20 : Because she stayed awake

Magsimula sa umpisa
                                    

“Agatha nandito ka lang pala.” Nauutal na sambit ni Cooper at tumayo na lamang sa harapan nito. Hindi niya magawang tingnan si Agatha sa  mga mata kaya tinanaw na lamang niya ang karagatan. “Tumayo ka na diyan, kanina ka pa nila hinahanap.” Iniabot niya ang kamay upang matulungan itong tumayo ngunit nagdaan ang ilang sandali, hindi parin gumagalaw si Agatha sa kinauupuan o inaabot man lang ang kamay niya.

Marahas na napakamot si Cooper sa ulo niya at tuluyang napatingin kay Agatha habang nakakunot ang noo. Ngunit sa isang siglap, biglang binalot ng matinding takot si Cooper nang makita si Agatha ng malapitan.

Nakaupo si Agatha sa buhangin at nakatingin lamang pala ito sa kawalan. Walang kaemo-emosyon ang mukha niya pero patuloy sa pagluha ang mga mata niya samantalang ang damit niyang kulay puti ay may bahid na ng maraming dugo.

Sa di malamang dahilan, napatingin si Cooper sa mga kamay ni Agatha at nakita niyang ang kanang kamay nito ay dumudugo dahil sa hawak nitong isang basag na salamin.

“A-agatha anong--” Nauutal na sambit ni Cooper na halos hindi makapagsalita dahil sa gulat matapos makitang  may malaking hiwa na ang kaliwang pulso ng dalaga. Naglalas ito gamit ang hawak na salamin.

“Agatha anong ginawa mo?!” Kasabay ng tuluyang pagsigaw ni Cooper ay ang pag-agos ng luha mula sa mga mata niya. Nanginginig siyang lumuhod sa harap ni Agatha at hinaplos ang magkabilang pisngi nito. “Agatha bakit mo ginawa to?!” Muling iyak ni Cooper habang hawak ang pulso ni Agatha na ngayo’y bumubulwak na ng dugo.

Hindi alam ni Cooper ang gagawin. Pinapangunahan na siya ng matinding takot at taranta kaya dali-dali na lamang niyang kinarga si Agatha at itinakbo sa ospital.

-----

Katahimikan. Walang ibang namamayani sa apat kundi isang nakakailang na katahimikan. Bakas sa mukha nila ang matinding lungkot at pag-aalala habang hinihintay na lumabas ang doctor na siyang gumagamot kay Agatha.

“Kasalanan ko ‘to. Kung sana hindi ako pilay, sana nahabol ko siya kanina.” Tuluyang nabasag ang katahimikan nang dahil sa paninisi ni Javi sa sarili.

“Walang may kasalanan sa nangyari.” Giit ni Trent at bahagya na lamang na tinapik ang balikat ni Javi.

“Wala nga ba?” Mahina at walang kaemo-emosyong sambit ni Reema at napatingin sa direksyon ni Cooper.

Si Cooper na lamang ang tanging hindi umiimik. Nakaupo lamang siya habang nakasandal ang dalawang siko sa hita. Magmula ng makarating sa ospital ay hindi na niya nagawa pang mag-angat ng tingin sa kahit na sino dahil ang tanging nasa isipan lamang niya ay ang kalagayan ni Agatha.

Ilang sandali pa ay lumabas na ang doktor kaya agad siyang sinalubong ng apat na alalang-alala.

“Doc okay lang ba siya? Hindi naman malala ang sugat niya diba?” Salubong ni Cooper na kanina pa hindi mapakali.

“Physically, she’s okay for now. Emotionally, I’m afraid she’s not. The slash on her wrist was deep indicating, she already lost her will to live, she really wanted to die.” Nanlulumong sambit ng doktor at isa-isang tiningnan ang apat, “Call her parents, they need to be by her side. At kayo namang mga kaibigan niya, gawin niyo ang lahat para maging masaya siya. Siguro alam niyo na ang sitwasyon niya kaya sana parati niyong iparamdam sa kanyang hindi siya nag-iisa.” Dagdag pa ng doktor at tuluyang umalis kaya sila naman ang pumasok sa kuwarto kung saan nakaratay ang kaibigan.

Stay awake, Agatha (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon