It's not yet the end

32 4 1
                                    

Miss na miss ko na siya.

It's been a month since the day I saw him pero hanggang ngayon saulado ko parin ang itsura niya.

Ako kaya naaalala niya pa??

Ako nga pala si Karina Reyes a 17 years old, isang mag-aaral sa hindi gaanong kilalang unibersidad na may isang nakakapanghinayang na lovestory.

7 buwan na ang nakalilipas mula nang aminin niya sa akin na gusto niya ako.

Noong panahon yun, gusto ko na siya pero hindi pa ako sigurado kung ano ang kalalabasan kung aamin din ako sa kanya.

Pero hindi ko inakalang dahil sa pagiging pabebe ko ay maglalaho siyang parang bula.

Lumipas ang ilang araw, linggo, buwan pero hindi pa rin siya nagpapakita o nagpaparamdam man lang.

Muntik na akong mawalan ng pag-asa noon, pinasok na ng mga negatibong ideya ang utak ko.

Baka napagod na, baka nakahanap na ng iba, o baka nasa piling na ng iba, at narealize niyang mas kaya siyang pasayahin kesa sa akin na walang kasiguraduhan.

Sa hindi inaasang pangyayari, muling nagkrus ang landas namin.

Binalot ako ng iba't ibang emosyon.

Gulat, lungkot, panghihinayang , kaba, at saya.

Masaya ako na nakita ko na ulit siya.

Natatakot akong baka ito na ang huling beses na makita ko siya kaya nilakasan ko na ang loob ko at kinapalan ang pagmumukha.

Nilapitan ko.

Susubukan kong kausapin siya, aminin sa kanya ang lahat, na handa na akong tanggapin at mahalin siya.

Isa, dalawa, tatlong hakbang at narito na nga ako sa harap niya. Kinakabahan.

"hi."

"...."

"Kumusta ka? Ang tagal mong hindi nagpakita, saan ka nagpunta?"

"....."

"Nakalimutan mo na ba ako? Kailangan ko na ba ulit magpakilala? Oh siya ako nga pala si Karina Reyes."

Pagpapatuloy ko, kahit na hindi niya ako pinapansin. Inilahad ko pa nga ang kamay ko pero hindi niya pinansin

"..."

"hays"

"....."

Nagmumukha na akong ewan dahil sa pag-snob sa akin ng isang to. 

"Tutal ayaw mo naman akong kausapin, pakinggan mo na lang itong sasabihin ko. Makinig ka nang mabuti. I'm sorry. I'm sorry for what I did noong umamin ka sa akin. It's just that-- I'm scared. Natakot ako na baka hindi totoo lahat. Sobrang saya ko that time na nakakatakot. Kasi sa bawat saya may kapalit na sakit. Naduwag ako, Oo gusto din kita noon pa. Hindi ko maamin kasi baka mailang ka o magbago kung ano tayo noon."

Naiiyak na ako pero itong kausap ko parang walang pakialam. Bahala na, ang mahalaga sa akin ngayon eh marinig niya ang side ko.

"......."

"Mahal kita."

"......."

"Ayan, tapos na ang drama ko, pwede ka nang hindi makinig Salamat sa oras. At salamat kasi nagpakita ka na ulit after I don't know how many months. And I'm sorry. Pinagsisisihan ko na ang nangyari noon."

Its not yet endWhere stories live. Discover now