Sa hindi kalayuan nakita ko ang ang paborito kong sasakyan na Black Ferrari ginagamit ko pag andito ako sa palawan

""Here's the key Miss N""Nakangiting bigay sa akin ni Namjoon na siyang taga-alaga ng aking sasakyan dito.

""Thank you""Nakangiti kong sambit.

Pinaandar ko na ang aking sasakyan papunta sa aking bahay dito sa palawan nakailang minuto lang dumating na kaagad ako hindi naman medyo malayo.

Pagkababa ko tanaw na tanaw ko ang kalakihan ng aking bahay na hindi ko na masayadong napuntahan at tanaw na tanaw sa harap ng bahay ko ang isang kulay asul na dagat. Pinili ko talaga na dito magtayo ng bahay dahil ang ganda ng tanawin lalo na pag sunrise tsaka sunset.

Pagkarating ko sa gate agad akong nag Finger Print at kaagad naman itong bumukas. Pagkapasok ko agad naman itong sumara.

Itong bahay na ito sobrang secure.Kahit sino walang madaling nakakapasok.

Pagkarating ko sa pintuan agad kong hinarap ang mata ko sa Pad at agad naman itong bumukas.

Pagkapasok ko napahatchi at napaubo ako sa medyo maalikabok na bahay ko.

Ang tagal na ring walang may naglilinis dito dahil wala talaga akong may ipinapapasok na tao, para maglinis maliban nalang pag nandito ako may pinapapunta akong tao para linisin yung bahay ko.

Kinuha ko yung cellphone ko para tawagan si Manang Rose kasama ang dalawang anak nito dahil kung siya lang mag-isa tiyak na hindi niya matatapos yun ng isang araw.

""Hello Manang""Pambubungad ko dito.

""Ohhh Ija""

""Pwede po bang palinis ng bahay ko?""Magalang kong tanong.

Rinig ko naman ang pagkatuwa ng matanda sa kabilang linya.

""Nakabalik ka na Ija?""Masayang tanong nito kaya napangiti ako.

""Opo Aling Rose""

""Sige sige mag-uumagahan lang ako""Masaya nitong sabi at pinatay na ang linya.

Lumabas ako sa bahay ko at pumunta sa Harden para doon tumambay hindi naman medyo mainit dahil may mga puno dito.

Nagkalat ang mga dahong nalalagas sa puno hindi naman pangit tignan parang dahon lang sa ibang bansa na ang ganda.

Pinatong ko ang paa ko sa center table at isinandal ko ang likod ko inilibot ko naman ang tingin ko sa bahay, kahit isa walang may nakakaalam nito kahit mismo si Brie tsaka ko nalang sasabihin pagbuo na yung tiwala ko sa kaniya.

May tiwala naman ako sa kaniya kaya lang hindi pa yung bilang bestfriend. Ako kasi yung tipo na ang hirap magbigay ng buong tiwala baka kasi iwan ako nila kaya sayang yung malalaman nila tungkol sa akin kung iiwan rin naman ako nila.

Ang alam ni Brie sa Condo lang ako nakatira at isang sasakyan lang at isang motor ang meron ako.

Tanging yung mga tauhan ko lang yung alam na meron ako nito. Pero hindi nila alam kung sino talaga ako. Hindi nila alam kung sino ang pamilya ko.

Nang medyo mainit na dahil sa sikat ng araw napagpasiyahan kong pumunta sa opisina ko para linisin yun, walang pwede pumasok dito. Kinuha ko ang walis at pampunas sa alikabok. Pagkapasok ko kung titingnan mo ang linis linis na parang walang alikabok kaya lang hindi ako sanay parang pakiramdam ko nangangati yung katawan ko kahit wala namang alikabok.

Inumpisahan ko ng maglinis kaya hindi pa nakakalahating oras tapos na ako hindi naman mahirap linisin dahil hindi naman madumi.

Napaupo ako sa swivel chair dahil sa pagod. Pinatong ko ang paa ko sa table ko. Naligaw ang mata ko sa paintings na ginawa ko, yun ang una kung ginawa pero pinag-aagawan ng tao na bilhin pero kahit kelan hindi ko nagawang ipagbili ang pinaghirapan ko.

Im Living Up With My Legendary Title (COMPLETED under EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon