T w e n t y n i n e

30 5 8
                                    

S/N: BEFORE YOU READ YOU MUST ANSWER THIS FIRST:    WHAT ARE YOUR EXPECTATIONS FOR THIS STORY?

already answered? ALRIGHT you can proceed😂 ENJOY!~

*

***

S A E R I N

"Teka.. bat nga pala kasama mo si squidward dito Hyojin?" Tanong ko kay Hyojin.

Nasa cafeteria parin kami habang kumakain na nang breakfast.

"Hmm? Squidward?" Takang tanong niya.

Tumingin ako kay Byeongkwan na nagtataka rin. Saglit pa kaming nagkatitigan nang biglang nanlaki ang mata niya.

"Pfft hahahaha" di ko na napigilan ang tawa ko ang epic kasi ng mukha hahaha.

"Si Byeongkwan hyung?" Tanong pa ni Hyojin. Natatawang tumango ako.

Nagkatinginan pa sila Ryujin-unnie at Jinyong bago nagtataka ding tumingin sakin.

Lalo tuloy akong natawa. "K-kasi diba haha ilang beses na niyang sinabi sa broadcast na mukha daw siyang haha s-squid"

"Hindi! Sinabi ko lang yun kasi mga members ko nun ay puro visuals" ani Byeongkwan.

I shrugged. "Sabi mo eh. Pero bakit nga kayo magkasama kanina?"

"Ahh.. nung pinapunta mo kasi ako dito nakasalubong ko si Byeongkwan-hyung na papunta din dito para hanapin si Woojin-hyung kaya ayun.. sabay nalang kaming pumunta" paliwanag niya na ikinatango ko nalang.

Papagpatuloy ko na sana ulit yung pagkain ko nang magsalita si unnie.

"Tapos na ako!" Biglang sabi niya bago tumayo.

Pipigilan ko sana siya pero bigla ding tumayo si Jinyong.

"A-ako din!" Sambit niya.

"T-teka! Di pa ako tapos." Sabi ko. Sayang naman kasi di pa nakakalahati yung pagkain ko.

"Edi tapusin mo muna yan.. may gagawin pa kami ni Jinyong sa practice room" ani Ryujin-unnie.

Biglang nanlaki yung mata ko sa sinabi niya.

"Hala hala! Anong gagawin niyo!?" Gulat na tanong ko.

Babatukan sana ako  ni Ryujin-unnie nang maunahan siya ni Byeongkwan na kaharap ko lang.

"Ang bastos ng utak mo" aniya habang nakatitig nang matalim sakin.

Luh? Problema nito?

"Ikaw ang bastos ng mukha mo! Wag ka ngang tumingin sakin kinikilabutan ako" sabi ko sakanya.

"Unnie! Sama ako. Wait niyo lang sayang to oh" sabi ko bago sumubo ulit.

"Tse! Dyan ka na. Sasamahan ka naman ni..." Tumingin siya kay Byeongkwan at Hyojin.

So ano papabantayan niya ako sa isa sa mga kupal na to?

Atsaka trip ko ring kasama si bias eh!

"Si Squidward nalㅡeste si Byeongkwan the squid nalang daw sasama sakin. Susunod nalang kami" ani ko kaya tumango nalang siya.

Tinignan muna ako ni Hyojin na para bang nagaalangan siya pero nang tawagin siya ni Jinyong umalis na rin siya.

**

"Yah! Ang daya! Kung kailan 3 nalang card ko tsaka ka pa nakipag swap!" Inis kong sigaw sakanya.

"Hahaha. Power of Swap cards bwahahaha" tawa ni Byeongkwan.

Inis ko siyang inirapan bago padabog na inilapag sa harap niya yung Uno cards ko. Ngina tong squidward na to eh! Ang daya daya!

Nandito parin kami sa cafeteria ewan ko kung bakit haha mas naging komportable na ako dito eh tapos baliw baliw patong kasama ko. Ang dami pa lang niyang dalang card sa bulsa niya. May Uno which is yung ginagamit namin. May normal cards yung may mga spade, flower cheche. At yung monopoly cards hahaha boyscout si kuya mo.

Inilapag ko yung blue card at inilpag naman niya yung stop kaya siya ulit yung titira.

Inihanda ko na yung sarili ko para magsabi ng 'Uno' dahil dalawang stop card yung nandun at isang red card.

Inilapag niya ulit yung isa pang red card bagoㅡ "UNO!"

"PUTSPA! AYOKO NA NGA!"

Sa kasamaang palad. Tatlong tuloy tuloy na rounds na akong talo ㅠㅠ.

"MADAYA! MADAYA! madaya kaa!" Ngina sayang yung pera ko. Tayaan kasi kami eh yung una 50 lang talaga dapat pero nanalo ako nun ng dalawang beses kaya ginawa kong 150 tapos tsaka naman ako natalo tas itong round na to sabi niya pag natalo daw ako lilibre ko daw siya ng lunch ngina.

"HAHAHA anong madaya dun? Fair lang naman yun ah" tawa pa niya.

"Eh maㅡ" di ko na natuloy yung sasabihin ko nang biglang tumunog yung phone ko.

Inirapan ko muna siya bago sinagot yung tawag.

"Hmm?" Tanong ko sa kabilang linya. Wag ka badtrip ako ngayon.

[Punta kayo dito sa P.R 079] sabi ni Ryujin-unnie.

"Ha? Anong P.R?" Tanong ko. Isa lang naman alam kong PR eh. Si manong PR yung janitor sa school namin.

[Basta. Sabihin mo nalang kay Byeongkwan alam na niya yon.]

"Wooy Byeongkwan. Punta daw sa PR" walang gana kong sabi sakanya na tinawanan lang niya.

[Atsaka pakibilis ah? Mga pagong pa naman kayo.]

"Pagong lang! Walang kami!" Basag ko bago patayin yung tawag.

Tumayo na ako at inayos yung damit ko.

"San na tayo?" Tanong niya.

"San lang. Ngina walang tayo atsaka kakasabi ko lanh diba? PR daw" bara ko.

Bingi ata tong pusit na to e.

"Teka. Pano yung lunch ko!?" Naghi-hysterical niyang tanong.

Napatingin ako sakanya. Takte laki na nang ginastos ko dun sa pustahan ngayong araw. Panigurado mapapagalitan ako nito.

"Aishh! Bukas nalang lika na" yaya ko sakanya.

Letse wala na akong pera!







▪■▪■▪■▪■▪■▪■▪■▪■▪■▪■

I know i didn't met your expectations for this chap kaya im so so so so sorry guyseu😓

Everybody needs an inspiration and motivation and currently wala ako nun ngayon😅

Pero sobra sobrang thank you sa isa kong reader which help me to spoke my real plot for this story😁 shout out to ya! thank you so much and don't worry malapit na bwahahaha

And guys sana sana SANA kahit mga 7% lang na enjoy niyo tong chapter na to even if its lacking big time ㅜㅜ joseonghamnida (im sorry)

And also before anything else lemme ask you a question:
Which namja (boys) performance you love the most? Yung tipong tumatak talaga sayo?

If you have any ideas for this story and inspiration to share kindly comment or dm me i badly need one😖

THANK YOU SO MWUAHCH!♡

Sister→Kim Byeongkwan [ Re - CONTINUE ]Where stories live. Discover now