Senior

7 0 0
                                    


Year 2011, nung patapos na yung Junior year ko at malapit ng magbakasyon ay naisipan ko ulit gumawa ng isang story na ang title ay "Horikoshi High". Inspired ito sa mga k-drama at anime na napapanuod ko nung time na yun kaya naman kung mababasa nyo yung gawa ko ay may ilang parts sa story na medyo similar sa ilang mga k-drama nung time na yun pero syempre nilagyan ko ng ibang twists at medyo may binago ako. Wala e ayun talaga yung time na sobrang naging kpop fan din ako saka nahilig ako sa anime.

Yung Horikoshi High medyo mabilis ko lang din sya nagawa kasi nga bakasyon na nung time na yun kaya marami akong time. Tapos usually sa gabi talaga ako gumagawa hanggang madaling araw kasi nga bawal ako mahuli ng Mom ko.

Nung Senior year ko naman medyo nag-stop muna ako for awhile sa pagsusulat. Pero meron pa din naman akong nasimulan na story tapos co-writer/contributor pa yung isang bestfriend ko. Kaso hindi ko natapos sulatin yung story nun..and most of it ay ako din naman talaga yung nagsusulat tapos may ilang pages doon na yung bestfriend ko yung nagsulat. Siguro nung senior year kasi medyo madami na din akong ginagawa kasi bukod sa acads ay may mga extra curricular pa ako. Medyo naging active ako sa school nung senior year. Basta ayun parang medyo tinamad na lang ako magsulat at tapusin yung story na ginawa ko. And also na-realize ko din na ang hirap pala kapag may co-writer or contributor kasi syempre magkaiba kami ng personality e..magkaiba kami ng way ng pag-iisip at yung style ng writing namin magkaiba kaya doon ako medyo nahirapan. Natuwa and na-appreciate ko pa din naman yung bestfriend ko and sobrang thankful pa din ako sa help nya pero ayun na nga medyo struggle lang.

How I Discovered  WattpadWhere stories live. Discover now