Chapter 1: The Start of Our Journey

112 1 0
                                    

Maaga akong pumasok sa school para sa quiz namin mamaya. Hindi nanaman kasi ako nakapag-aral sa bahay namin. Hindi ako makapag-concentrate pag nasa bahay eh :))

Ah nga pala, nasa 4th year college na ako. Ang kinukuha kong kurso ay Pharmacy. Sobrang hirap pala nito pero keri naman. Ang totoo nga niyan, isang sem na lang, gagraduate na ako e :)

Wow. Ang taas nanaman pala nang sikat ng araw ngayon. Ang sakit kaya nito sa balat. Buti na lang nasa library ako. Tahimik na, malamig pa. Hehehe.

"Gale!"

Oh, nandito pala ang friend ko, si Elise at kasama niya ang boyfriend nya na si Theo.

"Bakit ang aga mo din pumasok,Elise?" Tanong ko.

"Pinapasok ako ni Theo ng maaga eh. Oh ikaw?"

"Ngayon palang kasi ako magrereview sa Pharmacology eh. As usual, hindi naman kasi ako nakakapag-aral sa bahay." Sabi ko.

"Parehas lang tayo. hehehe. Kaya nandito rin kami ni Theo." Sabi ni Elise at naupo na sila ni Theo sa tapat ko.

Actually, tinatamad akong mag-review. Hehehe. Magmumuni-muni muna ako for 30 minutes. After non, magaaral na talaga ako :))

-----

"Kamusta practice niyo sa school?" tanong ni Mason sa akin.

"Okay naman." nakangiting sabi ko. "Ayun, nakakapagod nga eh. Kaya i-joyride mo na ako para ma-feel ko naman ang hangin." dagdag kong sabi.

"Oh tara. Sakay na." nakangiting sabi naman ni Mason.

Jinoyride ako ni Mason sa motor niya at kung saan-saan kami nag-ikot. Nawala talaga ang pagod ko dahil sa kanya. Sobrang saya talaga :)

Doon ko narealize, ang sarap siguro maging boyfriend si Mason :)

Ang saya at sarap siguro kapag lagi namin to ginagawa :)

"Saan mo pa gusto mag-ikot, Gale?" tanong ni Mason.

"Hmmmm, kain na lang tayo. Gutom na rin ako eh. Okay lang ba?"

"Sure sure."

Kumain muna kami sa may Siomai House ni Mason. Nagiging favorite ko kasi ang siomai kapag nakakasama ko si Mason eh :)

"Hatid na kita sa inyo mamaya, Gale ah." sabi ni Mason.

"Sure." Sabi ko naman. "Thank you nga pala ah.hehehehe."

"Thank you din." Nakangiti niyang sabi.

"Alam mo, ang saya ng trip natin ngayon. hahaha. nawala talaga pagod ko." Sabi ko.

"Edi gawin natin to palagi. O kaya after ng practice mo sa cheerdance puntahan kita sa school tapos stroll kita." Sabi ni Mason

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Wala na akong masabi eh. Pero ewan ko, hindi pa naman niya ako nililigawan pero masaya ako palagi kapag nakakasama ko siya :)

Oo, hindi pa kami Ligawan Stage :) Friends lang muna kasi kakagaling ko lang sa pagiging brokenhearted :)

Hindi sa ginagawa kong rebound si Mason, sa kanya ko lang talaga na-feel ang happiness ngayong na-brokenhearted ako. Wala naman sigurong masama don diba? Friends lang naman. Alam kong crush niya ako pero syempre gusto ko rin talaga makilala si Mason. :)

"Bye, Gale." Sabi ni Mason pagka-baba ko sa motor niya.

"Bye,Mason. Ingat sa pagda-drive ha!" Sabi ko sabay tapik sa braso niya :)

"Oo. Ingat ka din." Naka-ngiting sabi ni Mason.

Nang maghiwalay ang landas namin, naisip ko, sa sandaling oras na pagsasama namin kanina, komportable ako sa piling niya :)

Ngayon ko lang na-feel na parang open ako sa taong gusto ako. At hindi malayong magustuhan ko rin siya :)

-----

Time na pala. Goodluck na lang sa quiz ko mamaya. Sana makapasa kahit pagmumuni-muni lang ang nagawa ko :))

I'll Never Give Up, My LoveWhere stories live. Discover now