Glimpse 2: Lucky Me

246 42 22
                                    

- Leigh Anne -


Ikinagulat ko pati ni Mariz na nakaimpake na ang mga gamit kong dadalhin sa tutuluyan kong apartment pagdating na pagdating namin sa bahay ampunan. 

May isang lalaki daw ang kumausap kay Mother Superior at kaagad na ipinaalam ang good news tungkol sa akin kaya si Mother Superior na ang naghanda ng mga gamit ko. 

Tuwang tuwa nga si Mother Superior nang mabalitaan na nabigyan ako ng scholarship ng Somerset dahil isa daw ito sa mga institusyon na malaki ang itinutulong sa mga bahay ampunan at isa na doon ang bahay ampunan na ito kung saan ako lumaki. 

"Ang swerte mo talaga Mards! Biruin mo lahat nakaayos na bago ka pa dumating. And take note! Susunduin ka pa papunta sa apartment na tutuluyan mo! Ayyyyyiiiee! Sama ako sayo daliiiiiiii!" Mas excited pa yata to kaysa sa akin eh. 

"Oo na! Oo na! Matigil lang yang pangungulit mo." Yamot kong sabi sa kanya habang naglalakad kami palabas ng pinto ng ampunan habang hatak hatak ang maleta ko. 

"Yehey! I'm so excited! Wooohooo." Nge. Ni hindi man lang nakaramdam na naiinis na ako. Tsk. Talaga nga naman oh. 

Napahinto si Mariz sa pangungulit ng may isang magarbo at mukhang bagong bago na silver Mercedes Benz ang pumasok at pumarada sa main entrance ng ampunan. 

"Siomai Mariz. Totoo ba yang nakikita ko?" Tanong ko kay Mariz habang nakatunganga sa magarbong sasakyan. 

"Oo mards. T-Totoo yang nakikita natin." Nangangatal niyang sagot. 

Habang patuloy pa rin kami sa pagtunganga sa sasakyan, isang lalaki ang bumaba sa kanang pinto ng sasakyan. Nakasuot siya ng plantsadong navy blue suit at dark red na necktie na sinamahan pa ng ubod ng linis na itim na leather shoes. 

"Mardddssss. Anghel ba iyang nakikita kong bumaba sa sasakyan?" Mahinang bulong sa akin ni Mariz habang nakanganga pa rin sa lalaking kabababa lang ng sasakyan. 

"Siguro Mards. A-Ang gwapo." Mahina kong sagot sa kanya.

Mukhang anghel talaga yung estrangherong bumaba ng sasakyan. Paano ba naman kasi. Napakatangkad, napakaputi, at napaka ganda ng tindig ng lalaking naglalakad papalapit sa amin. 

"Maaaarrrddddssss! Papunta siya dito sa pwesto natin! I can't breathe! " Bulong sa akin ni Mariz habang hinahatak hatak ang manggas ko sa sobrang kilig. 

Hindi ko siya sinagot dahil nakatunganga lang talaga ako sa napaka linis at napaka perperktong mukha ng lalaking nasa harapan na namin ngayon. 

"Ikaw po ba si Ms. Leigh Anne Mendoza?" Shocks! Pati boses ang gwapo! He has the very sexy voice that I've never heard from anyone. Samahan pa ng tantalizing brown eyes at napakaputing mga ngipin. Dark brown curly hair na napakalinis tingnan at napaka pink din ng kanyang mga labi na tinalo pa ang mga labi ko. 

"Uhmmm... Miss. Okay lang po ba kayo?" Grabe! Ang gwapo mo kuya!

May biglang humatak sa manggas ng damit na siya ko namang ikinalingon. Napalingon ako kay Mariz at nakitang may itinuturo siyang kung ano sa bibig niya. 

"Maaarrrdddsss! Nagdodrool ka!" Mahinang niyang sabi sa akin. 

Nang ma-realize ko ang sinasabi niya ay bigla akong nagpanic at pinunasan ang laway na lumabas sa aking bibig. 

'Siomai! Nakakahiya doon sa anghel! Waaaaah!' Sigaw ko sa loob loob ko. 

"S-S-Sorry for that. Medyo nagwapuhan ESTE natameme lang po ako sa kotse." Sabi ko doon sa anghel na halatang pinipigil ang kanyang pagtawa.

Will You Ever Notice Me?Where stories live. Discover now