pangarap eh. Ako andami kong gusto sa buhay pero wala akong pangarap" natatawang sabi ko.

"pfft impossible naman yun. Lahat ng tao may pangarap noh" tawa niya

"kung ganon baka hindi ako tao" at ang loko tawang tawa naman.

"di ka naman kasi talaga naging tao ah?" tinitigan ko siya ng masama.

"pakyu ka" sabi ko nalang. "May plano ka ba pagtapos nito?" tanong ko.

"Hm? Wala naman bakit?"

"Parang bigla ko kasing gustong mag Arcade. Samahan mo kooo!"

"Pilitin mo muna ako"

"sige na pleaseeeeeeee" pagpapa cute ko.

"konti pa"

"sige naaa cute naman ako ehh"

Bigla niyang hinawakan yung noo niya na parang problemadong problemado siya sa buhay.

"aish wag na nga lang" sabi niya sabay tayo.

Agad kong hinigit yung kamay niya.

Gusto ko sana tayong dalawa lang pero...

"Isasama ko si Ryujin! Sumama ka na pleasee!" pilit ko pa.

Biglang lumiwanag yung mukha niya.

"DEAL!"

"basta pag sakanya talaga eh noh? Kaya mo kong pagpalit sakanya?" kunyari inis na sabi ko habang tinititigan siya ng masama pero nginitian niya lang ako.

Sister→Kim Byeongkwan [ Re - CONTINUE ]Where stories live. Discover now