""Mang Chimmy, paki kuha naman""utos ko sa taga linis ng bahay namin kaya agad agad naman siyang lumapit sa akin at tinulungan ako. Lumapit din ang isang katulong namin para kunin ang unting dala ko.


""Mang Tata paki bukas ang gate""Utos ko sa guard namin para papasukin ko si Blazin agad niya naman itong binuksan kaya lumabas na ako para papasukin ang sasakyan ko.Pagkapasok pinark ko nalang malapit sa fountain.


""Hey""


""Niks your here""hindi makapaniwalang sambit ni Mama habang nagsasalin ng wine sa baso.


""Ateeee""lumapit sa akin ang kapatid ko na lumalamon ng dala kong friend chiken at niyakap niya ako ginantihan ko rin siya.


""Yes, Im here in front of you""tinuro ko pa yung sarili ko hindi parin siya makapaniwala sa nakikita niya.


Umupo ako sa sala namin at nagumpisang kumain ng Fries habang nanonood ng SpongeBob.


""Saan ka pumunta nitong mga nakaraang araw ang tagal mong hindi bumalik dito""Tanong ni Mama sa akin.


""Ahhh andon lang sa condo tinamad akong pumunta dito ehh ang init""pagsisinungaling ko tumango naman siya na parang naniniwala na kaya pinagpatuloy ko na ang panonood sa TV.


Sa kalagitnaan ng panonood ko biglang nagring yung phone ko kaya agad ko naman itong kinuha at sinagot.


Mga istorbo talaga yung mga kaibigan ko.


""Ano?""walang gana kong sagot.


""N-n-niks ahhhh""rinig ko ang boses ni Alexa na parang hirap na hirap na siya kaya alam ko na kung saan siya pupuntahan.


""Saang hospital?""natataranta kong sagot.


Wala akong intensiyon na makipagkaibigan sa kanila pero tangina unting may nangyari lang sa kanila. Natataranta ako.


""S-saint M-ary Hos-----pit-al""


Nagpaalam naman ako kay Mama pati siya nag-aalala sa kaibigan ko. Sasama pa sana siya kaya lang walang may maiiwan kay Leigh.


Pagkasabi niya non kaagad naman akong lumabas, natataranta akong nagmamaneho ng sasakyan ko wala na akong pakialam kung madisgrasya man ako dito. Ano ba naman kasi yung pinasok ni Alexa kung bakit siya nabaril.


""Alexa Ardeña""agad kong tanong sa Nurse.


""Kaano ano ka po niya maam""


Napairap ako sa inis""Putangina!!Kung sapakin kaya kita malalaman mong kaano ano ko siya""Sigaw ko sa nurse natataranta siyang hinahanap ang pangalan ng kaibigan ko.


Dali dali naman niyang hinarap yung screen at hinanap yung name ni Alexa.


""Room Number 211""nanginginig niya sambit.


Tumakbo na ako sa silid na iyon.


Napapikit kaagad ako ng pagpasok ko hindi man lang nila ako nakitang pumasok dahil sa busy sila. Ang sarap nilang saksakin isa isa hindi naman pala nahospital si Alexa ito ay isang PRANK lang sa akin.


Ang gaganda pa ng posisyon nila. Ang sarap barilin ni Alexa,Yung posisiyon niya nasa sofa nakabaliktad pa yung paa niya sa pader. Ang gago namang si Brie ay nakahiga sa Hospital bed na nakatutuk lang sa cellphone,Si Natalya naman busy sa kagagawan niya sa kaniyang mukha.


""Saan niyo gustong masaksak!""sambit ko silang tatlo naman gulat na gulat yung mukhang nakatingin sa akin.


Bumaliktad na si Alexa sa pagkakahiga umupo siya ng maayos""Its a prank bitch,sabi namin sayo ehh may araw ka rin""nakangiting sambit ni Alexa.


Im Living Up With My Legendary Title (COMPLETED under EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon