Umalis na siya at sinarado ko na rin ang pinto. Bumalik ako sa mesa, tiniklop ang libro at saka inilagay ito sa shelf. Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng kuwarto at tumungo na sa kainan namin. Pagdating ko doon ay kumpleto na sila.
Ang arrangement ng aming pagkakaupo sa mesa ay ang arrangement din ng aming mga kuwarto sa taas. Si Melina ang nagsabi na ganito na lang daw. Kaya ngayon ay nagmumukha akong tatay nila.
Sauced Chicken Liver at Grilled Pork Mask ang niluto ni Melina. Dalawa sa mga Famous Delicacies ng First Division. Nagsimula na kaming kumain at masasabi kong magaling magluto si Melina dahil masarap ang pagkain. Siguro mahilig magluto si Melina dahil alam niya ang mga pagkain sa First Division.
"Hindi ba talaga nila matanggal ang mga natuyong dugo dito sa Grim. Natatakot ako eh. At medyo nandidiri din," singit ni Percival habang kumakain kami.
"Bakit naman nila tatanggalin eh, mark ito ng isang important happening sa Magic History na dito mismo naganap sa school natin," depensa naman ni Melina.
"Patay na ba talaga ang Blood Lord?" tanong naman ni Nero.
"Ano ba sa tingin niyo? Diba hindi naman nakita ang bangkay niya? At saka... hanggang ngayon hindi pa rin natatapos ang search operation ng Magic Ministry. That means, naniniwala silang buhay pa ang Blood Lord," paliwanag ni Melina.
Sa tingin ko marunong din 'tong mag-isip si Melina. Kailangan ko ring mag-ingat sa kaniya.
"Ikaw Drape?" tawag naman niya sa'kin. "Since you're the smartest here, ano ang masasabi mo tungkol dito?" Right. Tinanong pa ako.
Nilunok ko muna ang nginunguya kong pagkain bago nagsalita. "Hindi nga nahanap ang kaniyang bangkay, pero..." I paused for a while to think for an explanation. "...posibleng, dahil sa makapangyarihan ang Wisest Wizard, he made the Blood Lord burst into ashes kaya walang bangkay na nakita."
"Hala oo nga 'no?" paniwalang-paniwala naman si Nero. Parehas lang sila ni Pruschian.
"Kaya ko ring gawin 'yun 'no!" singit naman ni Luca.
"I don't think so. I think he's not dead," sabi naman ni Vitani na hindi pinansin ang sinabi ni Luca.
"Paano mo naman nasabi?" tanong naman ni Percival.
"Wala namang nakakita na naging abo ang Blood Lord eh. Sa tingin ko, nagtatago siya ngayon. Nagpapalakas at naghahanda sa kaniyang pagbabalik," opinyon ni Vitani habang nakatuon lamang ang atensyon sa kinakain.
"Tinatakot mo ba kami?" asik naman ni Percival at dinuro pa ng kutsara si Vitani.
"Hindi ko na 'yun problema kung natakot ka," kalmadong saad naman ni Vitani.
"Paano kung bumalik nga ang Blood Lord?" tanong naman ni Nero.
"Oo nga. Siguradong dito siya sa Grim babalik. Dito rin siya huling pumunta eh. At syempre tayo ang aasahang makipaglaban sa kaniya. Tayo ang Reapers eh. Oh no! Ayoko pang mamatay," takot na takot na pahayag ni Percival.
Bobo na nga, duwag pa.
"Kuya ang OA mo," sabi naman ni Luca. "Ako na lang ang makikipaglaban sa Blood Lord para sa'yo kuya," 'buti pa ang isip-bata may kaunting tapang na tinataglay.
"The Blood Lord is alive," nagulat kami dahil biglang nagsalita ang pinakatahimik sa amin – si Soul Mage.
"Huh!?" magkasabay na tanong nina Nero at Percival.
"Oh My Gosh! Sabi ko na nga ba maling-mali na pumasok ako sa Reapers. Ayokong makipaglaban sa Blood Lord!" nagpa-panic na reaksiyon ni Percival habang ang mukha niya ay parang nangangasim.
YOU ARE READING
He Who Must Not Lie
Fantasy"Liars go to hell." Almost every living person believes in this notion - but not Drape Scamander. He didn't have a normal childhood because at the age of ten, he already experienced hell even without muttering a single lie. As he entered Grim Academ...
Chapter 7: A Bit of Explanation
Start from the beginning
