Chapter 3: Getting to Know Each Other as Friends

61 0 1
                                    

"Oh, bakit late ka Gale?" tanong sa akin ni Arianne, isa sa mga close friends ko.

"Na-late na naman kasi ako nang gising." sabi ko.

"Kakaisip mo na naman kay ano..." Asar naman niya sa akin.

"Sira. Kakalaro ko lang to ng 2048." dahilan ko.

"Oy guys! may copy na ba kayo nitong handout na to? yung sa dispensing?" Tanong ni Kelly sa amin na isa rin sa mga close friends ko.

"Wala pa. Sige, pa-photocopy mo na kaming lahat." Sagot naman ni Elise.

After lunch, nasa room 306 na kami para sa next subject. NAKUUU! urat na naman ito! Nakakaantok kasi ang klase after lunch eh. 

"...and the universal constant used in energy is known as Planck's constant which is equal to 6.62 x 10 to the -27 erg-s." 

"...to calculate the energy in ergs..."

"...the fundamental laws and related terms of spectrophotometry are..."

Wala naman ako maintindihan sa dinidiscuss ng Prof namin. Oo magaling siyang prof pero tamad kasi ako makinig sa hapon kaya gumagala na naman ang isipan ko. 

Ang isipan ko ngayon, nasa past na naman...

Iintindihin ko na lang sa bahay to mamaya. Madali lang naman ang Quality Control eh. Hehehe :) 

-----

Ngayong buwan ng Enero, malapit na ang Foundation week namin. Kaya ngayon, puro na kami practice para sa mga Field demo, sports na sasalihan at iba pang contest.

Buong araw na kaming nagpa-practice. Eh ako, tatlo ang pina-practice kong sayaw. Para sa field demo ng section namin, para sa dance number ng dance troupe (ang sinalihan kong organization sa school) at ang Cheerdance namin na ipeperform ulit namin sa school. 

So sad, talo kami sa sinalihan naming Cheerdance competition. Pero okay lang :) Experience din yun noh :)

"Tara, CR tayo, guys." pag-aaya ni Ginger sa amin. 

"Sure, sure." 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 25, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'll Never Give Up, My LoveWhere stories live. Discover now