"Sabi ko na sa inyo eh!" panduduro ni Melina sa dalawang tukmol.
"Paano mo nalaman?" tanong ni Vitani.
"Nakita mo ba siya Kuya?" inosenteng tanong ni Luca.
"I can't feel his soul. That means he's alive," sa isip ko ay bumilog na ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Pero hindi ko ito ginawa dahil ayaw kong makita nila na bumilib ako sa kaniya.
So kaya niyang gawin 'yun? Parang paranormal expert naman ang kasama naming ito.
"Woah! Astig! Kaya mo bang makipag-usap sa mga kaluluwa?" bilib na tanong ni Percival.
"I can't talk to them. I don't know where are they. I just feel them. I just feel that they are dead already," paliwanag niya. "I'm a Human Obituary," Human Obituary?
"So alam mo ang lahat ng Lorics na patay na?" sabi ni Melina.
"No. Kung hindi ko pa nakita ang isang Loric, hindi ko malalaman kung patay na siya," paliwanag niya.
"So nakita mo na ang Blood Lord?" curious na tanong na naman ni Melina. Napaka-inquisitive niya ha.
Parang nagulat naman si Soul Mage sa tinanong ni Melina dahil napaangat ito ng tingin sa amin.
"Hi−hindi niyo pa ba siya na−kita?" utal-utal niyang tanong.
Umiling naman silang lahat maliban sa akin. Mabuti na lang 'di niya ako nakita na hindi sumagot.
"O−Oo. Nakita ko na siya," sagot ni Soul Mage.
Tiningnan naman siya nang diretso ni Vitani nang marinig ang sagot niya.
"May prob−lema ba kung na−kita ko na siya?" palipat-lipat ang tingin ng Soul Mage sa mga kasama namin. Napatigil rin siya sa pagkain.
"Lahat tayo dito ay hindi pa nag-aaral sa Grim sa mga panahong naghahasik ng lagim ang Blood Lord. So paano mo siya nakita?" magkasalubong ang dalawang kilay ni Vitani.
"Buong buhay niya ba dito lang siya sa Grim nanatili?" sagot naman ni Soul Mage.
"Sabagay," pagsang-ayon ni Vitani, ngunit hindi pa rin maalis ang tingin niya sa Soul Mage.
Nagpatuloy lamang kami sa pagkain at nilamon ng ingay ng pagkalansing ng mga kubiyertos ang buong silid. Habang kumakain kami, hindi ko na naiwasang magtanong. "Ano bang pangalan mo?" dahil sa tanong ko ay magkakasabay silang anim na napatingin sa akin.
"Sino?"
"Siya," turo ko kay Soul Mage. "He didn't introduce himself a while ago. And I forgot his name when he was recognized during the announcement of results. Siya lang ang hindi nagpakilala sa inyo kanina kaya siya lang ang hindi ko kilala," paliwanag ko.
"Yojan Darke," mabilis namang sagot niya.
Napatango naman ako.
"You're really unbelievable Dr. Ape," sabi naman ni Melina. "And hindi lang naman si Yojan ang hindi nagpakilala kanina ah. Si Vitani hindi rin kaya nagpakilala," dugtong pa niya na nagpataas ng kaliwang kilay ko. "Yieee! Baka naman crush mo si Vitani?" at dahil dun, mas tumaas pa ang kilay ko.
Tumawa at nagkantyawan naman sila pero siyempre, maliban kay Vitani at Yojan. Dahil medyo humiliated ako sa nangyari, tiningnan ko sila ng pagkasama-sama at nang mapansin nila ito ay tumigil na sila at nagpatuloy sa pagkain na parang walang nangyari.
Maya-maya pa ay may nagsalita na naman. "Yojan. Nararamdaman mo bang patay na ang Wisest Wizard?" tanong ni Nero.
Pumitik naman ang paningin ko kay Yojan upang abangan ang sagot niya.
"Sorry pero hindi ko pa kasi siya nakikita," sagot naman ni Yojan.
"Ikaw Drape," tawag sa akin ni Vitani na taas-noo habang nakatingin sa akin. "Sa tingin mo anong nangyari sa Wisest Wizard?"
"For me, he's dead," sagot ko.
"Dead? Sigurado ka?" tugon naman ng nagtanong sa'kin saka muling nagpatuloy sa pagkain.
Pagkatapos nun ay wala nang sumubok na muling magsalita. Dali-dali kong inubos ang pagkain ko. Tumayo na ako at umalis mula sa hapagkainan dala ang aking pinagkainan. Dinala ko ito sa lababo at ako na ang naghugas nito saka nilagay sa lagayan ng mga plato.
Sunod ay tumungo na ako papunta sa hagdanan. Pagdaan ko sa mesa ay sinabi ko sa kanilang mauuna na akong matulog. Nag-good night naman ang ilan sa kanila.
Umakyat na ako at dire-diretsong pumasok sa aking kuwarto. Pagkapasok ko ay naglakad ako palapit sa shelf. Kinuha ko ang booklet na walang pamagat at nilagay sa mesa. Binuksan ko ito.
Sa unang pahina ay ang ginuhit na larawan ng isang napakagandang treehouse. Wala itong hagdan paakyat sa treehouse kaya kung sinuman ang makakakita nito ay hindi susubuking akyatin.
Sa sumunod na pahina ay ang ginuhit na larawan ng isang lalake na nakasalamin. May panulat pa na nakaipit sa bandang itaas ng kaniyang tenga. Sa ilalim ng kaniyang larawan ay nakasulat ang "The Wisest Wizard."
***
AUTHOR'S NOTE: YOU'RE ALL FREE GUYS TO COMMENT DOWN YOUR THOUGHTS, CONCLUSIONS AND THEORIES ABOUT THE STORY. DON'T ALSO FORGET TO VOTE AND TO FOLLOW ME.
THANK YOU FOR READING THIS STORY.
P.S. A BLESSED HOLY WEEK EVERYONE. FOR THIS COMING MAUNDY THURSDAY, GOOD FRIDAY, AND BLACK SATURDAY, I WILL NOT BE ABLE TO POST AN UPDATE FOR SOME PERSONAL REASONS.
INSTEAD, I WILL UPDATE TWO CHAPTERS ON EASTER SUNDAY.
THANK YOU FOR YOUR KIND CONSIDERATION.
YOU ARE READING
He Who Must Not Lie
Fantasy"Liars go to hell." Almost every living person believes in this notion - but not Drape Scamander. He didn't have a normal childhood because at the age of ten, he already experienced hell even without muttering a single lie. As he entered Grim Academ...
Chapter 7: A Bit of Explanation
Start from the beginning
