PROLOGUE/BEGINNING

117 5 0

Ako ay naatasang na makapunta dito sa isang sinasabing mala palasyong bahay ampunan. Naatasan ako dito dahil sa ginanap na Tutor Charity for Children in Orphanage o TCCO. Isa na ko sa napiling mag boluntaryo para dito na naturingang event na gaganapin. Sa Bawat isa kasi samin ay magtuturo sa bahay ampunan.

Pagpunta ko dito sa bahay ampunan bago ko palang ako makapasok bumungad na sa akin mismo ang napakalaking pintuan ng mansion na bahay ampunan nakabukas lang ito kaya pumasok na lang ako nakita ko ang loob nito namangha na kagad ako sa nakita ko. Nakita kong palapit sa akin ang bata syempre ako lumapit na din ako para 'enganyohin kausap.

Hello cute anong pangalan mo ?

Hindi Ako sinagot ng bata kaya ang ginawa ko ay iniba ko na lang ang tanong ko sa kanya rito.

Bata, Ako yung magiging teacher ninyo rito.

Ngunit hindi nya ito inintindi ang pagkasabi ko nito tanging iba kanyang tugon dito sa sakin.

Tulongan mo kami dito dahil kasi ang tagal na namin kasing gustong makawala dito.

Hindi ko sya naintindihan kaya sumangayon nalang ako sa kanya kahit pa hindi ko makuha.

Oo ba tutulungan ko kayo pangako ko yun.

Isang boses ang aking narinig na tinatawag ang pangalan ko na paulit paulit hinahanap ko ito kung saan ito nagmumula, nakita ko nalang si Sister Rebecca na palapit sa akin.

Oh' Laureen kanina ka pa ba ? Halika tuloy ka dito , kumain ka na ba bago pumunta ?

Hindi pa nga po, medyo gutom na rin po ako.

Bigla na lang nawala yung batang nakausap ko kanina nilingon ko ang parteng madilim at sya ang nakita ko dali daling pumunta hanggang sa maglaho na lang sa madilim pagkatapos noon hindi ko na lang inida pa at hindi ko na lang ako tinugon sa usapan namin itong bagay na ito.

Dinala ako ni Sister Rebecca sa isang kusina at nasaksihan ko ang pitong lamesang sobrang mahahaba na magkakahilera, pinaupo muna nya ako at pinaghintay muna ako ng limang minuto at pagkalipas ng limang minuto dumating na ang aking pagkain na bitbit pa ng isang katulong dito pagkatapos kong kumain tumungo na kami sa aking magiging kwarto raw dito sa bahay ampunan.

Muli pa kaming pumasok sa isang pintuan at ng itoy buksan namangha ako sa aking nakita dito ang mga gamit dito na antigo na galing pa sa iba't ibang bansa makikita mo na puro magara ang dating at sa mga dingdin nakasabit naman ang mga paintings na nakasabit na mamahalin.

Pagdating namin sa gitna nakita ko ang isang hagdanan na napakalawak at sa dalawang mag gilid nitong hagdanan makikita mo ang istatwa ng lalake at babae. Sa kanan nito ang statwa ng lalake ito ay nakahubo't hubad mismo parang may tinuturo sa taas ito at sa kaliwa naman ay ang babae ding nakahubo't hubad na nakaturo din ang kanyang kamay patungo sa taas.

Pagdating mo sa taas makikita mo ang isang na napalaking portrait na narito, ito ay sobrang laki na may sukat na singkwenta na pulgada. Si Donya Amparro ang nakalarawan dito noong kanyang kabataan pa lamang sya. Kaliwa't kanan ang dinadaanan dito kaya pinapapili ako kung saan ang gusto ko pinili ko ang kaliwa at dito kaming dumaan, natanaw ko ang mga bintana ng mga kwarto ng bawat isang kwarto nasisilip ko dito ang tinatahak namin. Nakikita namin ang loob nito ay puro bata ang nandito, pagdating namin sa dulo nakita ko ang isa pang pataas na hagdanan, umakyat kami dito. Pagakyat namin nasaksihan ko lalo ang kagandahan pa nito.

Naglalakad kami habang nakikita ko ang mga madreng lumalabas sa mga kwarto nila. Medyo may kadiliman nga lang dito dahil ang tanging nagbibigay liwanag sa amin ang mga ilaw na nakalagay sa gilid ng pintuan. Pagdating sa ikapitong pinto tumigil na kami roon at dumukot na si Sister Rebecca sa kanyang bulsa para kunin ang susi nitong magiging kwarto kong pansamantala muna dito at ng pagbukas ang pinto namangha pa ako ng husto talaga sa laki ng kwarto ko dito na halos kasya pa ang walong kama na ilalagay dito, halos mag kasing laki ng salas namin itong kwartong ito. Nasaksihan ko rin ang mga gamit dito na mukhang mamahalin pa at ang mismong ginamit sa paggawa ng kwartong ito hindi rin basta mumurahin lang ang materyales na ginamit dito.

THE CHILDREN IN THE PASTBasahin ang storyang ito ng LIBRE!