T h i r t y t h r e e

26 2 2
                                    

"Kasi kahapon nag palitan kami ng number at halos magdamag kami magkachat after nung party mo. Talking about random things hanggang sa nagyaya siya na magsabay kami mag lunch bukas." Pagkukwento niya habang pasimple akong kinukurot.

Kingina edi ikaw na kinikilig ㅜㅜ

"Bukas pa naman pala eh." Tipid kong sabi habang nilalantakan yung pizza na nasa harapan namin ngayon. Waah ang sarap ng pagkain nila dito

"Yun nga! Kaya nga kita tinawag kasi di ko alam gagawin kooo" naghyhysterical niyang sabi.

"Ako na nga nagbigay sayo ng lablyp ako pa mag bibihis sayo!? Aba lupet mo naman" biro ko.

Kumuha pa ulit ako ng isang pizza bago muling sumubo.

"Lilibre kita ng isa pang box ng pizza" panunuhol niya.

Bigla namang nagning ning ang mata ko.

"Hawaiian flavor. Extra pineapple." Request ko bago inilapag ang hawak hawak kong pizza at humarap sakanya.

"Basta be yourself lang. Kung ano yung pinakita mo sakanya kahapon ganun din pakita mo. Wag mong pahalatang kinikilig ka. Doll up! Pero don't use too much make up. Ako magaayos sayo." Ani ko bago muling tumingin sa box ng pizza sa harap namin na may dalwang piraso nalang. "But before anything else go don't break our deal." Utos ko.

Umirap siya bago tumayo. "Hilig mo lumamon!" Sigaw niya sakin kaya balak ko sanang itapon sakanya yung pizza na hawak ko pero tumakbo na siya papunta sa counter.

"Daming dama gagawin din pala" bulong ko sa sarili ko bago kunin ang phone ko at maglaro ng Subway surfers.

Ilang minuto ang lumipas bago ako ma dead kaya binagsak ko ang cellphone ko sa lamesa bago tumingin sa counter kasi ang tagal ni Yena pero bago pa man dumapo yung tingin ko sa counter napansin ko sila Ryujin-unnie at Byeongkwan sa table medyo malayo samin.

Nakatitig lang ako sakanila habang ngtatawanan sila nang may maisip ako.

Muli kong kinuha ang cellphone ko at nag tipa.

------
Saerin: BYEONGKWAAAAAN! NASAN KA!???

Saerin: Dali lilibre na kitaaa!!!
------

Nakita kong kinuha niya ang cellphone niya at saglit na nangunot ang noo bago muling ibalik sa bulsa ang cellphone at nakipag tawanan ulit kay unnie.

Muli kong tinignan ang chat ko pero tanging seen. Lang ang sagot niya.

Muli akong tumingin sakanila. sakanya. Pagkatapos kong gawin yung gusto mo? Di ka na mamansin ngayon?

Kala ko ba naman kahit onti napansin mo yung mga tingin ko sayo. Kala ko napansin mo yung pagpapapansin ko sayo araw araw.

Tangina so ano? Ako naging bridge mo para makatawid sa gusto mo tapos nung nasira wala ka nang pakialam?

Go for gold ka rin pala eh.

Di ko napansin na may tumulo na palang likido sa pinge ko habang nakatingin sakanila ng dumating si Yena.

"Sorry natagalan anㅡ Teka! Umiiyak ka ba?" Nagtatakang tanong ni Yena at iniharap ako sakanya.

Agad kong pinunasan ang luha ko na parang tangang tumutulo nalang bigla at sinabing napuwing lang ako.

Tumingin siya sakin na parang di naniniwala. "What a lame excuse" irap niya tsaka binuksan yung box ng pizza at iniharap sakin. Tinignan ko lang ito na parang ito na ang pinaka wierd na bagay na nakita ko.

"Spill it." Taas kilay niyang sabi kaya napatingin ako sakanya.

"Spill what?"

"Nakita kitang umiiyak habang nakatingin kila Byeongkwan at Ryujin bago ako dumating wait-- lemme rephrase that, habang nakatingin KAY Byeongkwan"

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

c l i f f h a n g e r .

Alam ko di ako magaling sa mga cliffhanger pero tinatamad na akong ituloy dito.

ALSO!!!
I published a BTS|kth fanfiction! Please check it out! Your pretty so please supporn (not going to erase that typo😂) !!! Ily💜

🐦: bex_goni & taeskookt

Sister→Kim Byeongkwan [ Re - CONTINUE ]Where stories live. Discover now