Chapter 7: A Bit of Explanation

Start from the beginning
                                        

Ang Magic Dome kasi ay nahahati sa anim na dibisyon – First Division, Second Division, Third Division, Fourth Division, Fifth Division, at Sixth Division. Ang bawat dibisyon ay may sari-sariling Magic Ministry na nagsisilbing Local Government. May mga Magic Minister din ang bawat dibisyon at sila ang bumubuo sa anim na Saints.

Kung ano ang mga proklamasyon, anunsyo, at mga batas na ipinapatupad ng Magic Dome Minister, ibabahagi niya ito sa mga Saints at ang mga Saints naman ang magdadala ng mensaheng ito sa dibisyong nakatalaga sa kanila.

Kami ay nabibilang sa First Division at ang scholarship na natanggap ko ay nanggaling sa First Division Minister, na iniutos naman ng Magic Dome Minister. Hindi lamang dito sa First Division ang binigyan ng Ministry ng scholarship program. Sa katunayan niyan, lahat ng Divisions ay may mga scholars.

Dito sa First Division, ang paaralan para sa mga Lorics ay ang Grim Academy. Sa bawat Division ay may institusyon ding itinayo.

Minbane Academy sa Second Division. Kung strikto dito sa Grim, mas strikto ang pangangalakad ng sistema doon sa Minbane at mas mataas ang kanilang standards. Hindi rin kasi biro ang kanilang mga Professor doon at ang kanilang Headmaster ay ang Second Division Minister mismo.

Virmagad Academy sa Third Division. This is an institution exclusive for girls. Lahat ng estudyante dito, professor, faculties and staffs ay puro babae. Hindi sila nagpapapasok ng lalake dito kahit bibisita lang. Kaya naman ang mga binata sa Third Division ay pansamantalang naninirahan sa Fourth Division para mag-aral.

St. Andrew Academy sa Fourth Division. St. Andrew Academy, the counterpart of Virmagad, is a school exclusive for boys. Ngunit hindi tulad sa Virmagad, pinahihintulutan nilang pumasok ang mga babae dito for a given period of time. Ang mga kababaihan naman sa Fourth Division ay lumilipat sa Third Division at doon nag-aaral sa Virmagad. They serve as the exchange students from and for the two schools. Dahil na rin dito ay malapit sa isa't isa ang Third at Fourth Division.

Sotolittle Academy sa Fifth Division. Espesyal ang paaralang ito dahil mga diwata at mga duwende (elves, not dwarves) ang nagpapalakad dito. A lot of Lorics want to attend here not because for a better system but because professors here, fairies and elves, are young and they have the looks. Ilang kaso na rin ng Student-Teacher Relationship ang nahuhuli dito. Karamihan sa mga nahuhuli ay ang mga elves at mag-aaral nilang babae.

And lastly, Langwoodwick Academy sa Sixth Division. Ang Sixth Division ay matatagpuan na sa pinakadulong bahagi ng Magic Dome. Ito ay puno ng mga malalaking punongkahoy at mga sakahan. Dahil dito, ang Langwoodwick Academy ay isang Agricultural Institution at karamihan sa mga gustong mag-aral dito ay mga Green Elementalist. Dahil sa masagana ang Sixth Division sa mga halaman, naging supplier na rin sila ng pagkain, herb, at bulaklak sa buong Magic Dome. Ngunit sila naman ang nagiging huli palagi sa Grand Magic Tournament dahil hindi nila ito masyadong binibigyang-pansin. Ayon pa sa nabasa ko, sinubukan nilang hindi sumali noon ngunit hindi pumayag ang Magic Dome Ministry.

Ang bawat paaralang ito ay may mga kalahok din para sa Grand Magic Tournament. Hindi lamang sa ganitong kompetisyon sila sumasali kundi pati na rin sa iba pang Wizardry Competitions. At ayon sa aking nabasa sa The Magic Dome, madalas daw na nagtutunggali o ang greatest rival umano ng Grim Academy ay ang Minbane Academy ng Second Division.

Sa katunayan nga ay ang Minbane Academy ang sunod-sunod na nanalo sa nagdaang apat na taon sa Grand Magic Tournament.

Patuloy lamang ako sa pagbabasa tungkol sa mga Famous Orgs. And Assoc. in Magic Dome nang biglang may kumatok. Agad naman akong tumayo at tumungo doon saka binuksan ang pinto. Iniluwa nito si Melina.

"Kakain na tayo Dr. Ape," sabi niya saka medyo tumawa pa.

"Sige. Susunod ako," hindi ko na lang pinansin ang pagtawag niya sa akin.

He Who Must Not LieWhere stories live. Discover now